CHAPTER 48

819 13 0
                                    

Habang nagaayos si bullet ng mga gamit dahil ngayon ang flight nya patungong hongkong, nakatingin lamang sa kanya si ayah habang kumakain nanaman ng mangga at singkamas.

Ilang sandali lang ay may nag foor bell kaya agad na tumayo si ayah upang pagbuksan yun at nanlaki ang mga mata nya ng makita nya ang kanyang matalik na kaibigang si drace na may ngiti sa labi.

'Draceeeee!!'
Masayang bati nito at agad na dinambahan ng yakap ang kaibigan.

'Surprise'
Ngiti nitong sabi at agad na silang humiwalay sa pagkakayakapan.

'Ba't alam mong nandito kami? Pasok ka muna'
Agad na silang naglakad papasok sa apartment at agad na umupo sa couch.

'Tinawagan ko sya para may makasama ka dito hindi ka pwedeng sumama sa akin'
Seryosong sabi ni bullet habang sinusuot nito ang coat nya. Napanguso naman si ayah dahil sa sinabi ng binata.

'Why?'

'Tatlong bansa ang pupuntahan ko ngayon kaya dito ka na lang'

'Kailan ka uuwi?'

'Bukas ng umaga'

'Okay basta bumalik ka kaagad'
Ngiti nitong sabi at sinuklian naman yun ni ayah ng isang masayang ngiti.

Napatingin silang tatlo nang may pumasok na nakaitim na lalaki at agad na yumuko sa kanila kaya napakunot ang noo ni ayah.

'Sir nandyan na ang private plane, aalis na po tayo'
Balita nito kay bullet at tinanguan nya lang ito bago humarap ulit kay ayah.

'Aalis na ako'
Paalam nito at hinalikan sa noo ang dalaga bago kinuha ang kanyang telepono. Kinuha naman ng nakaitim na lalaki ang gamit ni bullet.

'Magiingat ka'
Huling sabi ng dalaga at nginitian lamang sya ng binata.

'Ako na bahala dito'
Sabi ni drace at tinanguan lang sya ni bullet bago nakipag fistbomb.

Pagkalabas nila bullet napabuntong hininga na lamang ang dalaga bago upo at kumain ulit ng singkamas.

'Hindi kaba nagsasawa dyan?'
Tanong ni drace habang hindi maipinta ang kanyang mukha habang nakatingin sa kinakain ng dalaga.

'Nope and never'
Inosente nitong sagot at inubos ang kinakain nya bago tumayo at naglakad papuntang kusina upang uminom ng gatas.

'Drace e pasyal mo naman ako nakaka bored dito e'

'Magbihis ka may pupuntahan tayo'

'Saan?'

'basta magbihis kana'

Ngumiti naman si ayah at agad na tumakbo papuntang banyo upang maligo, napatampal naman si drace sa kanyang noo.

'Wag kang tumakbo tsk!'
Sita nito sa dalaga pero parang wala namang narinig ang dalaga at agad na naligo.

(1hour later)

Tapos na maligo at magbihis si ayah kaya agad syang lumabas ng kwarto. Habang si drace naman ay nababagot na kakahintay sa dalaga dahil subrang tagal nito na halos makatulog na lamang sya.

'Let's go'
Nakangiting sabi ni ayah at lumapit sa binata.

'Akala ko nakatulog kana'
Pagbibiro ni drace at sabay na silang lumabas sa apartment bago pumasok sa elevator at makailang minuto lang ay nakarating na sila sa parking lot.

'San ba kasi tayo pupunta'
Tanong ni ayah at agad na pumasok sa sasakyan ganun din si drace at agad na pinaandar ang makina ng sasakyan pago pinaharurot.

'Dad want's to meet you and beside nandito ka na ipapakilala na kita sa pamilya ko'
Seryoso nitong sagot at nanlaki naman ang mga mata ni ayah.

MY BOYFRIEND'S LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon