CHAPTER 5

1.4K 25 0
                                    


Maaga nagising ang binatang si saint dahil plano nitong tulongan si ayah sa flower shop nito, natapos na nya ang kanyang mga gawain kaya may free time na 'to para puntahan ang kanyang kasintahan, gusto nyang bumawi dahil sa darating na linggo magiging busy na 'to at matagal tagal din silang hindi magkikita.

Agad syang napatingin sa pintuan nang may kumatok dito at biglang pumasok ang isang katulong.

Goodmorning sir, pinapatawag po kayo ni sir eric naghihintay po sya sa sala'
Napakunot naman ang noo ng binata dahil sa sinabi nito.

Tango lang ang sinagot nya sa katulong at agad ding umalis, hindi naman mawala wala ang pagkakunot ng kanyang noo hanggang sa natapos na 'tong magbihis.

Hindi sila magkasundo nang kanyang ama at minsan lang syang hanapin nito kaya pala isipan sa kanya kung bakit sya nito hinahanap.

Gusto nyang magalit sa ama pero hindi nya magawa, hindi nya kayang magtanim ng galit dito lalo na't sya na lang ang natira sa kanila ng kanyang kuya.

Agad na lumabas si saint sa kanyang kwarto at agad na bumaba papunta sa sala, nakita nya naman ang kanyang ama na prenteng nakaupo sa single sofa habang seryoso 'tong nagbabasa nang dyaryo, wala syang imik na umupo at malamig na tinignan ang kanyang ama, agad din naman itong umupo ng maayos at may hinagis na scented envelope sa harapan nya at agad nya itong kinuha.

Dalhin mo sya sa islang nabili ko nung isang linggo'
Mas lalong sumama ang mukha ni saint dahil dito, hindi nya alam kung ano ba ang iniisip nang kanyang ama.

Why?'

Kailangan nyong magkaruon ng oras para sa isa't isa'

Hindi tanga ang binata para maniwala sa kanyang ama alam nyang may pinaplano 'to at kung hindi sya nagkakamali alam nito na kasama parin nya ang binatang si drace.

Ayoko'
Pagmamatigas ni saint at hinagis pabalik sa kanyang ama ang sobre, ang kaninang walang emosyong mukha nang kanyang ama ay napalitan ng galit.

Ang tigas mo din, alam kong hindi mo parin nilalayuan ang lalaking yun tangina saint ilang beses na kitang sinabihan na layuan mo na sya, hindi kaba nakikinig?!'

Galit na sigaw ng kanyang ama pero seryoso lang nya itong tinignan.

Nakinig ako sayo dad kaya nga naging kasintahan ko sya dahil yun ang gusto mo!'

Walang bakla sa pamilya natin h'wag na h'wag mong ipapahiya ang apelyedo natin, nakakasuka ka!!'

Hindi ko alam kung ano ba ang ikinagagalit mo walang mali sa ginagawa namin, hindi kami nangaapak ng tao!!'

Walang puwang sa mundong 'to ang mga katulad nyo! Kaya habang natitiis pa kita, gawin mo na lang ang tama at kung ayaw mong itakwil kita sa pamilyang 'to umayos ka'

Agad na umalis ang kanyang ama at padamog na pumasok sa kwarto nito, binabalot naman ng galit ang binata at hindi na nya napigilang suntokin ang glass table, nagbigay ito nang ingay sa buong bahay dahil sa pagkabasag nito, hindi naman iniinda ni saint ang sugat sa kamay nya at agad na kinuha ang sobre, bago umalis.

Mabilis nyang pinaandar ang kanyang sasakyan kahit tumutulo na ang dugo sa kanyang kamay hindi nya parin 'to pinapansin at patuloy lang sa pagmamaneho, isang tao lang ang gusto nyang puntahan ngayon at iyun ay ang binatang si drace.

Habang nakahiga sa kanyang kama ang binatang si drace agad nyang kinuha ang kanyang telepono dahil tumunog 'to at sinagot kaagad ang tawag.

Drace kinansela ang photoshoot tatawagan kita ulit kung kailan ang schedule'

MY BOYFRIEND'S LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon