Nakaupo lamang si roxy habang nakatingin sa isang binatang busy sa kakaserve ng pagkain sa customer. Matalim at walang emosyon nya itong tinignan hanggang sa dumako sa kanya ang tingin ng binata at agad na lumapislt sa kanya.
'Anong kailangan mo?'
Agad na tanong ni drace habang nakatayo sa harapan ni roxy.
'Umupo ka'
'May trabaho pa ako'
'Sandali lang 'to kaya umupo kana'
Pagpipilolit ni roxy at wala namang nagawa ang binata kaya agad na syang umupo.
'Anong nangyare? Ba't dito ka nag t-trabaho?'
Agad na tanong ni roxy at napabuntong hininga naman si drace.
'Nalaman ni Mr. Eric ang lahat at kinuha nya ang lahat kay saint, sya din ang may pakana kung bakit may lumabas na balita tungkol kay saint'
Nagulat naman si roxy sa kanyang nalaman at napakunot ang kanyang noo. Kahit may galit sya sa dalawa hindi parin tama ang ginawa ng matanda.
'Hinayaan nyo lang?'
Inis na tanong ni roxy at tinaasan ng kilay ang binata. Wala namang reaksyon ang binata.
'Ayaw na naming palakihin pa 'to kaya hinayaan na lang namin'
'Ha! Talaga hayaan? Naghihirap kayo dahil lang sa matandang 'yun at wala man lang kayong ginawa kundi hayaan lang sya?!'
Hindi na napigilan ni roxy ang kanyang sarili at malakas na hinampas ang mesa. Napatingin naman ang ibang customer sa gawi nila pero hindi lang nila 'to pinapansin.
'Ayaw namin ng gulo'
'Nalaman din ng papa mo ang nangyare kaya ka nandito?'
Tanong nya at tanging tango na lamang ang sinagot ng binata kaya napabuntong hininga na lang si roxy dahil sa inis.
'unbelievable tsk. Look drace pwede ko kayong tulongan, oo malaki ang kasalanan nyo sa kapatid ko at aaminin ko galit parin ako sa inyo pero pamilya na ang tingin ko sa inyong dalawa at alam kong ganito din ang gagawin ni ayah pag nalaman nya 'to'
'N-no please wag na wag mong sasabihin sa kanya'
Napatingin si roxy sa mata ni drace at para itong nangungusap na huwag sasabihin kay ayah at wala na syang nagawa pa kundi tumango.
'Fine. Pero hayaan nyong tulongan ko kayo'
'I would appreciate it pero wag na hayaan mo na lang kaming iangat ang sarili namin na kami lang. Don't get me wrong roxy'
'Naiintindihan ko, san nga pala nagt-trabaho si saint?'
'4k restaurant tatlong shop mula dito'
Tumango lang si roxy at napatingin sa kamay ni drace na may iilang sugat at agad nyang hinila ang kamay nito.
'Anong nangyare dito?'
'Wala, sege may trabaho pa ako'
Binawi agad ni drace ang kamay nya at tumayo na.
'Teka'
Agad namang huminto ang binata at nilapitan sya ni roxy. May kinuha sya sa kanyang bag bago kinuha ang kamay ng binata at nilagay sa palad nito ang limang band aid.
'Sabihin mo lang kung ano ang pwede kong matulong, sege aalis na ako'
Agad na tumalikod ang dalaga sa kanya bago naglakad paalis. Napatingin naman si drace sa band aid na nasa palad nya at mabilis na napangiti bago tinignan ang pintuang nilabasan ng dalaga.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND'S LOVER
Romance[TAGALOG STORY] I have a boyfriend and we've been for 2year's. sabi nga nila perfect boyfriend sya dahil nasa kanya na ang lahat, wealth, beauty, charm, sweet and caring perfect package eka nga nila. Mahal ko sya, subra. pero.... may tinatago sya sa...