Bagong gising lang ang dalagang si ayah at agad na syang naghilamos at nagsipilyo bago bumaba sa sala, naglakad naman sya papunta sa harden nila ni nana at tamang tama namumulaklak na ang itinanim nila, maari nya din 'tong e display sa flower shop nya.Agad naman nyang kinuha ang kanyang telepono nang bigla 'tong tumunog at sinagot din nya naman ang tawag.
Goodmorning miss ayah, sorry po pero hindi kami makaka deliver ng bulaklak ngayon nasiraan po kasi ang sasakyan namin'
Ah ganun po ba, bukas makaka deliver po ba kayo?'
Opo miss dadagdagan na lang po namin ng iba't ibang bulaklak sorry po talaga'
No manong jepoy ayos lang wag na po kayong magaalala'
Salamat talaga miss'
Agad naman nyang pinatay ang tawag at bumuntong hininga, bago hinanap ang number ni lecy, makailang ring lang 'to at agad namang may sumagot.
Miss ayah? Goodmorning ba't po kayo napatawag?'
Ikaw na lang magsabi sa iba na ngayon ang day off ng lahat'
Ha? Pero miss bakit?'
Walang mag d-deliver ng bulaklak at agahan nyo ang pagpasok bukas'
Yes miss'
Pinatay na nya ang tawag at agad yun nilagay sa bulsa nya at naglakad papunta sa gazebo na pakana ng ate nya.
Malakas at malamig ang hangin sa gawing 'to kaya lagi syang tumatambay dito minsan ay kasama nya ang kanyang kasintahan.
Naisip naman nya agad ang binata at napasimangot dahil hindi sya nito sinundo kagabi dahil nag extend ng 2hours ang owner ng brand na mayhawak sa kanila at hindi makatanggi ang binata, naiintindihan naman ni ayah ang bagay na yun pero nalulungkot 'to dahil magiging busy ang binata ng isang linggo ganun din ang kaibigan nitong si drace dahil nagkaisa ang dalawang brand na may hawak sa kanila at hindi nya alam kung saan gaganapin ang photoshoot.
Hindi pa rin sila nagkakaayos at naisip nya bisitahin ang binata sa ginagawang condo nito na malapit lang sa subdivision nila.
Pagkapasok nya sa bahay agad syang pumunta sa kusina at tamang tama nakahain na sa mesa ang mga pagkain na niluto ng kanyang nana at nakaupo na din ang ate nya na nagsimula nang kumain.
Sorry sis di na kita tinawag nagmamadali ako'
Medyo may kabilisan 'to sa pagkain habang nasa telepono nito ang kanyang atensyon.Halata nga e'
Pabayaan mo na anak may inaasikaso lang ang ate mo kumain kana dyan at para maka punta ka kaagad sa flower shop'
Agad na sinalinan ni nana ng gatas ang kanyang baso.Close po kami ngayon nasiraan ng sasakyan ang mag d-deliver ng bulaklak'
Kumuha na ng kanin at ulam ang dalaga at nagsimula na syang kumain.Kung ganun tulungan mo'ko sa restaurant tamang tama kulang ang waitress natin ngayon at madami ang customer'
Biglang sabi ni roxy at tinignan ang kapatid nito, napa kunot noo naman si ayah dahil sa sinabi nito.Ate may pupuntahan pa ako, kaya mo na yan promise dadaan ako mamaya dun'
Oo na tsk aalis na ako'
Agad syang tumayo at mabilis na hinalikan ang tuktok ng ulo ni ayah bago nakipag beso kay nana at patakbong umalis ng bahay.San ka pala pupunta mamaya?'
Pupuntahan ko lang si saint nana, nagiging busy na po sya at may kunti kaming hindi pagkakaintindihan'
Pagsasabi nito ng totoo at patuloy na kumakain.

BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND'S LOVER
Romantiek[TAGALOG STORY] I have a boyfriend and we've been for 2year's. sabi nga nila perfect boyfriend sya dahil nasa kanya na ang lahat, wealth, beauty, charm, sweet and caring perfect package eka nga nila. Mahal ko sya, subra. pero.... may tinatago sya sa...