Limang araw na ang nakalipas at hindi parin nakakatanggap ng text si ayah mula sa kanyang nobyo kahit ang kaibigan at pamilya nila ay wala ding alam kung nasan ang binata. Nung isang araw lang din nyang nalaman na tumigil 'to sa project na ginagawa nila gayun din si drace na kaibigan nya. Hindi na nya alam kung ano ba dapat ang isipin at maramdaman nya dahil sa mga nangyayari ay walang sapat na salita ang makakapagsabi kung ano ba talaga ang emosyong nararamdaman nya.
Nawawalan na din sya ng pagasa na babalik ang binata at hindi maiwasang isipin na may iba na 'to pero sa tuwing bumabalik sa kanya ang masaya at mahalang alaala nila ni saint ay nabubuhayan nanaman ang kanyang puso. Alam nyang martyr sya kung hindi mapapansin at iisipin ang mga bagay na maaaring dahilan kung bakit sila nagkakaganito pero isinawalang bahala nanaman nya 'yon dahil sa TIWALA nya sa binata.
Umupo sya sa ledge ng bath tub at agad na kinuha ang yosing tinago nya sa kanyang bulsa at agad 'yon sinindighan gamit ang lighter na binili nya kahapon.
Ibinuga nya ang usok malapit sa maliit na bintana upang hindi maamoy ni nana at roxy na nagyoyosi sya dahil ang alam ng mga 'to ay tumigil na sya.
Bumalik sya sa pagyoyosi nung mga panahong nakakaramdam sya ng lungkot tuwing hating gabi, walang nakakaalam na binabalot sya ng matinding lungkot na hindi nya alam kung bakit tuwing hating gabi at tanging yosi lang ang sandalan nito.
Isang yosi lang ang nauubos nya isang araw at sa isang linggo apat na beses lamang syang gumagamit nun dahil iniingatan nya parin ang baga nya at ayaw nyang magka cancer dahil dito dahil marami pa syang plano sa buhay.
Paubos na ang yosing kakasindi pa lang nya ng biglang nagbukas ang pintuan ng kanyang banyo at nagulat sya dahil ang binatang si bullet 'to habang masama ang tingin sa kanya at napatingin sa kamay nya na hawak ang lighter at yosi.
Subrang kaba ang nararamdaman ni ayah at bago pa man sya maka react ay agad na naagaw ni bullet sa kamay nya ang kanyang hawak at mahigpit na hinawakan ang pulsohan nya patayo habang hindi parin nawawala ang masamang tingin nito sa kanya.
"ano sa tingin mo ang ginagawa ko ha?!"
Galit na sigaw ni bullet sa kanya at para syang nasemento sa kanyang kinatatayuan dahil ngayon lang nagalit sa kanyang ang binata at kahit ayaw nyang isipin ay mas lalo itong naging gwapo.
"Wala at akin na nga 'yan!"
Aagawin na sana ni ayah ang lighter at yosi pero mas mabilis ang binata kaya hindi nya 'to naagaw at mas lalo pa syang napalapit sa binata to the point na naaamoy na nya ang mabangong binata.
"Kailan kapa natotong magyosi"
Mahinahon pero may diing tanong ni bullet kay ayah at binitawan na ng binata ang kanyang pulsohan.
"When i was in highschool pero tumigil na ako"
"Then anong ibig sabihin nito ha Niloloko mo ba ako babae?!"
Galit nanamang tanong ni bullet at ngayon ay wala ng maramdamang takot ang dalaga bagkos ay nakatingin lamang sya sa magagandanag mata ng binata.
"No Im not, nagsimula ulit nung mga panahon na hindi ako makakatulog"
Pagsasabi nito ng totoo at wala namang syang dahilan para ipaglihim nya 'to sa binata dahil kahit si saint ay alam 'to.
Napabuntong hininga na lamang ang binata at naamoy naman 'to ni ayah. Asusual amoy mentos parin 'to na nakakapag gaan sa kanyang paghinga.
"where did you hide this shit?"
Tukoy nya sa yosi at hinfi naman mapakali si ayah dahil 'yon na lang ang natitira sa kanyang yosi at hindi na sya maaaring bumili pa sa kahit na anong tindahan dahil simula nung college ay pina ban na ang pagbili nya ng yosi.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND'S LOVER
Romance[TAGALOG STORY] I have a boyfriend and we've been for 2year's. sabi nga nila perfect boyfriend sya dahil nasa kanya na ang lahat, wealth, beauty, charm, sweet and caring perfect package eka nga nila. Mahal ko sya, subra. pero.... may tinatago sya sa...