Nagising si ayah sa hindi alam na dahilan at naramdaman nya ulit ang sakit, galit, pagkadismaya at puot sa kanyang puso habang nakatingin lang sa kawalan.
Hindi nya alam kung gaano sya kagalit pero ang tanging makakapagpawala nito ay kailangan nyang saktan ang kanyang sarili. Physically. Dahil simula bata pa sya 'yon na ang kanyang gawain. Nababawasan ang nararamdaman nyang galit sa tuwing nasasaktan nya ang kanyang sarili kaya walang pagdadalawang isip ay agad nyang sinuntok ang malaking salamin sa kanyang kwarto.
Ang pagkabasag nito ay naging ingay sa buong bahay alam nyang magigising nya ang kanyang nana at ate pero wala syang pakialam at paulit ulit na sinuntok ang salamin. May iilang bubog na pumasok sa kanyang sugat pero parang wala lamang sa kanya 'to at tulad ng kamay nya na umaagos ang dugo ay ganun din ang kanyang mga luha na walang kataposang pag agos.
Walang emosyon ang kanyang mga mata habang nakatingin sa salmin na basag. Hindi pa sya nakontento ay agad nyang sinuntok ang pader na mas lalong bumaon ang mga bubog sa kamoa nya pero hindi parin sapat ang sakit ng sugat nya para tumbasan ang nararamdaman nyang sakit na dumudurog sa kanyang puso at para nanaman 'tong pinipiga.
"BAKIT!! BAKIT NYOKO NILOKO!!!"
Sigaw ni ayah bago ulit sinusuntok ang pader na ngayon ay may bahid ng kanyang dugo lalo na ang sahig na mas marami ang dugo. Subra syang nasasaktan sa nalaman at sa tuwing pipikit sya ang mukha ni saint ang kanyang makikita.
"BAKIT!!! BAKIT AKO PA!!"
Sigaw nya ulit at sa huling pagkakataon ay malakas nyang sinuntok ang pader, ramdam nya ang sakit dito dahil naapektohan na ang kanyang buto sa kamay dahil sa malakas na pagsuntok pero hindi nya 'to pinansin. Napaupo na lamang sya sa sahig habang nakakalat ang bubog at dugo sa paligid. Kahit ang mukha at suot nyang pantulog ay may dugo na din.
Bakit!! Hindi ko maintindihan kung bakit nila 'to ginawa sakin?! Hindi naman ako masamang tao e para saktan ako ng ganito.
Napahilamos na lamang si ayah sa kanyang mukha habang umaagos parin ang dugo mula sa kanyang mga kamay na humalo sa kanyang mga luha na hindi natatapos sa pag agos..
Ang akala ko'y kilalang kilala ko na silang dalawa pero akala ko lang pala... Ang tanga ko napaka tanga ko pero kailangan ba talaga akong masaktan ng ganito?
Gusto nyang magwala at saktan pa ang kanyang sarili pero hindi na nya magalaw ang kanyang katawan lalo na ang kanyang kamay kaya tanging iyak at hikbi na lamang ang kanyang magagawa.
"Ayah? Anak?!"
Narinig nya ang boses ni nana pero hindi nya lang 'to pinansin at tinignan lang ang pintuan ng kanyang kwarto hanggang sa nagbukas 'to at niluwa ang gulat na mukha ni nana, kasunod nun ang nagaalalang ate na si roxy.
"Ayah! Ano ba nangyayari sayong bata ka jusmeyo!!!"
Natatarantang sabi ni nana at para na syang maiiyak sa kalagayan ng dalaga. Nilapitan nya 'to at agad na niyakap, duon na humagolgol si ayah habang mahigpit na nakayakap sa kanyang nana.
"N-nana nasasaktan po ako"
Parang batang sabi nito habang humihikbi at hindi na napigilan ni nana ang kanyang mga luha at agad na 'yon tumulo dahil sa pangalawang pagkakataon nakita nanaman nya ang kanyang alaga na tinuring na nyang anak na nagkakaganito.
Habang si roxy naman ay parang hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan habang umaagos ang kanyang mga luha habang nakatingin sa kanyang nana na nakayakap sa kanyang kawawang kapatid. Gusto nya mang yakapin 'to pero hindi nya magawa dahil nasasaktan din 'to sa nangyayari. Ate sya at mas doble ang nararamdaman nya sa tuwing nasasaktan ang kanyang kapatid.

BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND'S LOVER
Romans[TAGALOG STORY] I have a boyfriend and we've been for 2year's. sabi nga nila perfect boyfriend sya dahil nasa kanya na ang lahat, wealth, beauty, charm, sweet and caring perfect package eka nga nila. Mahal ko sya, subra. pero.... may tinatago sya sa...