CHAPTER 15

1K 23 0
                                    


Maaga gumising si saint upang maligo at tawagan ang kanyang nobya para kamustahin 'to dahil ilang araw na silang hindi nagkikita at hindi nya maiwasang ma miss ang nobya dahil seguro ay nasanay na 'to na lagi nyang kasama at ang pagiging malambing nito, malaki ang pagkaiba ni ayah sa lalaking mahal nito na drace pero hindi nya magawang mamili sa dalawa at ayaw nyang isa sa kanila ang mawala sa kanya kaya kahit mali ay pipilitin nyang itago ang lahat hangga't wala pang ginagawa ang kanyang ama na nasa ibang bansa upang asikasuhin ang kanilang negosyo doon.

Pagkatapos maligo ni saint ay nagbihis na 'to bago kinuha ang kanyang telepono at tuwalya upang patuyoin ang kanyang basang buhok bago umupo sa kama nito at tumabi sa natutulog na si drace, niyakap nya 'to ng mahigpit at siniil ng halik ang labi nito.

"Hmmmm"

Mahinang ungol ni drace dahil nagising 'to at wala syang magagawa kundi mag response sa maiinit na halik ni saint sa kanya hanggang sa nawalan na sila nang hangin kaya agad naman silang humiwalay sa isa't isa bago humiga si drace sa dibdib ni saint at nagpatuloy 'to sa pagtulog dahil isang araw silang nagtrabaho kahapon upang matapos ang isang shoot.

Dinial ni saint ang phone number ni ayah habang nilalaro nang kanyang kamay ang buhok ni drace at agad naman sinagot ni ayah ang tawag kaya napangiti ang binata.

"Hey pretty goodmorning"
Malambing na bungad ni saint sa kabilang linya.

"Goodmorning love ang aga mo atang nagising? Ang akala ko isang araw kayong nag shoot kahapon?"

"Yeah, I just want to hear your voice"

"bukas na kayo uuwi diba?"

"I dont know love I'm sorry, baka mag extend pa ng isang araw"

"Hyssst it's okay at least isang araw lang naman"

"I love you"

"I love you most, e text mo'ko pag uuwi na kayo ha?"

"Promise"

"Love magpalaalam sana ako mamaya pupunta kami sa club at wag kang mag aalala si lexy at bullet lang naman ang kasama ko"

Napakunot naman ang noo ni saint dahil sa narinig nya, may tiwala sya kay lexy at bullet pero hindi nya alam bakit ayaw nyang makasama ni ayah ang kuya nito. Dahil ba may nararamdaman 'to sa kanyang nobya o sa iisiping maaaring makuha nito sa kanya ang dalaga at 'yon ang kinatatakot nya.

"Sure love and please be careful okay?"

Wala syang nagawa kundi ang pumayag dahil 'to na lang ang magagawa nya sa dalaga at gusto nitong maging masaya ang kanyang nobya dahil hindi na nya 'to nagagawa.

"Love lowbat na ako tatawagan kita mamaya I love you"

"Okay I love you too"

Napabuntong hininga na lamang si saint habang nakatingin sa kanyang telepono at agad na pinatay ni ayah ang linya.

"Jelouse?"

Napatingin naman sya kay drace na kanina pa pala nakatingin sa kanya at sumandal sa head board ng kama.

Hindi lang sya sumagot at nakatingin lang sa kawalan habang may malalim na iniisip.

"Nagugulohan kana sa nararamdaman mo"

Biglang napatingin si saint sa binata at agad nyang hinawakan ang mga kamay nito at mahinang pinisil dahil kahit itanggi nito ay alam nyang nararamdaman ni drace ang totoo.

"Ayokong may mawala sa inyong dalawa"

Hindi makatingin si drace sa kanya dahil pati sya ay naapektohan na sa nangyayari na dati ay hindi at ayos lang sa kanya ang lahat dahil ginusto nila 'yon pero nagbabago talaga ang panahon, bawat oras, minuto at segundong lumilipas ay nakakaramdam na sya ng pagka insecure at sakit dahil kahit sya ang kasama ni saint lagi naman nitong hinahanap si ayah, wala syang galit sa dalaga pero galit sya sa kanyang sarili dahil pumayag at pumasok sya sa ganong sitwasyon na alam nyang maaari syang matalo dahil babae ang kalaban nya kay saint, sa lalaking lubos nyang minahal.

MY BOYFRIEND'S LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon