CHAPTER 38

765 15 0
                                    

Isang araw na ang nakalipas at hanggang ngayon ay hindi parin umuuwi ang binatang si bullet at subrang pangungulila na ang nararamdaman ni ayah sa binata. Ang tanging ginagawa nya ay kinukuha nya ang mga damit ng binata at yun ang laging sinusuot.

Habang magisang nakahiga sa kama ang dalaga napagisipan nyang buksan ang twitter account nito at inaasahan na nito na maraming message nanaman ang matatanggap nya. Hindi na sya nagabala pa na buksan ang mga yun at tinignan na lamang nya ang kanyang wall.

Nanlaki ang mata ni ayah nang makita nya ang maraming nakatag sa kanya. Hindi nya alam kung para saan yun pero hindi na lamang nya yun pinansin hanggang sa nakuha ng kanyang atensyon ang isang picture at nakatitig lamang sya dito hanggang sa mapagtanto nya na si saint ito habang may hawak na tray at base sa background nasa isang restaurant ito.

Dahil sa curiosity binasa nya ang caption dito.

'Omg is this saint? Ghad guys nagt-trabaho na lamang sya sa isang restaurant at sa unang kita ko sa kanya halatang pagod na pagod ito i feel pity for him'

Agad nyang tinignan ang comment section at mas marami pa ang mga picture na nagsilabasan duon. Mga litratong nakuhanan sa restaurant. Nandun din ang litrato ni drace na may hawak ding isang tray.

'Nakita ko si drace sa isang restaurant malapit sa pinagt-trabahuan ni saint waaaaah my heart, they're still in relation'

'Balita ko kinuha sa kanilang dalawa ang lahat ng naipundar nila'

'Talaga? Sino nanaman ang gagawa nun? Kawawa naman'

'Ang narinig ko ang papa ni saint ang may gawa nun'

'Si Mr. Eric? Hindi ba sya na aawa sa anak nya tsk'

'Pero saan na kaya si ayah? Ang balita ko kasi umalis sya pagkatapos ng balitang hiwalay na sila ni saint'

Napaupo si ayah sa kanyang kama at hindi nya alam ang kanyang mararamdaman dahil sa nabasa nito. Marami pa ang comments na nandun pero hindi na nya kaya na basahin pa lahat ng yun at tinignan pa ang ibang nakapost sa wall nya.

'Breaking news kaninang umaga lang ay inilabas na ni Mr. Eric and official announcement nito tungkol sa nalalapit na kasal ng kanyang anak at sa anak ng business partner nito. Ayon sa nakasaad handa na ang lahat para sa mangyayaring kasal at naibigay na din ang mga invitation card sa mga importante at malalaking tao sa mundo ng negosyo at mangyayari ang engranding kasal sa kataposan ng marso na isang linggo na lamang mula sa araw na ito'

Mas lalong hindi nya alam ang kanyang nararamdaman nang makita nya ang picture sa inilabas na balita at bahagyang napatakip sya sa kanyang bibig.

'Ikakasal si bullet at lexy'

Bulong nito sa kanyang sarili habang nakatingin sa litratong lumabas at hindi sya makapaniwala sa kanyang nababasa at nakikita. Hindi nya namalayan ang isang luhang pumatak sa kanyang mga mata.

Hindi nya alam kung bakit sya umiiyak pero patuloy lamang na pumapatak ang mga luha sa kanyang pisngi at agad naman nyang niyakap ang kanyang tuhod habang nakatago ang kanyang mukha sa braso nito.

Bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto nya at iniluwa duon ang dalagang si lexy na agad lumapit sa kanya.

'Ayah halikana kakain na tayo gumawa pa ako ng mango shake para sayo'
Umupo sya sa kama ng dalaga at sinubukang tignan ang mukha nito dahil nakayuko ito.

'Huy ano ba nangyayari sayo? May masakit ba sayo?'
Nagaalala nitong tanong habang tinatali ang buhok ng kanyang kaibigan.

Napatingin naman agad si ayah sa kanya at mas lalo pa itong nagaalala nang makita nya na basang basa ang pisngi nito dahil sa mga luhang umaagos sa mga mata nito.

'Ano bang nangyayari sayo ayah? Ba't umiiyak ka, wag mo nga akong pakabahin ng ganito'
Inis nitong sabi at pinunasan ang pisngi ng dalaga. Nakatingin lang naman sa kanya si ayah habang walang emosyon ang mga mata nito.

'Sabihin mo ang totoo'
Matigas nitong sabi at napatigil naman si lexy sa kanyang ginagawa.

'Ang alin?'
Takang tanong nito.

'Ang lahat lahat ng nalalaman mo, simula una hanggang huli at walang labis at walang kulang'

Para namang nabuhusan ng malamig na tubig ang dalaga dahil sa sinabi nito at nakaramdam sya ng kaba dahil napakaseryoso ng dalaga at ngayon nya lang ito nakitang ganito.

'A-ayah'

'Simulan mo makikinig ako'
Seryoso nitong sabi at sumandal sa headboard ng kama. Wala namang nagawa ang dalaga at napabuntong hininga na lamang ito bago inayos ang kanyang sarili.

'Hindi ko naman talaga ginustong itago sayo, ayaw lang naming gulohin ang utak mo at dagdagan pa ang problema mo'

'Namin? So kayong lahat may tinatago sa akin?'

'Hayst ayah naman wag kang magalit sa amin, sasabihin din naman namin sayo ang lahat kapag okay kana pero wrong timing talaga  at ngayon mo pa na alaman. Ito na sisimulan ko sa araw na umalis kayo ni bullet. Nung umalis kayo gumawa naman ng kasamaan si Mr. Eric pinalabas nya sa media ang tungkol sa totoong kulay ni saint at simula nun nawalan na ng trabaho si saint at bumaho na ang pangalan nito sa mundo ng pagmomodelo dahil sa matandang yun. Kinuha nya din ang lahat sa binata at nakitira ito kay drace pero hindi nagtagal nalaman din yun ni Mr. Eric at sinabi nito sa magulang ni drace so yun kinuha din sa kanya ang lahat kaya wala ng natira dito napagdisesyonan na lamang nilang magtrabaho na lang'

Mahabang kwento nito at napakunot noo naman si ayah dahil hindi nya maiintindihan kung bakit yun nagawa ni Mr. Eric dahil ang pagkakilala nya dito ay mabait itong tao.

'Bakit nya ginagawa yun sa sarili nyang anak at nandamay pa ito ng ibang tao'

'May pagka demonyo din yang manugang mo gurl sorry sa term ha pero yun talaga sya e'

'Bakit nya gagawin yun e anak nya si saint at alam kong mahal nito ang kanyang mga anak, ramdam ko yun'

'Nako gurl mali ang pagkakilala mo sa kanya at buti pa alamin mo na lang ang puno't dulo ng kasamaan ni Mr. Eric at bakit nya ginagawa ito sa kanila'

'Hindi ko maintindihan'
Nagugulohan na nitong sabi.

'Magulo talaga ang sitwasyon nilang magama pero wala ako sa posisyon upang sabihin sayo ang bagay na yun pero ito lang ang sasabihin ko sayo ayah kailangan nyong magusap ni saint'

Seryosong sabi ni lexy habang nakatitig sa mga mata ni ayah. Napatango na lamang ang dalaga at bumuntong hininga.

'Tungkol sa kasal plano nanaman yun ni Mr. Eric hindi namin alam kung ano ba talaga ang totoo nitong pinaplano pero sabi sa akin ni dad kailangan naming masalba ang kompanyang pinaghirapan nila at ito ang paraan na naisip nila. Ayah maniwala ka hindi namin ito ginusto at hindi ko gustong makasal marami pa akong plano at pangarap ayaw kong matali ng maaga sa kahit na sino kaya ginagawa lahat ni bullet upang pigilan ang papa nya kaya wala sya dito'

Para namang nabuhayan ng luob ang dalagang si ayah dahil sa narinig nito.

'Talaga?'
Mangiyak ngiyak nitong tanong at agad namang hinawak ni lexy ang kamay ng kanyang kaibigan.

'Oo naman alam ko kasing may mga tao akong masasaktan tulad mo ngayon nasasaktan ka dahil maha-'

'Hindi no!! Naiiyak lang ako dahil sa sitwasyon ni saint at drace'
Pagd-deny nito at agad na pinahid ang kanyang mga luha na nagbabadyang kumawala sa kanyang mga mata.

'Sus kunwari pa tsk umamin kana kasi'
Pagpipilit pa ni lexy at may nakakalokong ngiti ang sumilay sa kanyang labi.

'Tigilan mo nga ako lexy. Umiinit nanaman ang ulo ko sayo'
Asar nitong sabi at agad na tumayo.

'Ang ulo mo ba talaga ang umiinit o pisngi mo dahil sa kilig?'
Pangaasar pa nito na mas lalong nagpainit sa ulo ng dalaga at aakma sya nitong hahampasin kaya agad na itong tumakbo palabas ng kwarto.





********

MY BOYFRIEND'S LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon