CHAPTER 49

783 20 0
                                        

Isang araw ng hindi umuuwi si bullet kaya subrang pagaalala na ang nararamdaman ni ayah, hindi na din sya mapakali nang hindi nya matawagan ang binata kay mas lalo syang nagaalala.

Madaling araw na at hindi parin makatulog si ayah, halos ubosin na din nya ang isang galon ng gatas. Kinuha na nya ang kanyang telepono at sinubukan ulit tawagan ang binata. Mailang ring lang ito at agad na may sumagot.

'Hello?'

Nanlaki ang mata ni ayah ng marinig nya ang boses ng babae kaya dali dali nyang tinignan kung tama ang tinawagan nya. Nagtaka sya dahil numero yun ni bullet.

'A-ahm nandyan ba si bullet?'
Kinakabahang tanong ni ayah.

'Hmmm yes, natutulog sya sa tabi ko why?'
Inaantok na sagot ng babaeng nasa kabialng linya at para namang sumabog ang dibdib ng dalaga sa narinig nya at hindi na nya namalayan ang luhang pumatak sa kanyang mga mata.

'Stupid you ayah ba't ka umiiyak'

Bulong nya sa kanyang sarili at agad na pinunasan ang mga luhang pumapatak sa pisngi nya.

'May I know who's this please?'
Tanong ng babae sa kanya.

'A-ahm ayah a-and you?'
Subrang lakad ng tibok ng puso ni ayah kaya hindi sya masyadong makapagsalita ng maayos.

'Sorry di kasi naka save ang number mo dito by the way trixie is the name bullet's girlfriend'

Nanlaki ang mga mata ni ayah at bahagyang napaawang ang kanyang bibig sa narinig nya at ang kaninang mga luhang pinopigilan nya ay sabay sabay na pumatak, nabitawan nya ang kanyang telepono at bahagyang napaupo sa kanyang kama.

Hindi nya alam ang dapat nyang maramdaman dahil sa narinig nya dahil.... Umasa sya.

Umasa sya na pareho sila ng nararamdaman ni bullet ang binatang mahal nya na dati palang talaga ay minahal na nya sadyang tinatago nya lamang sa kanyang sarili dahil hindi maaari pero ngayon alam na nya at hindi nya na itatanggi pa.

Hindi nya alam na may kasintahan pala ang minamahal nya at umasa sya na uuwi ito ngayon dahil yun ang pinangako sa kanya pero hindi... Umasa lamang sya sa wala.

Ang ikina iinis pa ng dalaga ay ang sinabi ni trixie na hindi naka save ang number nya sa contact ng binata. Pakiramdam nya ay parang balewala lamang sya sa binata.

'Kaya pala hindi mo gustong sumama ako sayo dahil magkikita kayo ng nobya mo tsk seguro kaya lagi kang nasa tabi ko dahil pinaglilihian kita at wala ng iba, baka nga nagsasawa kana sa ka OA han ko at kaartihan, tsk pathetic'

Bulong nya na para bang kausap nya lamang ang binata kaya napa irap na lamang sya sa hangin kasabay ng mga luhang hindi parin tumitigil sa kakapatak.

Ngayon malinaw na sa dalaga na wala talagang pagasa at sinisisi nya ang kanyang sarili dahil umasa nanaman sya at sumugal na lama nya naman simula pa na matatalo din sya.

Takot na syang magmahal pa pero dahil kay bullet sumugal ulit sya na ngayon ay uuwi nanaman syang umaasa at talo.

'Sino nga ba ako para mahalin nya tsk'

Naalala nanaman nya ang babaeng kinwento sa kanya ng binata at mapait na napangiti dahil ngayon alam na nya, na ang babaeng sinasabi ng dalaga ang nobya nito at naiinis si ayah sa kanyang sarili dahil hindi man lang yun  pumasok sa kanyang kukuti.


'Ibibigay ko na lang ang lahat ng pagmamahal at atensyon ko sayo'

Bulong nya habang hinihimas ang kanyang tyan at mapait na napangiti.

MY BOYFRIEND'S LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon