CHAPTER 19

947 27 0
                                    

Maaga nagising si ayah dahil papasok pa sya sa kanyang trabaho at hanggang ngayon ay nakakaramdam parin sya ng sakit sa ibabang parte nya kahit dalawang araw na ang lumipas at sa tuwing naaalala nya ang gabing 'yon ay hindi nya mapigilang mapangiti dahil 'yon ang una nya at hindi sya nagsisisi dahil tama lang ang kanyang disesyon.

Nang makababa si ayah sa sala ay nakita nya si kier at roxy na prenteng nakaupo sa couch habang may tinitignan sa laptop at talagang makatabi pa ang dalawa. Hindi naman napigilan ni ayah ang mapangiti dahil parang may kakaiba sa dalawang 'to na hindi nya nalalaman.

"Anong relasyon ninyong dalawa?"

Diretsong tanong ni ayah at agad na umupo sa couch kaharap ng dalawa at kita mo naman ang gulat sa mukha ni roxy habang si kier naman ay nakangiti lang.

"Kanina kapa?"

Tanong ni roxy at binaba ang hawak nitong laptop.

"Hindi naman masyado at pwede ba lumayo layo kayo sa isa't isa nakaka diri"

Biro ni ayah habang nakangisi. Inakbayan naman ni kier so roxy at mas lalo nitong hinila ang dalaga bago kinulong sa knayng mga bisig. Bigla namang namula ang pisngi ni roxy dahil sa kahihiyan at kilig.

"Pano kung ayaw ko?"

"Edi h'wag at sagotin nyo ang tanong ko ano ang relasyon nyong dalawa? Ate mag sabi ka ng totoo"

Nakataas ang kilay ni ayah habang seryosong nakatingin sa dalawa at agad na sumandal. Gusto nyang matawa dahil nararamdaman nyang kinakabahan ang kanyang nakakatandang kapatid.

"A-ah sis ahm si ----"

Nauutal pa nitong sagot habang hindi makatingin sa mga mata ni ayah.

"She's my girlfriend and I want to marry her as soon as possible"

Diretsong sagot ni kier at wala man lang pagaalinlangan sa boses nito. Gulat at kilig naman ang nararamdam ni roxy kaya mahina nyang hinampas sa braso ang binata habang si ayah naman ay gulat parin pero natutuwa 'to para sa kanyang ate.

"kailan pa naging kayo?"

"we've been for 2 year's now"

Confident na sagot ni roxy habang nilalaro ang kanyang hintuturo. Mannerism nya sa tuwing kinakabahan at bigla namang napangiti si ayah.

"So kaya pala hindi ka pumasok sa pagmomodelo dahil kay ate?"

Tanong ni ayah at tanging tango lang ang sinagot nilang dalawa kaya napatayo na lamang si ayah.

"ako lang ba ang hindi nakakaalam tungkol dito?"

Tanong pa ni ayah habang naka krus ang kanyang mga kamay sa harap ng kanyang dibdib at matalim na nakatingin sa dalawa.

"Sis sorry sasabihin na sana namin nung nasa restaurant ka kaso nawala sa isip namin e"

Napaismid naman si ayah dahil sa sagot nito.

"tsk ang akala ko si bullet ang nanliligaw sayo"

Bigla namang sumama ang timpla sa mukha ni kier dahil sa sinabi ni ayah at mahina namang napatawa si roxy.

"HAHAHAHA sis seriously? Hindi ko maatim na isiping liligawan nya ano pa kaya't maging kami at isa pa iba ang gusto nun"

Naka nguso pang sabi ni roxy at bahagyang sumandal sa kanyang nobyo na ngayon ay nakakunot ang noo.

"Parang nadismaya ka ata"

Seryoso at may diing sabi ni kier kaya napatingin sa kanya si roxy.

"Hindi ah ang kitid ng utak mo tsk"

MY BOYFRIEND'S LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon