CHAPTER 30

989 17 0
                                    

Alas nwebe na ng umaga at hindi parin nagigising si ayah kaya agad na pumunta si bullet sa kwarto ng dalaga dala ang orchid flower na may iba't ibang kulay. Agad syang pumasok sa kwarto nito at bumungad sa kanya ang madilim at napakalamig na kwarto.

Nilagay nya sa flower base ang dala nitong bulaklak at hinawi nito ang makapal na kurtina na nakatakip sa glass window ng kwarto ng dalaga.

Narinig naman nya ang paggalaw ni ayah dahil sa pagbukas nito sa kurtina na nagbigay ilaw sa silid pero tumagilid lang ang dalaga bago nito niyakap ang kanyang unan at agad na nagtalukbong ng kumot.

Napabuntong hininga na lamang si bullet bago in-off ang ac at agad na lumapit sa kama ng dalaga.

'Ayah'

Mahinahong paggigising nito sa dalaga habang nakapamulsa pero hindi man lang gumalaw ang dalaga.

'Hey! Sleepy head wake up'

Tinanggal nya ang kumot na nakatakip sa mukha ng dalaga at mahinang tinapik ang pisngi nito. Napakunot naman ang noo ni ayah habang nakapikit parin kaya mas lalong tinapik tapik ng binata ang pisngi nito.

'Geat up kung ayaw mong buhosan kita ng tubig'

Pagbabanta nito at bumalik sa pagkakatayo habang seryosong nakatingin sa dalaga na agad nag unat unta habang nakapikit.

Ilang minuto lang ay agad na bumangon si ayah habang kinukusot ang kanyang mga mata. Hindi naman mapigilan ni bullet ang pagtitig sa dalaga at malaya nyang nasisilayan ang kagandahan ni ayah.

'Anong oras na ba?'

Tanong nito at agad na humikab habang tinatali ang buhok nito. Pinipigilan naman ni bullet ang ngumiti habang nakatingin sa dalaga.

'Mag a-alas dyes na kaya maligo kana at may pupuntahan tayo'

Agad na tumalikod si bullet at naglakad palabas ng kwarto ni ayah pero bago nya sinara ang pintuan isang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi at tuluyan ng lumabas.

Nagkibit balikat na lang si ayah at agad na ni linis ang kama nito. Habang inaayos nya ang kanyang mga unan nasagoli ng kanyang mga mata ang magandang bulaklak na nasa flower base nito kaya agad nya itong nilapitan at isang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi at agad nitong inamoy.

Alam nyang si bullet ang nag lagay ng bulaklak dahil sila lang naman ang tao sa malaking mansyon pero nakakapagtaka kung bakit orchid ang naisipan nito hindi naman sa ayaw nito sa orchid pero alam nyang walang tanim na orchids sa garden.

'Binili nya ba talaga ito para ibigay sakin? Hayst baka may nagpabigay lang sa kanya kaya nilagay nya dito wag mag isip ng kung ano ano ayah'

Pagkukumbinsi nito sa kanyang sarili at bumuntong hininga bago pumasok sa banyo upang maligo.

...

Makalipas ang isang oras agad na lumabas si ayah sa kanyang kwarto, tapos na itong maligo, magbihis at magayos kaya agad na syang bumaba papunta sa sala dahil baka ay naiinip na ang binatang si bullet kakahintay sa kanya.

Nakita ni ayah si bullet na prenteng nakaupo sa couch habang may kinakalikot sa laptop nito. Napatingin ito sa kabuohan ng binata at hindi nya mapigilang humanga dahil kahit simpleng puting tshirt, black jean and rubber shoes lang ang suot nito ay napakagara parin nitong tignan. Nakaayos din ang laging gulong buhok nito.

Isang ngiti ang mabilis na sumilay sa labi ng dalaga nang mapagtanto nyang halos magkaparehas ang suot nila ng binata dahil naka puting jacket sya, black fitted jeans at rubber shoes din ang suot nya.

Bigla namang nabaling ang atensyon ng binata sa kanya habang pinasadahan ng tingin ang kabuohan nya, nakaramdam naman ng hiya si ayah sa hindi malamang dahilan kaya napayuko na lamang ito.

MY BOYFRIEND'S LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon