CHAPTER 45

830 18 0
                                    

Nakabusangot lamang si ayah habang prenteng nakaupo sa couch at nakatingin sa labas ng bahay. Malakas ang ulan at napakalamig pero parang wala lamang ito kay ayah at nakasando pa ito, halos isang araw ng umuulan kaya hindi nakakalabas ng bahay si ayah at tanging sila lamang dalawa ni nana ang nasa bahay.


Gustong gusto ni ayah ang ulan dahil sa malamig at preskong hangin na dulot nito pero parang ngayon ay hindi sya nasisiyahan dahil dalawang araw na nyang hindi nakikita ang binatang si bullet ganun din si saint at drace pero umaapaw ang pagkamiss nito sa binatang si bullet at kahit text at tawag ay wala syang natanggap mula dito.


Alam nyang marami itong inaasikaso pero hindi nya mapigilang mainis at magtampo dito, minsan ay umiiyak na lamang sya sa tuwing maaalala nya ang binata at tuwing umaga lagi nya itong hinahanap. Mas lalong sumama ang pakiramdam nya tuwing umaga umaabot na sa puntong hindi na halos sya makatayo dahil sa tuwing tatayo sya umiikot ang kanyang paningin at sikmura.


'Ayah anak magsuot ka ng jacket baka lamigin ka'
Biglang sabi ni nana at pinatong ang jacket sa balikat ng dalaga. Mapait naman syang nginitian nito.

'Ano bang kinalulungkot mo dyan? e sa tuwing umuulan para kang nanalo sa lotto sa subrang saya'
Umupo si nana sa tabi ng dalaga kaya napatingin sa kanya si ayah.

'Mas lalong sumama ang pakiramdam ko nana hindi ko maintindihan'
Nanghihina nito sabi kaya nagaalala namang tinignan ni nana ang mukha nito.

'Nako anak ang putla mo, may masakit ba sayo?'
Subrang pagaalalang tanong ni nana at nilapat ang likod ng kanyang palad sa noo ng dalaga.

'Ang taas ng lagnat mo'
Natataranta na si nana dahil kinakabahan sya para sa dalaga.

'N-nana ang lami na po'
Halos pabulong na sabi ni ayah at niyakap ang kanyang sarili.

'Tayo na dadalhin kita sa kwarto mo hyst ikaw kasing bata ka alam mo namang malamig nag sasando kapa'
Sirmon nito sa dalaga at inalalayan itong tumayo at maglakad paalis papunta sa itaas.

Nang makarating sila sa kwarto ng dalaga agad na inihiga ni nana ang dalaga sa kama nito at agad na kinumutan. Pumikit naman si ayah at unti unti ng bumibigat ang talukap ng mata nya hanggang sa tuloyan na itong nakatulog. Habang si nana naman ay bumaba muna sa kusina upang maginit ng tubig, kumuha sya ng bimpo at stainless bowl. Pagka init ng tubig agad nyang binuhos sa bowl, nilagyan ng kunting running water at alcohol bago pumunta sa kwarto ng dalaga.


Pagkatapos nyang punasan ang katawan ng dalaga agad nyang tinupi ang bimpo at nilagay sa noo ng dalaga at dali daling kinuha ang telepono nya at denial ang number ni roxy.

Makailang ring lang ito ay agad din namang sumagot.

'Hello nana napatawag ka?'
Bungad na tanong nito kay nana.

'Anak pwede kabang umuwi ngayon? Inaapoy ng lagnat si ayah'
Mababakas parin ang pagaalala ni nana habang nakatingin sa dalagang mahimbing na natutulog.

'Nako nana ang lakas po ng ulan dito halos hindi na makita ang mga daan kaya hindi pwedeng bumyahe'
Nagaalalang sagot ni roxy.

'Ganun ba, dito din kasi cge anak babantayan ko muna ang kapatid mo baka huhupa din ang ulan mamaya at itatakbo ko na sya sa hospital'

'Cge nana basta tawagan moko ha?'

'Oo anak, magiingat kayo dyan'

'Opo nana'
Huling sagot ni roxy at agad na pinatay ang tawag. Nilapag na lang ni nana ang kanyang telepono at agad na humiga sa tabi ni ayah habang hinihimas ang buhok nito.




MY BOYFRIEND'S LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon