Biglang nagising si ayah kaya agad syang tumayo at tinignan ang oras, 3am pa lang ng madaling araw kaya agad syang pumasok sa banyo upang mag hilamos.'Buti naman at medyo nawawala na ang itim sa ilalim ng mga mata ko'
Bulong nya sa kanyang sarili at agad na lumabas sa banyo bago binuksan ang kanyang maletang dala kanina at kinuha ang isang box ng segarilyo bago 'yon nilagay sa kanyang bulsa ganun din ang lighter bago naglakad palabas sa kwarto.
Agad syang napatingin sa kaharap nitong kwarto, nagdadalawang isip syang buksan 'yon dahil baka gising pa ang binata at makita sya nito.
Dahan dahan nyang pinihit ang doorknob at mahina nyang binuksan ang pintuan bago dinungaw ang kanyang ulo upang tignan ang binata kung gising pa ba ito. Napabuntong hininga sya nang makitang natutulog na ang binata habang nakapatong pa ang laptop sa bandang tiyan nya.
Agad syang naglakad papunta sa kama ng binata at dahan dahan nyang kinuha ang laptop bago iyon nilapad sa mesang malapit sa kama at agad na kinumutan ang binata.
Hindi naman nya mapigilang mapatitig sa maamong mukha ng binata at maingat nyang sinuklay ang buhok ng binata pataas dahil nakaharang ito sa noo ng binata, maypagka hawig si saint at bullet pero hindi maipagkakailang mas angat ang ka gwapohan nito, mas malakas din ang appeal nito sa mga babae.
Napangiti sya habang nakatitig parin sa binata nang maalala nya nung panahong hinahabol sya ng mga college student na halos maputolan na sya ng hininga dahil pagod sa kakatakbo.
'swerte ng babaeng minahal mo'
Hinaplos nya ang mukha ng binata at hindi matanggal ang mga ngiting gumuhit sa kanyang labi dahil ngayon lang ito nakalapit ng ganito sa binata at mapayapang pinagmamasdan itong natutulog.
'Gusto kong malaman kung sino ang babaeng sinasabi mo...napaka swerte nya sayo pero hindi ko naman masisisi ang babae na lalayo sayo, ang sungit mo din kasi mukha kang may dalaw'
Napabuntong hininga na lamang si ayah bago tumalikod at naglakad paalis sa kwarto ng binata dahil baka magising nya ito. Napagdisesyonan nyang lumabas ng bahay upang magpahangin dahil hindi na sya makakatulog ulit.
Napatingin si ayah sa buong paligid ng mansyon at duon nya lang napagtantong napakalaki pala talaga ng bahay na binili ni bullet. Makikita din sa bawat sulok nito ang mga mamahaling kagamitan.
Lumabas na agad sya sa mansyon at bumungad sa kanya ang napaka lamig na hangin kaya bahagya syang napayakap sa kanyang sarili bago naglakad papunta sa garden. Madilim ang bahaging nilalakbay ni ayah kaya hindi nya nakita ang kagandahan ng paligid.
Agad naman syang nakakita ng gazebo, hindi kalayuan mula sa kanyang kinalalagyan. May mahinang ilaw ito kaya agad nyang nakita at umupo naman sya dun bago nilabas ang segarilyong nasa bulsa nya at kumuha ng isang stick bago 'yon sinindihan.
Tanggap na ni ayah ang nangyari pero hindi parin mawala sa kanya ang sakit dahil hindi mawala sa kanyang isip na niloko sya ng dalawang taong pinagkakatiwalaan nya at ang katotohanang hindi talaga sya minahal ng dating kasintahang si saint habang sya araw araw na minamahal ang binata.
'Binigay ko sa kanya lahat lahat pero ito lang pala ang igaganti nya'
Napaismid na lamang si ayah bago binuga sa hangin ang usok. Naging traidor nanaman ang mga luha nito dahil bigla nanamang tumutulo ang kanyang luha na parang walang kataposan dahil sa tuwing naiisip nya ang binata lagi na lang silang tumutulo.
Hindi madaling kalimotan ang taong minahal mo ng lubosan lalo na't binigay mo sa kanya ang lahat lahat. Madami na din silang napagdaan ng binata at hindi mabura sa kanyang isip ang masayang alaala nila ng binata. Ang mga araw na magkasama sila. Mga panahong hindi nila halos iwan ang isa't isa lalo na ang gabing binigay nya ang kanyang sarili sa binata dahil ang akala nya ito na para sa kanya pero hindi nya pinagsisihan ang nangyari dahil ginusto din naman nya at nagmahal lang sya. 'yon ang pagkakamali nya.
Nilunod ni Mr. Eric ang kanyang sarili sa alak dahil mag
d-dalawang linggo na simula ng iwan sya ng kanyang anak na saint, kahit nagaway sila hindi parin sya makapaniwalang iniwan talaga sya nito para sa kinababaliwan nitong lalaki."He choose that goddamn men over me?! Over hes father! Tsk pathetic!"
Galit na sigaw nito kasabay nun ang pag bato nya ng bote sa sahig na nagbigay ingay sa buong silid.
"Pagsisihan mong tinalikoran mo ako! Pagsisihan mo!!!"
Hindi na napigilan ng matanda ang galit nya at binasag nito ang mga bagay na makikita nya, nilamon sya ng galit kaya hindi nya mapigilan ang sarili.
Napatigil lang ang matanda sa kanyang pagwawala dahilbiglang tumunog ang kanyang telepono at agad nya 'yon sinagot.
"Sir hawak ko na po lahat ng files, binayaran ko na din po ang isang newsagent handa na po ang lahat"
Biglang napa ngisi ang matanda dahil sa binalita sa kanya. Umupo na sya sa kanyang swivel chair at napa sandal sa upuan.
"ipalabas nyo na"
Agad nyang pinatay ang tawag at mas lalong napangisi.
"Seguro naman ay matutoto kana tsk ayokong umabot pa sa ganito pero talagang inuubos mo ang pasensya ko"
Ni isang lagok nito ang alak na nasa goblet nya.
Mahal naman nya ang kanyang anak pero talagang nangingibabaw ang kanyang galit, pagkadismaya at pride kaya magagawa nya ang isang bagay na mas lalong makakapagpalayo sa kanya kay saint. Hindi gawain ng ama ang ganitong bagay pero ito lamang ang tanging naiisip nyang paraan upang bumalik sa kanya ang binata at umaasa sya na iiwan nito ang nobyo.
Umaasa sya na magbabago ang kanyang anak at magiiba ang pananaw nito. Ang tanging gusto lang naman nya ay magkapamilya ang kanyang mga anak, may asawa na nagaalaga sa mga ito at may mga anak na aalaga sa kanila pag tumanda na sila pero parang hindi naiintindihan ng binata si saint ang gusto nitong pinupunto.
Iniisip nya din ang kapakanan ng kanyang dalawang uniko ejo kahit isipin ng mga ito masama syang ama. May dahilan kung bakit nya ginagawa ang lahat ng ito at humihiling sya na isang araw maintindihan nila ang kanyang ginagawa.
******
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND'S LOVER
Romance[TAGALOG STORY] I have a boyfriend and we've been for 2year's. sabi nga nila perfect boyfriend sya dahil nasa kanya na ang lahat, wealth, beauty, charm, sweet and caring perfect package eka nga nila. Mahal ko sya, subra. pero.... may tinatago sya sa...