CHAPTER 8

1.2K 22 0
                                    

"Goodmorning maam sir ako po si manong ekoy ang nangangalaga ng islang 'to at nandito ako para samahan kayo mamasyal"

May kaedaran na 'to at medyo puti na din ang kanyang buhok, kulay kayumanggi ang kanyang balat at matangkad din 'to.

"Goodmorning din po ako si ayah at sya naman ang boyfriend kong si saint"

Pakilala ng dalaga at tinuro ang binata na katabi lang nito habang nakakulong sya sa kanyang bisig, agad naman ngumiti ang matanda at medyo yumuko pa.

"Hali na po kayo at para maipasyal ko na kayo"

Tango lang naman ang sinagot ng dalawa at agad silang inalalayan papunta sa bangka, pagkatapos nilang sumakay ay agad namang pinaandar ng matanda ang kanyang bangka, hindi naman mapigilan ni ayah ang mapangiti, pinalawak nya ang kanyang mga braso upang lasapin ang maalat at malamig na hangin.

Nabigla naman sya dahin may yumakap sa kanya mula sa likod pero hinayaan nya lang iyon dahil alam nyang ang binatang si saint lang 'to.

"Nakaka lambot nang puso pag ganito ang bubungad sayo"

Komento ng dalaga habang nakatingin sa paligid at hinawakan ang malalambot na kamay ng binata na nasa bandang puson nya.

"Yeah, lalo na't kasama kita"

Malambing na tungon ni saint at hindi naman mapigilan ni ayah ang mapangiti pero hindi nga 'to tinignan.

"manong ano po ang tawag sa islang 'yon?"

Tanong ng dalaga at tinignan ang matanda habang nakaturo sa kaliwang bahagi.

"ah 'yon po ba, ang tawag nila ay shell island dahil marami po ang kabibi duon, marami po ang pumupunta dyan upang kumuha ng shell halos lahat ay shell collector"

Napatango naman ang dalaga at humiwalay na ang binata sa kakadikit sa kanyang nobya at umupo na lang habang nakatanaw sa paligid.

"tatlo lang ang malalaking isla dito at ngayon ay naka private na, una ay ang sea sand island ang pinaka magandang island sa tatlo dahil sa tuwing low tide ay nagiging asul ang buhangin dito at pagdating ng gabi ay umiilaw 'to kaya marami ang nagpupunta duon pero sa ngayon ay naka close ito"

Paliwanang ng matanda at agad na lumapit ang dalaga sa kanyang pwesto dahil napaka interesado nito sa mga ainasabi ng matanda habang ang binata naman ay nakaupo parin habang naka tingin sa paligid.

"Sayang naman po, gusto ko sanang mapuntahan"

Dismayadong tugon ni ayah at napangiti naman ang matanda dahil lahat ng nakasalamuha nitong turista ay iyan din ang reaksyon.

"babalik na lang po kayo sa susunod, ang pangalawa ay 'yon ang shell island at ang pinaka malaki ay ang saillet island na binili ni mr.eric bramer noon ay seaweeds island ang tawag ng karamihan dahil marami ang damong-dagat duon at marami din tumatambay ang mga isda sa tuwing high tide"

Mahabang paliwanag ng matanda at napa 'wow' naman ang dalaga dahil sa nalaman nito.

" saan na po tayo pupunta ngayon manong?"

"sa gitna po nang dagat mamimingwit po tayo"

"yah! Cge po manong exciting yan"

Tango lang naman ang sinagot ni manong ekoy at agad syang naglakad papunta sa kanyang nobyo na seryosong nakatingin lang sa karagatan.

"love bakit parang problemado ka ata?"

Takang tanong ni ayah dahil kahit naka shade ang binata ay nakikita nya naman ang naka kunot noo ni saint, mabilis namang hinalikan nito ang labi ni ayah at agad itong napangiti.

MY BOYFRIEND'S LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon