Maaga nagising si ayah kaya agad syang nagluto ng kanilang almusal ni bullet mamaya, pagkatapos ay agad syang naglinis ng bahay, tapos na sya sa pangatlo at pangalawang palapag kaya agad syang nagtungo sa unang palapag upang simulan ang paglilinis.
Walang kinuhang katulong si bullet kaya tangin sila lang dalawa ang nasa mansyon at walang ibang maglilinis dito kundi sya lamang.
Inumpisahan nyang maglinis sa sala, hindi naman masyadong madumi ang bahay pero hindi maiiwasang may kunting alikabok ang didikit sa sahig at sa mga vase na naka display.
May nakitang sapot ng gagamba si ayah sa itaas ng frame kaya agad syang kumuha ng upuan upang abotin at tanggalin ang sapot ng gagamba. Habang pilit nyang inaabot iyon patuloy syang umaabante hanggang hindi na nito namalayan na wala na pala syang maapakan at para syang nabuhosan ng malamig na tubig ng bigla syang nahulog at para bang huminto ang paligid nang bigla nyang nakita ang nagaalalang mukha ni bullet, may sinasabi ito pero hindi nya narinig dahil para syang mabibingin sa lakas ng tibok ng puso nya.
'Hey ayah are you okay? Hey!'
Mahinang tinapik ni bullet ang pisngi ng dalaga habang nakapatong ang dalaga sa kanyang kandungan.
'May masakit ba sayo? Ayah'
Paguulit pa nito at mahina nyang niyogyog ang balikat ng dalaga dahilan para mabalik ito sa kanyang ulirat.
'I-Im fine s-salamat'
Nahihiya nitong sabi habang hindi makatingin sa binata dahil baka makita nito ang pamumula nya, tatayo na sana sya nang mapagtantong nakaupo ito sa kandungan ng binata, ang kaninang kahihiyan at pamumula nya ay mas lalo pang nadagdagan.
Para namang syang kinuryentehan at dali daling umalis sa kandungan ng binata at hindi nya alam kung ano ang gagawing nya dahil sa subrang kahihiyang nararamdaman nya.
'Tae p-pano ako napunta sa kandungan nya?! Waaaaaah! Lamunin na sana ako ng lupa, wait nabigatan kaya sya sakin?! Naamoy nya ba ako? Wah hindi pa ako naliligo, pano na yan!!'
Bulong nito sa sarili at hindi mapakali sa pagiisip ng kung ano ano at nakalimutan nyang nasa harapan nya lang ang binata na nakangiting pinagmamasdan sya na hindi mapakali habang kagat ang index nail nito.
'Bakit ka kasi nakapatong sa upuan ha?'
Nakakunot ang noo ni bullet habang nakapamulsa at nakatingin sa dalaga. Nagulat naman si ayah sa biglang pagsalita ng binata kaya agad syang napatingin dito.
'may sapot ng gagamba tinanggal ko lang'
Kumalma na ito at nawala na ang nararamdaman nitong hiya sa binata.
'Never do that again, may naglilinis sa mansyon tuwing linggo'
Walang emosyong sagot ng binata sa kanya at agad na umalis sa kanyang harapan upang pumunta sa kusina. Napa irap na lamang si ayah sa hangin bago isinauli ang upuang ginamit nya kanina bago sinundan ang binata.
'You cooked again? Anong oras kang nagising?'
Agad na tanong ng binata sa dalaga habang kumukuha ng pineapple juice sa ref. Umupo naman ang dalaga sa kaharap na upuan ng binata.
'5am, tumawag ba si ate sayo?'
Sinalinan ng juice ni bullet ang baso ng dalaga bago ito umupo.
'Wala, hindi mo ba tinatawagan?'
'Hindi pero mamaya tatawagan ko, hindi kasi sumasagot si nana sa tawag ko'
May pagaalala ang boses ng dalaga dahil simula nang umalis sila ng binata ay hindi pa tumatawag ang isa sa kanila kaya nagaalala na ito.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND'S LOVER
Romantik[TAGALOG STORY] I have a boyfriend and we've been for 2year's. sabi nga nila perfect boyfriend sya dahil nasa kanya na ang lahat, wealth, beauty, charm, sweet and caring perfect package eka nga nila. Mahal ko sya, subra. pero.... may tinatago sya sa...