Sabado ngayon at mamayang tanghali pa ang pasok ni ayah sa flower shop kaya nakahiga parin sya sa kanyang kama habang nakatulala sa kisame, hindi parin matanggal sa kanyang isip ang nakita nya kagabi at hindi nya 'yon maitanong kay saint dahil parang umuurong ang kanyang dila sa tuwing kausap ang nobyo at kakatawag lang ng binata at susunduin sya nito mamayang alas onse.Pinagugulong nya na lang ang kanyang katawan sa malaking kama nya upang mawala ang kanyang iniisip na dahilan upang ma badtrip 'to.
Bigla syang napatigil dahil may kumatok sa kanyang pintuan at hinintay nya kung sino 'yon.
"Ayah anak, may bisita ka bumaba ka kaagad kukunin ko lang labahan ng ate mo"
Napakunot noo naman si ayah dahil alas otso pa lang ng umaga at kakatapos lang nilang mag agahan, wala naman syang
ini-expect na bisita kaya nagtataka sya kung sino ang bisitang 'yon.Wala na syang nagawa kundi ang lumabas sa kanyang kwarto at bumaba sa sala, napatigil naman sya at biglang lumakas ang tibok nang puso nya dahil sa lalaking prenteng nakaupo sa couch, naka simpleng tshirt lang 'to at naka jeans habang naka converse shoes pero ang lakas paring ng kanyang dating, pero mas munabuti ni ayah na guwag ipahalata na kinakabahan 'to at parang may kung ano sa kanyang tyan habang nakatingin sa binata.
Agad syang umupo sa couch at nakuha naman nya ang atensyon ni bullet na kanina ay abala sa kanyang telepono at sa ikalawang pangkakataon para nanaman syang na hypnotismo dahil sa binata na nakatingin sa kanya.
"Goodmorning"
Simpleng bati nito at syang nakapagbalik kay ayah sa reyalidad na kaagad nyang sinagot ng isang ngiti."Ang aga mo ata"
Act normal ayah h'wag kang magpalahalatang talandi ka.. Bulong nya sa kanyang sarili at 'yon nga ang kanyang ginawa."Yeah, I have something to say"
Bigla naman syang kinabahan dahil sa sinabi nito at napaka seryoso din ng kanyang mukha.
"Ano 'yon?"
"Kamusta kayo ni saint?"
Napahinga naman ng maluwag si ayah dahil sa tanong nito ang akala nya ay kung ano na ang sasabihin nito sa kanya."Okay lang naman as always"
Ngiting sagot nya at mas minabuti nya na lang na h'wag sabihin sa kanya ang katotohanan dahil nahihiya 'to."Segurado kana ba talaga sa kanya?"
"Oo, bakit ganyan mga tanong mo?"
"May tiwala ka ba sa kanya?"
Hindi parin nito sinagot ang tanong nya at tinanong lang sya nito pabalik."Buong buo ang tiwala ko sa kanya"
"Gaano mo sya ka mahal?"
Nakangising tanong ni bullet at bigla namang napatahimik si ayah dahil sa kanyang tanong.Gaano ko ba talaga sya ka mahal? Bakit pakiramdam ko kulang yung pagmamahal na 'yon?
Bulong nya sa kanyang sarili dahil kahit sya ay nagugulohan na din lalo na nung dumating ang binatang nagpapatibok ng kanyang puso sa hindi normal na heartbeat nito."Mahal ko sya"
Simpleng sagot nito at alam nya na mahal na mahal nya ang kanyang kasintahan kahit nagugulohan parin 'to."What if kung may una syang minahal sayo at hanggang ngayon sila parin kahit meron nang ikaw?"
Nagulat naman sya sa tanong ni bullet dahil pakiramdam nya may halong katotohanan ang sinasabi nito, bigla namang kumirot ang kanyang dibdib at bigla nanamang bumalik ang nakita nya kagabi, ang mga araw na lagi na lang itong busy na hindi nya masigurado sa kanyang sarili kung totoo bang sa trabaho 'to nakatutok dahil kagabi lang ay nagsinungaling 'to sa kanya.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND'S LOVER
Romance[TAGALOG STORY] I have a boyfriend and we've been for 2year's. sabi nga nila perfect boyfriend sya dahil nasa kanya na ang lahat, wealth, beauty, charm, sweet and caring perfect package eka nga nila. Mahal ko sya, subra. pero.... may tinatago sya sa...