"Anak segurado ka naba sa disesyon mo?"
Nagaalalang tanong ni nana dahil ngayon lang ulit ma walay sa kanyang tabi ang dalagang si ayah at hindi ito mapalagay kahit alam nyang makakabuti ito sa kanyang alaga.
"Oo nana"
Mapait na napangiti si ayah sa kanyang nana at agad na niyakap ito ng napakahigpit bago hinalikan sa kanyang noo.
"Gurl tumawag ka lang pag may kailangan ka okay?"
Napatango na lamang si ayah sa kaibigan nyang si lexy at agad na nagyakapan na agad din namang humiwalay sa isa't isa.
"Dadalawin kita minsan mag iingat ka lagi at wag kang magpapalipas ng gutom ha!"
Mataray na bilin ni roxy sa kanyang nakakabatang kapatid at agad nya itong niyakap ng napakahigpit dahil unang beses din nilang magkahiwalay sa isa't isa lalo na't malayo ang pupuntahan nila.
"Take care"
Agad na niyakap ni kier ang dalaga ganun din naman si ayah pero agad din namang naghiwalay at mahinang ginulo ang buhok ng dalaga.
"ikaw na muna bahala kay nana at ate, wag mo silang papabayaan kundi lulumpohin kita"
Asik ni ayah at mahinang hinampas si kier sa balikat, napatawa na lamang ang binata bago inakbayan ang kanyang nobya.
Limang araw na ang nakalipas simula ng mangyari iyon at hindi naging madali para kay ayah ang mga araw na nagdaan dahil nakaranas ito ng depression na mas lalong nagiging dilekado dahil may self-injury disorder ito kaya sinasamahan ni roxy at lexy ang dalaga tuwing natutulog.
Pumayat din ito at namamaga parin ang mga pero dahil sa pamilyang meron sya mas bumubuti ang kanyang kondisyon pero kailangan talaga nitong mag relax at lumayo muna sa mga taong maaaring magpaalala sa kanya sa mga nangyari.
May mansion na binili si bullet na walang nakakaalam kundi ang binata at ang dalagang si roxy lang kaya naisipan ni bullet na duon na muna manirahan si ayah, sasamahan naman sya ng binata upang may magbantay at magalaga dito.
"Let's go?"
Biglang sumulpot si bullet sa kanyang tabi dahil tapos na nitong ilagay sa sasakyan ang mga gamit ni ayah.
"Aalis na kami"
Mapait na napangiti si ayah habang nakatingin sa mga taong maiiwan nya at hindi nya alam kung ilang buwan syang mawawala pero kailangan nya itong gawin upang mas magiging madali sa kanya.
"Bullet eho? Ingatan mo ang anak ko ha? 'yong bilin ko sayo wag mong kakalimutan"
Pagpapaalala ni nana sa binata, nagtataka naman si ayah sa sinabi ng matanda.
"Opo nana, aalis na kami"
Sa huling pagkakataon sinulyapan naman ni ayah ang loob ng bahay bago naglakad palabas ng bahay. Tumayo muna sya sa harapan ng bahay at mapait na napangiti bago pumasok sa sasaktan.
Agad na pinaandar ni bullet ang sasakyan kaya napasandal na lamang si ayah sa upuan at walang emosyong napatingin sa harapan.
Nagaalala namang napatingin si bullet sa dalaga dahil alam nyang sariwa parin sa kanya ang mga nangyayari.
Tinabi muna ni bullet ang sasakyan at agad na hinubad ang suot nyang denim jacket bago tinakip sa katawan ni ayah dahil naka tshirt lang ito, tinignan naman 'yon ni ayah at walang emosyong sinuot.
Napangisi na lamang si bullet bago nagsimulang magmaneho.
Ilang oras pa ang lumipas at sa wakas ay nakarating na sila pero si ayah ay natutulog parin kaya agad na lumabas si bullet sa kanyang sasakyan at umikot papunta sa kabilang pintuan upang pagbuksan ang dalaga at nakita naman nyang mahimbing itong natutulog.
Mahina nyang tinanggal ang mga buhok na humaharang sa mukha ng dalaga at bahagyang napangiti.
'Sana matutunan mo akong mahalin'
Bulong ni bullet bago tinanggal ang seatbelt ng dalaga at dahan dahang binuhat si ayah, bahagya naman itong gumalaw at sinuksok ang muka sa leeg ng binata kaya agad nyang sinara ang pintuan.
Ngayon lang naging mahimbing ang tulog ng dalaga kaya dahan dahan syang pumasok sa loob ng mansyon dahil kung magising ang dalaga ay hindi na ito makakabalik pa sa pagtulog.
Agad na binuksan ni bullet ang isang kwarto at dahan dahang nilapag si ayah sa malambot na kama, bahagya pa itong gumalaw kaya agad nyang kinuha ang isang unan at tinabi sa dalaga bago ito kinumutan.
'Sleep well... Te qeuiero"
Bulong nya at agad na hinalikan sa noo ang dalaga, lumabas naman sya sa kwarto at nagtungo sa kaharap na kwarto bago hinubad ang kanyang pangitaas at biglang humiga sa kanyang kama.
Habang nakatitig sya sa kisame naalala nya ang kanyang kapatid dahil alam nyang mas nahihirapan ito ngayon dahil sa sitwasyon, wala syang pinapanigan dahil parehong may mali ang dalawa, ayaw nyang mamagitan dahil wala naman dapat kampihan sa kanila.
Hindi maintindihan ni bullet kung bakit hindi tanggap ng kanilang ama si saint. Wala namang problema kung bakla ka, tomboy or trans gender as long as totoo ka sa sarili mo.
Alam nya na simula bata pa lang sila kakaiba na ang kanyang kapatid pero dahil bisexual ang kanyang kapatid may naging nobya din ito at kahit kailan hindi nya nagawang husgahan ang kapatid dahil sa kanilang dalawa alam sya dapat ang umunawa sa kanyang nakakabatang kapatid.
Kinuha nya ang kanyang telepono at agad na dinial ang number ni saint. Binilhan nya ang kanyang kapatid ng telepono dahil kinuha ng kanilang ama ang lahat lahat dito.
Maka ilang ring lang ito ay agad na may sumagot sa kabilang linya.
"kuya? napatawag ka?"
"How are you?"
Agad na tanong ni bullet sa kabilang linya at narinig nya ang pagbuntong hininga ni saint.
"doing bad? Kamusta na sya?"
"She's fine kailangan nya lang magpahinga"
"Hindi ko alam na aabot sa ganito ang kamalian ko"
"Regrets always in the end, tapos na 'yon at least may natutunan ka"
"Yeah right"
"What's the plan? Alam kong papabagsakin ka ni dad, pwede ko syang kausapin"
"No kuya let him kung dyan sya sasaya, kakayanin ko"
"if you need anything just call me, i need to rest, take care"
Agad nyang pinatay ang tawag at pumikit, hindi nya alam kung kakayanin ng kanyang kapatid ang ipaparanas sa kanya ng kanilang papa.
Madalas walang pakialam si bullet pero sa tuwing may problema ang kanyang pamilya o kahit sinong nasa paligid nya lagi syang nadadamay dahil lagi itong tumutulong na para bang sya ang may problema.
*******

BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND'S LOVER
Lãng mạn[TAGALOG STORY] I have a boyfriend and we've been for 2year's. sabi nga nila perfect boyfriend sya dahil nasa kanya na ang lahat, wealth, beauty, charm, sweet and caring perfect package eka nga nila. Mahal ko sya, subra. pero.... may tinatago sya sa...