Isang araw na ang nakalipas magmula ng umuwi si ayah at hindi nya parin maiwasang masaktan, hanapin at isipin ang binatang si bullet pero pinipilit nyang kalimutan na ang binata at tinuonan na lamang nya ang kanyang buong atensyon sa pagbubuntis nya.
Sinusubukan nya din wag isipin ang binata dahil sa kahit sa anong bagay ang makita nya naaalala nya ang binata dahil matagal din silang nagkasama na halos hindi na mapaghiwalay kaya hindi ganun ka dali ang kalimutan ang binata lalo na ang nararamdaman nya para dito.
Nagiging maayos na ang pakiramdam ni ayah dahil may pinagkakaabalahan nanaman ito, bumalik na sya sa flower shop at tinutulongan naman sya ni lexy duon ganun din si rezo, minsan ay dinadalaw sya ni saint at drace para dalhan ng makakain.
Mas lalong nakilala ang flower shop nila ayah dahil kay rezo kaya mas lalong dumadami ang customer nila. Plano din nilang palakihin ang shop dahil masikip na sa luob, mas maraming binibili si ayah na bulaklak dahil minsan hindi na umaabot ng isang araw ang stock nila at nauubos na agad.
'Magaling ka palang mag florist?'
Manghang tanong ni lexy at lumapit sa binatang si rezo na gumagawa ng bouquet of flowers.Habang si ayah naman ay nakaupo lang kaharap ng dalawa at kumakain ng ice cream, hindi nya din mapigilang mapangiti dahil ngayon lang hindi nagbangayan at nagaasaran ang dalawa.
'Yeah tinuro samin nung collage'
Sagot naman ng binata at tinapos ang kanyang ginagawa.'Astig'
Hulit sinabi nito at agad na lumapit sa kanyang kaibigan.'Kanina kapa kumakain dyan hindi kaba nabubusog?'
'Gutom ako lexy wag kang magulo'
Inis nitong sabi at nagpatuloy sa pag subo ng ice cream.'Ang init parin ng ulo mo sakin'
May bahid na lungkot ang boses ng dalaga kaya kunot noo syang tinignan ni ayah.'Ang drama mo, ubosin mo yan'
Agad na binigay ni ayah ang kanyang ice cream sa dalaga.'Ayoko nga, sabi ng matatanda dati pag kinain mo ang kinainan ng buntis ikaw daw ang maglilihi, kaya no capital N.O'
Mahabang paliwanag nito.'Daming sinasabi e kung ayaw mo edi wag, ikaw na nga inaalok ayaw mo pa'
Mataray na sagot ni ayah at inubos naman nya agad ang hawak nyang ice cream.Hindi alam ni ayah kung bakit naiinis at mainit ang ulo nya sa matalik na kaibigan nya at ganun din kay saint, sa tuwing nakikuta at lumalapit ang dalawa sa kanya nagsiaimula na syang sungitan ang mga ito.
'Bakit ikaw lang magisa umuwi dito nung isang araw?'
Seryosong tanong ni rezo at umupo din sa kaharap na upuan ng dalawang dalaga.Napabuntong hininga na lamang si ayah. Hindi nya sinabi kahit isa sa kaibigan nya at kahit kay nana ay hindi din nya sinabi dahil ayaw nyang ka awaan sya ng mga ito kaya hanggang kaya nya itatago na lamang nya yun sa kanyang sarili hanggang sa makalimutan nya ang binata.
'Gutom na ako'
Pagiiba nito at agad na tumayo habang napahimas sa kanyang tyan.'Kakain mo lang gutom ka nanaman?'
Tanong ni lexy kaya tinaasan sya ng kilay ni ayah.'Oo gutom nanaman ako at kung di ka titigil ikaw ang kakainin ko'
Pagbibiro nito kaya napa peace sign na lamang si lexy.'Icy kayo muna bahala dito ah?'
Tawag nya sa kanyang empleyado.'Opo maam'
Magalang namang sagot nito at agad na humarap sa mga customer na unti unti ng dumadami.Bigla namang bumukas ang pintuan ng shop kaya napatingin silang tatlo duon at sabay na pumasok ang dalawang magkasintahan na si saint at drace na may ngiti sa mga labi.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND'S LOVER
Romance[TAGALOG STORY] I have a boyfriend and we've been for 2year's. sabi nga nila perfect boyfriend sya dahil nasa kanya na ang lahat, wealth, beauty, charm, sweet and caring perfect package eka nga nila. Mahal ko sya, subra. pero.... may tinatago sya sa...