Maaga umalis si drace sa condo na tinutuloyan nila ni saint habang dala ang isang itim na maleta, nahihirapan at nasasaktan sya sa kanyang gagawin lalo na't pinili nyang iwan ang binata dahil hindi nya kayang mawala kay saint ang lahat lahat dahil tumawag si mr eric sa kanya at alam nyang seseryosohin nito ang kanyang banta.
Nagpaalam sya sa kanyang manager at pumayag naman 'to dahil tapos na ang kanyang photoshoot at tanging si saint na lang ang hindi pa.
Napabuntong hininga si drace bago pumasok sa kanyang sasakyan at agad na pinaandar, hindi madali sa kanya ang pagiwan sa binata dahil sa loob ng limang taon nilang magkarelasyon ngayon pa lang sya nag desisyon na iwan 'to dahil sa ikakabuti nito at ikakabuti nang lahat, malayo na ang narating ni saint at ayaw nyang mawala 'to dahil lang may relasyon sila na hindi tanggap nang karamihan, iniisip din nya ang kalagayan ni ayah ang kaibigan nya na simula pa nung una ay parang kapatid nya na.
Naisip nyang tawagan si ayah upang kamustahin 'to dahil isang linggo nya na itong hindi tinatawagan dahil kay saint.
Kinuha nya ang kanyang telepono at agad na dinial ang number ni ayah, ring lang ito nang ring kaya minabuti nyang ibaba na lang dahil baka tulog pa 'to lalo na't na lasing 'to kagabi.
Tinawagan nya si lexy at agad namang nitong sinagot.
'kailangan mo?'
Malamig na bungad ni lexy at napangisi na lang si drace dahil hindi ganun ang lexy na nakilala nya pero sino nga ba ang niloloko nya, sinaktan nya 'to at nagtago pa ng sekreto.
'kamusta ka?'
'Okay lang, san ka?'
'I'm driving, aalis ako'
'Kasama mo ba si saint?'
'No, babalik na ako sa paris at h'wag mong sasabihin kay saint kahit kay ayah'
'wait why? Ba't ka aalis? May problema ba?'
'Ito lang ang naisip ko para maging maayos ang lahat'
'Hindi maaayos ang lahat hangga't hindi nyo sinasabi kay ayah ang totoo'
'Im sorry, ibaba ko na 'to take care'
Huling sinabi ni drace at agad na pinatay ang tawag bago bumuntong hininga at may mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang labi.
Duwag man kung tawagin ang naging desisyon nya pero wala na talaga syang maisip na pwedeng gawin dahil mas lalong nagiging komplekado ang lahat, sya na seguro ang pinaka tanga dahil sa ginawa nya. hindi nya naisip kung ano ang magiging resulta ng kanyang pagalis.
Sarado na ang utak ni drace at buo na ang disesyon nito na lumayo at iwan si saint at hindi sya nag aalala para sa binata dahil alam nyang aalagaan 'to ni ayah.
Kahit nasasaktan sya at subrang nadudurog ang kanyang puso ay buong lakas nyang ginawa ang dapat alam nyang hindi lang sya ang masasaktan pero ayaw nyang sya ang maging dahilan para mawala ang lahat kay saint at durogin ang kaibigan nito at ayaw nyang mangyari 'yon kaya sya na lang ang magpaparaya para sa ikapanatag at ikabuti nang lahat.
Na alimpongatan si saint kaya nagising 'to at agad nyang kinapa ang katabi nito pero wala ang binatang si drace kaya tuluyan nya na syang nagising bago tumayo upang tignan ang banyo kung nandun sya pero wala syang nakita pati sa kusina at sala ay wala 'to, gumapang naman sa kanyang dibdib ang kaba dahil kinukotoban syang umalis 'to. Tinignan nya ang closet nito at dun na nya nakompermang umalis na talaga 'to.
Dali dali nyang tinawagan ang binata pero nakapatay 'to, makaulit nya pang tinawagan pero wala talaga at nagsimula na syang mainis dahil sa binata, tinawagan nito ang manager ni drace at napanatag ang kanyang loob dahil sinagot nito ang taeag nya.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND'S LOVER
Romance[TAGALOG STORY] I have a boyfriend and we've been for 2year's. sabi nga nila perfect boyfriend sya dahil nasa kanya na ang lahat, wealth, beauty, charm, sweet and caring perfect package eka nga nila. Mahal ko sya, subra. pero.... may tinatago sya sa...