CHAPTER 9

1K 20 0
                                    


"Nilalamig kana ata teka kukuha muna ako ng tuwalya para panakip sa hita mo"

Ngiti lang ang sinagot ni ayah at agan na umalis ang matanda habang sya ay nakatingin lang sa kanyang nobyo na busy sa kanilang ginagawa ni manong epoy.

Medyo nilalamig na sya dahil napaka lamig dito at tanging naka cycling lang ito habang nakapulong puti lang 'to na kinuha nya pa sa drawer ni saint dahil gustong gusto nya sinusuot ang damit ng nobyo.

"lolo pano po ba 'to?"
Tanong ni saint sa matanda habang nakatingin sa kahoy na nasa tatlong bato, iyon ang nilulutuan ng mga taga probinsya at dahil laki sa yaman ang binata ay wala 'tong kaalalam alam.

"nako eho ako na dyan baka mapaso pa kayo tinignan mo na lang ako"

Hindi na sumagot ang binata at pinagmasdan lang ang matanda habang sinisiga ang kahoy, seryoso itong nakatingin dahil gusto nyang matutunan 'to at agad na nilagay ni manong ekoy ang kaldero.

"manong ano po ang niluluto nyo?"

Tanong ng dalaga at lumapit sa dalawa agad nyang kinawit ang kamay sa brasi ni saint pero agad nitong tinanggal.

"amoy isda ako"
Tango na lang ang sinagot ni ayah at pinagmasdan ang matanda na kumukuha ng niyog yung kinukunan ng gata.

"Ginataang isda at alimasag eha h'wag kayong magaalala masarap iyon"
Confident nitong sabi at agad na biniyak ang niyog na nabalatan na, napatingin lang naman ang dalawa duon dahil hindi talaga nila alam kung ano ang ginagawa ng matanda.

"Masarap magluto ang asawa ko at segurado akong magugustohan nyo ang niluluto nya"

Biglang sulpot ni maria at agad na binigay kay ayah ang tuwalya nito at yun ang ipinantapis nya, gumaan naman ang kanyang pakiramdaman at nagpasalamat sa matanda.

"maghugas ka na ng kamay mo eho, halika"

Sumunod naman ang binata at pinasadahan lang sila ni ayah ng tingin at bahagyang napangiti na lang 'to bago lumapit kay manong ekoy na ngayon ay kinukunan ng gata ang niyog gamit ang kanyang machine.

"iyan po ba ang ilalagay nyo sa isda manong?"
Curious na tanong ni ayah habang sinusundan ang matanda papunta sa niluluto nito at nilagay ang gata.

"oo eha para mas lalong sumarap"
Tango na lang ang sinagot ni ayah at biglang lumapit sa kanya ang binata na kakahilamos lang, mabilis nya naman itong niyakap at agad ding humiwalay.

"halikayo mga anak"
Agad na lumapit ang dalawa sa kinaruruonan ni maria at epoy na ngayon ay nagbubukas ng buko na pwede nilang gawing samalamig.

"tikman nyong dalawa"
Binigay ni manong epoy ang dalawang buko sa kanilang dalawa at agad na ininom ang tubig nun.

"napakatamis hindi ba?"
Masayang sabi ni maria hanggang sa maubos ng dalawa ang tubig nun at napangiti naman si ayah hababang si saint naman ay napatango lang.

"oo lola napakasarap"

Sagot ni ayah at nilapag sa mesa ang buko ganun din ang binata at agad na kinuha ang kanyang panyo para punasan ang bibig ng dalaga.

"napaka sweet naman ninyong dalawa, naalala ko tuloy nung mga panahong nililigawan pa lamang ako ni ekoy"

Kinikilig nitong sabi habang nakatingin sa dalawang magkasintahan agad na nilagay ni saint ang kanyang panyo sa suot nitong jogging pants at tinignan ang dalawang matanda na masayang nakangiti sa kanila.

"sana ay alagaan, mahalin at h'wag mong sasaktan ang napaka ganda mong kasintahan sir saint, napaka swerte mo na sa kanya"

Nahihiya naman si ayah dahil sa sinabi ni manong ekoy at napatingin sa binatang katabi nito na nakangiting nakatingin pala sa kanya.

MY BOYFRIEND'S LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon