CHAPTER 11

1K 23 0
                                    


Dahil maagang naubos ang mga bulaklak sa flower shop ni ayah ay agad syang pumunta sa kanilang restaurant at tulad dati marami parin ang kumakain duon, agad syang pumasok at hinanap nya ang kanyang ate pero bigo 'to kaya lumapit sya sa cashier na subrang gulat na nakatingin sa kanya.

"miss si roxy san sya?"

Tanong nya agad pero nakatulala lang 'to sa kanya kaya napakunot ang kanyang noo at mahinang tinapik ang braso nito.

"M-miss ayah?"

At sa wakas ay nabalik na 'to sa realidad pero para itong balisa na hindi alam ang kanyang gagawin.

"okay ka lang?"
Takang tanong ni ayah habang hindi mawala ang pagkakunot ng kanyang noo dahil ang weird ng babae.

"Ahm opo m-miss ayah"

Napatango na lang 'to at bumuntong hininga.

"Si roxy?"
Paguulit ni ayah dahil hindi parin nito sinasagot ang kanyang tanong.

"Nasa office nya po"

Tinanguan nya lang 'to at aakmang aalis nang biglang pigilan sya ng babae at napataas naman ang kanyang kilay dahil dito.

"S-sorry miss ayah pero gusto ko  lang po itanong kung b-boyfriend mo ba si saint? 'yong sikat na model?"

Napakunot naman ang noo ni ayah dahil sa tanong nito at hindi 'to makatingin sa kanya.

"Oo bakit mo natanong?"

"s-sorry miss ayoko sanang manghimasok sa buhay ninyo pero concern lang po ako sayo"

Mas lalong napakunot ang kanyang noo habang nagkatitigan silang dalawa, seryoso na ang mukha ng babae na para bang may sasabihin itong ikakaba nya.

"Diretsyahin mo'ko miss"

"nung isang araw po kasi pumunta ako sa club kasama ang mga barkada ko at alam kong si saint ang nakita ko na may kasamang lalaki papunta sa vip room"

Nabigla naman sya sa sinabi nito pero hindi sya nagpadala dito dahil mas malaki ang tiwala nya sa kanyang nobyo at baka si drace ang sinasabi nito dahil minsan ay napagkakamalan ang dalawa na magkasintahahan dahil lagi silang magkasamang dalawa.

"Kita ng dalawa kong mata na magkahawak ang kanilang mga kamay"

Dagdag pa nito at duon na lumakas ang tibok nang puso ni ayah dahil kahit sinong babae na maririnig ang galitong balita tungkol sa kanilang kasintahan ay kakabahan din pero mas pinanatili nyang maging kalmado.

"Miss baka si drace ang nakita mo dahil minsan ay napaka clingy nilang dalawa sa isa't isa"

Pagkukumbinsi nito at nginitian ang babaeng empleyado, napabuntong hininga na lamang 'to at ngumiti din sa dalaga.

"Seguro nga po maam, pasensya na po at magiingat kayo lagi"

Tango na lang ang sinagot ni ayah at agad na binagtas ang daan papunta sa office ni roxy, nang makapasok sya agad nyang nakita ang binatang si keir na maraming papeles ang nakatambak sa kanyang harapan at nabaling sa kanya ang atensyon nito.

"Oh ayah ba't napadalaw ka?"
Agad syang tumayo at nakipag beso sa dalaga, umupo naman agad sya sa isang upuan kaharap nang desk ni kier.

"Maaga naubos ang mga bulaklak kaya dumaan na lang ako dito, asan si ate?"
Agad nyang tanong habang si kier naman ay naglakad papunta sa isang pintuan at agad yun kinatok.

"Roxy andito si ayah"
Bumalik naman agad ang binata sa desk nya at ilang segundo lang ang nakalipas ay agad na nagbukas ang pintuang kinatok ni kier at iniluwa duon ang mukha ni roxy.

MY BOYFRIEND'S LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon