Pagkagising ni ayah agad syang dumiritso sa banyo upang sumuka dahil parang bumabaliktad nanaman ang sikmura nya at tulad ng mga nakaraang araw hindi nanaman nya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Halos maiyak na sya dahil naduduwal talaga ito.
Ilang minuto pa ang lumipas at umayos na ang kanyang pakiramdam agad syang naghilamos at napatingin sa repleksyon nito. Bahagya syang napahawak sa kanyang tyan dahil nakaramdam na ito ng gutom.
'Ano ba nangyayare sayo ayah ha hindi ka naman sakitin pero bakit ka naduduwal, malakas din pangamoy mo at gustong gusto mo ang amoy ni bullet.....' napatigil sya sa pag iisip at napatakip sa kanyang bibig habang nanlaki ang mga mata.
Hindi kaya?...N-no'
Agad syang tumakbo sa kanyang kwarto at hinanap ang kanyang telepono bago tinignan kung anong araw na ngayon. Nanlaki naman ang kanyang mata nang malaman nyang dalawang buwan na pala syang hindi dinadatnan. Hindi nya namalayan ang araw dahil sa mga nangyare.
Para syang binuhusan ng malamig na tubig kaya napaupo na lamang ito sa kanyang kama habang nakatulala dahil sa subrang kabang nararamdaman nya.
'May nangyare sa amin a-at posebleng... Buntis nga ako'
Napahawak sya sa kanyang tyan at bahagyang napangiti. ayaw nya pang maging ina pero hindi nya matago ang sayang nararamdaman nya at ang kaba nya kanina ay parang bula na biglang nawala at napalitan ng isang masayang pakiramdam.
'Pero kailangan ko munang manigurado ayokong umasa'
Agad syang tumayo at dali daling nagbihis pagkatapos ay lumabas na sya sa kanyang kwarto at Nabigla naman sya nang makita ang binatang si bullet na nakatayo sa harapan ng kwarto nito na kaharap lang ng kwarto nya.
'Kanina kapa dyan?'
'Not really'
Tumango na lamang si ayah at napakagat sa kanyang ibabang labi dahil hindi nya alam kung paano nya sasabihin sa binata at panay ang tingin nya dito na walang emosyong nakatingin rin sa kanya.
'May sasabihin ka?'
Tanong pa nito at para naman tatakasan ng dugo ang dalaga dahil sa subrang kabang nararamdaman nya na dumagdag pa ang hiyang bumabalot sa katawan nya.'B-bullet pwede mo ba akong samahan?'
Nahihiyang sabi nito at binigyan ng isang ngiti ang binata. Naglakad naman ito papunta sa harapan nya at may inabot sa kanyang isang supot.'Ano to?'
Takang tanong nya at kinuha ang supot na inabot nito.'Tatlong araw ko ng napapansin ang pagbabago mo kaya binili na kita ng pt kahapon'
Nanlaki naman ang mata ni ayah dahil sa sinabi nito at agad na tinignan ang lamang ng supot at para naman syang maiiyak dahil sa tuwa. Hindi nya aakalaing bibili ng pt ang young tycoon na ito kaya agad nyang niyakap ang binata.
'Salamat talaga ang dami mo ng naitulong sa akin, subrang salamat talaga'
Pasasalamat nito habang mahigpit na nakayakap sa binata. Gumuhit naman ang isang mapait na ngiti sa labi ng binatang si bullet at hinimas ang buhok ng dalaga.'Anything for you'
Ilang minuto pa silang nagyakapan at agad na humiwalay sa isa't isa. Hindi naman matanggal sa labi ng dalaga ang ngiti nya kanina pa.
'Salamat ulit'
Parang bata nitong sabi at agad na hinalikan sa pisngi ang binata bago pumasok sa kanyang kwarto. Naiwan naman si bullet na walang emosyon ang mukha habang nakatingin sa pintuan kung saan pumasok ang dalaga.Masaya sya na napapalapit na silang dalawa sa isa't isa at nakikita nyang masaya ang dalaga pero hindi nya alam ang mararamdaman nya ng malamang buntis ang dalaga at may posibeledad na magkabalikan ang kanyang kapatid at ang babaeng mahal nya. Kung sya lamang ang papipiliin ay gusto nyang e lalayo nya ang dalaga at aangkinin ang dinadala nito pero hindi magawa.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND'S LOVER
Romance[TAGALOG STORY] I have a boyfriend and we've been for 2year's. sabi nga nila perfect boyfriend sya dahil nasa kanya na ang lahat, wealth, beauty, charm, sweet and caring perfect package eka nga nila. Mahal ko sya, subra. pero.... may tinatago sya sa...