Napaka aga nagising ni ayah at agad syang nagtimpla ng gatas bago lumabas sa bahay papunta sa tabing dagat, katamtaman lang ang lamig kaya naka jogging pants at shirt lang ang sinuot ng dalaga bago umupo sa buhanginan habang nakatinhin sa malayo, hihintayin na lamang nya ang pagsikat ng araw.
Habang nag mumuni ang dalaga may tumabi naman sa kanya kaya napatingin sya dito at binigyan ng ngiti ang nobyo ng kanyang ate na syang tumabi sa kanya.
'Asan si ate?'
Agad na tanong ni ayah at binalik sa kawalan ang tingin nya.'Natutulog pa, ikaw ba't ang aga mo nanamang nagising?'
'Ewan lagi ng ganito simula nung mag 7weeks ang tyan ko'
'That's good, hindi kasi maganda sa nagbubuntis na matagal gumising at laging natutulog'
'Oo nga e yun din sabi ni nana sakin'
Sagot ni ayah at katahimikan nanaman ulit ang bumalot sa kanilang dalawa.'Kier matanong ko lang-'
'Hyst ganun ba kahirap na tawagin akong kuya ha?'
Asar nitong sabi at napa hands up na lamang si ayah.'Chill nakalimutan lang e'
Pagsisinungaling nito at nag peace sign, bumontong hininga na lamang si kier.'Oh anong tanong mo?'
'Hmmm anong plano mo sa ate ko? Tumatanda na kayo kailangan nyo ng mag plano'
'Ang harsh mo sa matanda ha tsk'
'E totoo naman, kailangan nyo ng magplano hindi paurong ang edad kuya'
'Nag p-plano na kami ng ate mo pero inaalala ka nya, ayaw nyang makasal hanggang hindi pa ayos ang lahat sayo'
'Ayos naman lahat sa akin ha, ayos na ako sa buhay ko ngayon'
'Ayah magkapatid kayo ni roxy at hindi mo sya maloloko, alam nya kung ano ang mga nangyayare sayo kaya takot syang makasal hanggang hindi pa ayos ang lahat, ayaw ka nyang iwan'
Napangiti naman si ayah dahil sa sinabi ng binata at unti unting may namuong luha sa kanyang mga mata kaya bahagya syang napayuko.
'H-hindi nya naman kailangang gawin yun kaya ko ang sarili ko at kung may darating mang lalaki na para talaga sa akin edi mabuti pero kung wala edi okay lang din, nandyan naman kayo para sa akin diba?'
Pinunasan ni ayah ang kanyang pisngi dahil sa mga luhang kumawala sa kanyang mga mata.
'Of course anong klaseng tanong yan, alam mong para na kitang tunay na kapatid pero nakapag disesyon na kami ng ate mo na hindi muna kami e kakasal hanggang hindi ayos ang lahat'
'Pero kaya ko namang alagaan kami ng anak ko at nandyan naman si nana para gabayan ako'
'No ayah, hindi natin alam ang mangyayari kaya hindi ka dapat umasa sa mga taong nasa paligid mo kahit kami ng ate mo, hindi kami laging nandyan sayo kung e kakasal kami ng ate mo'
Napaluha naman si ayah dahil sa sinabi ni kier at hindi nya akalain na sya parin pala ang iniisip ng dalawa kaya hindi nila magawang magpakasal.
'Kaya sana makita mo na ang lalaking para sayo, yung makasama mo habang buhay'
Ngiting sabi ni kier at hinimas ang buhok ng dalaga.'Pano kung wala palang para sakin?'
Tanong naman ni ayah.'Imposible, nandyan lang sila sa tabi tabi at naghihintay lang sa tamang oras at panahon'
'Seguro nga'
Buntong hiningang sagot ni ayah at tinuon ang atensyon sa papasikat na araw.'Nung mga panahong hindi ko alam na kayo na pala, hinihiling ko araw araw na sana mahanap ni ate ang lalaking para sa kanya dahil ayaw kong e tuon nya ang buong atensyon nya sa trabaho alam mong workaholic si ate at gusto kong maging masaya sya pero ito nga ako na walang alam, matagal na pala masaya ang ate ko dahil nahanap na nya ang taong para sa kanya at salamat sayo kuya sana lang hindi mo sya lolokohin'
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND'S LOVER
Romance[TAGALOG STORY] I have a boyfriend and we've been for 2year's. sabi nga nila perfect boyfriend sya dahil nasa kanya na ang lahat, wealth, beauty, charm, sweet and caring perfect package eka nga nila. Mahal ko sya, subra. pero.... may tinatago sya sa...