Dalawang araw nang nakakulong si ayah sa kanyang kwarto at kahit anong pilit sa kanya ni roxy, nana at lexy ay hindi ito nakikinig kahit ang binatang si bullet ay hindi kayang palabasin ang dalaga sa kwarto nito kaya hinayaan na lang nila at lagi naman nilang tinitignan ang dalaga dahil baka ano nanaman ang gagawin nito sa kanyang sarili.
Lagi namang dumadalaw si lexy, bullet at kier sa dalaga upang subukang kausapin ito pero tulad ng inaasahan tahimik lang ang dalaga at walang emosyong naka tingin sa labas ng bintana.
Hindi din muna nila pinapapunta si drace at saint dahil baka mas lalo pang lumala ang sitwasyon, hahayaan muna nila na mapagisa ang dalaga dahil sarili lang din nito ang makakatulong sa kanya.
Walang tamang salita ang makakapagpahayag kung gaano ka sakit ang nararamdaman ni ayah, kahit saktan nya ang kanyang sarili at umiyak ng dugo ay walang magbabago, mananatili pa din ang sakit sa kanyang dibdib at hindi nya alam kung hanggang kailan sya masasaktan.
Pagod na sya sa kakaiyak na halos wala ng lumabas na luha sa kanyang mga mata dahil naubos na sa dalawang araw na panay iyak ang kanyang ginawa.
'ito pala... Ito pala ang pakiramdam kapag nagmahal ka, ganito pala ka sakit ang pakiramdam ng lokohin. Sana pala hindi na lang ako nagmahal... Sana nung una pinigilan ko na edi sana masaya pa ako ngayon... Diba ayah ang tanga tanga mo kasi. Minahal mo pa yung taong dapat ay kaibigan lang'
Mapait na lamang syang napangiti habang naka upo sa kanyang kama at nakatitig sa labas ng kanyang glass window.
'Napaka hina ko at napaka tanga tsk hindi dapat ako nakakulong dito. Hindi ko dapat ipakita na mahina ako pero paano? Paano maging matapang? Hindi ko alam ang gagawin ko kahit ang utak at puso ko ay hindi magkasundo, gusto kong makatakas sa sitwasyon ito gusto kong matapos na ang sakit na ito pero sa tuwing pumipikit ako tanging nakangiting mukha ni saint ang makikita ko, ang kanyang mapupula at maninipis na mga labi, ang matangos nyang ilong, makapal nyang kilay at magagandang mga mata......'
'AHHHHH BAKIT BA INIISIP PARIN KITA!!!!'
Napasigaw na lamang si ayah dahil kahit gaano nya ka gustong kalimutan ang binata mas lalo lang pinapaalala sa kanya ang mukha ng binata.
Hindi nanaman nya napigilan ang mga luhang pumatak sa kanyang mga mata at nagsimula nanamang gumuhit ang sakit sa kanyang dibdib. Gusto nyang lumaklak ng anesthesia upang mawala ang sakit na nararamdaman nya.
Nasa sala sina nana, roxy, at bullet nang marinig nila ang sigaw ng dalagang si ayah, natataranta silang tatlo at dali daling tumakbo papunta sa kwarto ng binata.
"Mas makakabuti kung ikaw muna ang kumausap sa kanya"
Sabi ni roxy at tumigil sila sa harap nang pintuan ng kwarto ni ayah.
Tango lamang ang sinagot ni bullet at agad na binuksan ang pintuan, tulad ng inaasahan nadatnana nanaman nya itong nakaupo sa kanyang kama pero ngayon ay nakayakap ito sa kanyang mga tuhod at mahinang humihikbi.
Umupo naman ang ang binata sa tabi ng dalaga at napasandal sa headboard nito habang nakatingin kay ayah.
"Alam ko kung gaano ka nasasaktan ngayon pero hindi yan matatapos kung hindi mo haharapin silang dalawa"
Mahinahong sabi ni bullet pero wala paring tugon sa kanya ang dalaga at tanging hikbi lang ang naririnig nya mula rito.
"Aaminin ko alam ko ang lahat simula nung una pa lang"
Dahil sa sinabi ni bullet agad na inangat ni ayah ang kanyang mukha at bakas ang galit dito kahit basang basa ang mukha nya at isang kisap mata ay nakatanggap sya ng malakas na sampal mula sa dalaga.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND'S LOVER
Romance[TAGALOG STORY] I have a boyfriend and we've been for 2year's. sabi nga nila perfect boyfriend sya dahil nasa kanya na ang lahat, wealth, beauty, charm, sweet and caring perfect package eka nga nila. Mahal ko sya, subra. pero.... may tinatago sya sa...