CHAPTER 37

876 15 0
                                    


Pagkamulat ng mga mata ni ayah agad syang kumaripas ng takbo patungo sa banyo dahil naduduwal nanaman ito. Sa ilang araw na ganun ang scenario nasasanay na ito at alam nya kung paano ito mawala agad. Kaya kinuha nya ang isang mineral water na nasa lababo nito at agad nya yun ininom. Nilagyan nya ito ng lemon upang magpagaan sa kanyang paghinga.

Ilang minuto lang ay gumagaan na ang kanyang pakiramdam kaya agad syang naghubad upang maligo. Napatingin naman sya sa kanyang repleksyon at bahagyang napahawak sa kanyang dibdib. Unti unti na itong lumalaki kasabay ng kanyang tyan at bahagya syang napangiti dahil hindi nya aakalaing magiging ina na sya.

Agad syang lumublob sa bathtub at bahagyang napapikit habang nakapatong ang kanyang ulo sa edge nito at mas lalo namang gumaan ang pakiramdam nya.

Habang nakapikit bigla nyang naisip si nana kaya agad syang napamulat at gumuhit sa kanyang labi malungkot nitong ngiti.

'Na mimiss ko na ang bahay at si nana'

Bulong nito sa kanyang sarili at bahagyang tumingala sa kisame. Ilang linggo na din ang nakalipas at hanggang ngayon hindi nya parin nakikita si nana at hindi din nya ito matawagan pero alam naman nyang nasa mabuting kalagayan ito kaya hindi sya nagaalala sadyang namimiss nya lang ang kanyang nana.

'Ayah?'
Napapitlag ito dahil sa biglang pagkatok ni lexy sa pintuan at napahawak naman sya sa kanyang dibdib.

'Ano nanaman ba?'
Inis nitong sagot at napabuntong hininga.

'Galit? Mag babanyo ako ang sakit ng tyan ko e'
Namimilipit nitong sabi at bahagya namang napakunot ang noo ni ayah.

'Ano?! No way sa baba ka magbanyo alam namang naliligo ako e'

'Hyst oo na bilisan mo dyan aalis pa tayo'
Agad na kumaripas ng takbo si lexy patungo sa baba upang magbanyo. Napaismid na lamang si ayah at tumayo na sa paglalublob nito dahil may kailangan pa silang puntahan at hindi pwedeng ma late sila.

...

'Ngayon buhay mo nanaman ang pinapakialaman nya?'
May bakas na inis ang boses ni saint habang katabing nakatayo sa harden si bullet at nakatingin sa magandang tanawin.

'Yeah, hindi ko alam ang pinaplano nya pero there's something in him na hindi ko mabasa'

'Tsk he's totally a villain and wicked, hindi pa ba sapat sa kanya na sirain kami ni ayah at piitin kami ni drace tsk I hate him'

Tinapik na lamang ni bullet ang balilat ng kanyang kapatid at binigyan ito ng isang pilit na ngiti upang hindi na ito magaalala pa sa kanya.

'Never hate him to the point you lose your respect and down your self  dahil kahit pagbaliktarin pa ang mundo magulang parin natin sya. May mali lang sa ginagawa nya at yun ang dapat kong ayusin'

'Sorry'
Paumanhin nito dahil sa sinabi nya at tinapik lang sya sa balikat ni bullet. Katahimikan naman ang bumalot sa kanilang dalawa habang may malamim na iniisip.

'Kamusta sya?'
Tanong ni saint at agad na naglakad papunta sa gazebo malamit sa kanila. Sumunod naman agad si bullet at umupo na din.

'Pano mo na laman?'

'Nabanggit ni nana sa akin. Ba't di mo man lang sinabi sa akin?'
Nakatingin si saint sa mga mata ng kanyang kuya habang tinatanong nya ang bagay na yun.

'Ayaw ni ayah na banggitin sayo ang pagalis namin. Advise sa kanya na lumayo muna sa mga bagay na makakapagpaalala tungkol sayo dahil sa nangyari nagkaruon sya ng depression at mas lumala ang kondisyon nito'

Napayuko naman si saint dahil hanggang ngayon nakokonsensya parin ito at hindi nya alam na subrang nahirapan ang dalaga dahil sa kanya.

'Kamusta na sya ngayon?' paguulit nitong tanong.

MY BOYFRIEND'S LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon