1 year later...
Sa loob ng isang taon marami na ang nangyari at nagbago, tulad ni lexy at rezo na subrang magkasundo na pero minsan may pagkakataon paring nagbabangayan silang dalawa pero kung may isang bagay na makakapag ayos sa kanila ay yun yung pag t-travel. Lagi na silang magkasamang mag travel dahil yun talaga ang gusto nila.
Si roxy naman at kier ay sinisimulan ng magpatayo ng sarili nilang bahay dahil sa isang taon ikakasal na silang dalawa, plano nilang magtayo muna ng bahay bago magpakasal upang makapagsimula sila bilang magasawa sa bahay na pinaghirapan nilang dalawa.
Habang si saint at drace naman going strong parin, nakapagpatayo na silang dalawa ng modeling agency at after 9 months isa na sa pinaka successful. Nakapagpatayo na din sila ng dalawang building na may anim na palapag pero hindi parin kinakalimutan ni saint ang companyang iniwan sa kanya ng ama nya.
And lastly si bullet and ayah pagkatapos ng nangyare wala paring nagbago sa kanila maliban sa laging pagseselos ni bullet sa kanyang kapatid dahil minsan ay laging magkasama si ayah at saint dahil sa anak nilang kaka 1year old pa lamang pero alam nya kung gaano sya kamahal ng kanyang nobya. Next year na nilang planong magpakasal dahil marami pang inaasikaso si bullet at hindi nya pwedeng isawalang bahala ang problema nya sa company at naiintindihan naman yun ni ayah.
******
1st anniversary nila ayah at bullet ngayon kaya dali daling umalis si drace sa building pagkatapos nyang taposin ang kanyang kailangang gagawin.
Pupunta sya sa mall upang bumili ng regalo sa dalawa, may kunting handaan din kaya duon na lamang sya mag d-dinner. Hindi nya kasama si saint dahil nauna na itong pumunta kina ayah dahil kasama nya ang anak nitoa t hindi pwedeng mahamogan ang bata kaya sya na lamang magisa ang pupunta.
Ilang oras lang ang lumipas ay nakarating na sya parking lot ng mall at agad nyang pinarada ang kanyang sasakyan bago lumabas at agad na nagtungo sa loob.
Habang naglalakad sya may nahagip ang kanyang mga mata, isang lalaking naka all black habang naka sumbrero, nakatalikod ito mula sa kanya pero alam nyang kilala nya ang lalaking yun dahil sa porma ng katawan nito pero hindi nya alam kung sino sa mga kakilala nya.
Kaya mas lalo syang lumapit dito habang lumalakas ang tibok ng kanyang dibdib na hindi nya malaman kung bakit at para bang bumagal ang oras habang papalapit sya dito.
Napahinto si drace nang unti unting humaharap ang lalaking kanina nya pa tinitignan at sa pagkakataong yun parang huminto ang lahat para sa kanilang dalawa.
Napatingin din ang lalaki kay drace habang nakatitigan ang kanilang mga mata, walang gumalaw sa kanila dalawa. Halos tatlong dipa lamang ang pagitan nilang dalawa sa isa't isa hanggang sa lumapit ang lalaki kay drace na hindi parin makapaniwala sa kanyang nakikita.
'Drace'
Sabi nito at gumuhit ang magandang ngiti sa mapupula at maninipis nitong labi at duon na nabalik sa reyalidad si drace.
Hindi makapag salita si drace dahil pakiramdam nya lahat ng naramdaman nya nung unang beses nyang nakita ang lalaki ay bumabalik sa kanya ang lahat lahat pero ang hindi nya maiintindi kung bakit bumalik pa ito makalipas ang mahigit sampong taon.
Hindi na kaya ni drace ang tumayo na lamang at makipagtitigan dito kaya agad na syang umalis at hindi pinapansin ang pagtawag ng binata sa kanya at nagpatuloy lamang sya sa paglalakad hanggang sa makarating sya sa parking area at agad na binuksan ang sasakyan bago pumasok at pinaandar ng napaka bilis ang kanyang sasakyan.
'Bakit kapa bumalik...'
******
Nakatayo lamang si ayah sa bukana ng pintuan habang pinagmamasdan ang kanyang nobyo na si bullet habang pinapatulog ang anak nya, hindi nya maiwasang kiligin at makaramdam ng saya dahil kahit hindi nya ito tunay na anak tumatayo parin ito bilang ama ni baby dandalion, kahit busy ito sa trabaho hindi parin nawalan ng oras si bullet kay ayah at sa bata, subrang na appreciate ni ayah ang effort ng kanyang fiancé at wala na syang hihilinging iba kundi ang makasama nya ang binata habang buhay.
'Mukhang inaalis na ako ni kuya sa pagiging ama ah'
Pagbibirong sabat ni saint at tumabi sa dalaga hindi naman mataggal ni ayah ang ngiti sa kanyang labi.'kayong dalawa ang ama ni baby'
Sagot naman ni ayah.'I'm happy for the too of you ayah sana mas lalo pa kayong tumagal at alam kong magiging mabuti kayong magulang sa anak natin'
'Of course at sana kayo din ni drace matagal na kayo kesa sa amin at sana hindi ka gagawa o sino man sa inyong dalawa ng makakasira sa relasyon nyo'
'Yeah, bababa na ako sumunod na lang kayong dalawa'
Paalam ng binata at tanging tango lang naman ang sinagot ng dalaga.Lumapit na si ayah kay bullet na nasa kama habang pinapatulog ang anak nila, nang makalapit sya napangiti na lamang si ayah nang makita nyang nakatulog na ang dalawa habang may hawak pang teddy bear si bullet.
Kinumutan ni ayah ang kanyang anak at hinalikan ang noo nito bago nilagyan ng mga unan ang magkabilang gilid ng bata bago lumapit sa kabilang side ng kama upang kumutan ang kanyang fiancé na mahimbing na natutulog.
Sinuklay nya ang buhok ng binata at mukhang naramdaman yun ni bullet dahil gumalaw ito.
'Hmmmmmm'
Bumuntong hininga lamang si bullet at agad na niyakap ang dalaga habang binaon nito ang mukha nya sa dibdib ni ayah, umayos na lamang si ayah sa pagkakasandal sa headboard at pinagpatuloy ang pagsuklay sa buhok ng binata.Masaya na si ayah sa buhay nya at sapat na sa kanya ang mga taong nasa paligid nya at kung may mangyari man sana wala ng mawala isa sa mga taong mahal nya dahil hindi yun madali.
Pero kahit anong pagsubok at hirap ang dadating sa kanila ni bullet alam nyang makakaya nila dahil mas malaki na ang responsibeledad nila sa isa't isa.
'I love you'
Bulong ni ayah sa binata kahit alam nyang tulog ito dahil mabigat na ang paghinga ng binata, hinalikan na lamang nya ang noo ni bullet.'Nasa tamang tao na ako sana kayo din' -ayah.
*END*
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND'S LOVER
Romance[TAGALOG STORY] I have a boyfriend and we've been for 2year's. sabi nga nila perfect boyfriend sya dahil nasa kanya na ang lahat, wealth, beauty, charm, sweet and caring perfect package eka nga nila. Mahal ko sya, subra. pero.... may tinatago sya sa...