Madaling araw na nang magising si ayah at dahan dahan nyang inalis ang mga kamay ni lexy na nakapulupot sa kanyang baywang at agad na tumayo. Kinumutan nya muna ang kaibigan bago pumasok sa banyo dahil naduduwal nanaman ito. Ilang minuto lang ang nakalipas ay gumaan naman ang kanyang pakiramdam kaya agad nyang hinubad ang kanyang saplot sa katawan bago tumungo sa shower room upang maligo dahil kailangan nyang umalis ng maaga.
Dahil sa mga narinig nya mula kay lexy napagdisesyonan nyang umalis at umuwi sa bahay nya. Kailangan nya din kausapin ang binatang si saint dahil hindi nya pa alam ang lahat at subrang nagugulohan sya sa mga nangyayari. Pakiramdaman nya ay isa syang mangmang at walang alam sa mga nangyayari sa kanyang paligid at hindi nya gusto ang pakiramdam ng ganito.
Kahit malaki ang galit nya sa dalawang binata hindi nya parin maiiwasang magaalala sa mga ito dahil kahit anong mangyari may pinagsamahan paring sila at walang magbabago kaibigan nya parin ang mga ito kahit mahirap sa kanya na kaibigan na lamang sila ng dating nobyo nito na magiging ama din ng batang dinadala nya.
'Mahirap kaibiganin ang taong minsan mo ng minahal na magiging ama din ng batang dinadala mo'
Ilang oras pa ang lumipas ay natapos na si ayah sa pagligo at agad naman syang lumabas ng banyo. Dahan dahan syang naglakad patungo sa kanyang closet dahil baka ay magising ang kanyang kaibigan. Agad nyang kinuha ang black v neck shirt, fitted jeans, vans shoes at ang puting jacket ni bullet na kinuha nya kanina sa kwarto ng binata at agad na syang nagbihis.
Pagkatapos ay inayos nya muna ang kanyang sarili bago kinuha ang kanyang sling bag at nilagay duon ang kanyang wallet, phone at ultrasound picture. Napatitig muna sya dito at gumuhit ulit sa kanyang labi ang isang ngiti. Ang ngiti ng isang masayang babae na magkakaruon ng isang blessing. Bumuntong hininga muna sya at nilagay na sa kanyang bag bago lumapit sa dalagang mahimbing na natutulog sa kanyang kama.
Kinuha nya ang sticky note sa side table at agad sinulatan yun bago dinikit sa lamp shade. Hinalikan nya muna ang noo ng kaibigan nito bago naglakad palabas ng kanyang kwarto.
Napabuntong hininga na lamang si ayah nang makalabas sya sa gate ng mansyon at napayakap sa kanyang sarili ng dumaan ang malamig na hangin. 4:40 pa ng madaling araw kaya medyo makulimlim pa at hindi nya alam kung may mga taxi pa sa mga oras na ito. Hindi nya pwedeng gamitin ang sasakyan ng kanyang kaibigan kaya mag c-commute na lamang sya.
Nagsimula na syang maglakad palabas sa subdivision. May street light naman kaya napanatag ang luob ng dalaga hanggang sa makalabas sya at naghintay na ng taxi.
'Goodmorning maam'
Bati sa kanya ng isang guard.'Goodmorning din'
Bati nito pabalik bago sya umupo sa isang sementong upuan upang maghintay ng taxi.Ilang minuto lang ang paghihintay ay agad na may isang taxi na huminyo sa kanyang harapan kaya agad syang pumasok duon at sinabi kung saan sya pupunta. Pinaandar naman agad ng driver ang sasakyan at napasandal na lamang si ayah sa bintana habang nakatingin sa labas.
.....
Habang prenteng nakaupo si Mr. Eric sa kanyang swivel chair bigla namang bumukas ang pintuan ng kanyang opisina kaya napatingin sya duon at nakita nya ang kanyang panganay na anak na walang emosyon ang mga mata pero alam nyang galit ito kaya agad syang napatayo at sinalubong ang kanyang anak.
'My son what's bring you here?'
Nakangiti nitong bungad at aakmang yayakapin ang anak pero agad itong lumayo mula sa kanya. Kaya napangisi na lamang ito.'E tigil mo na ang kahibangang pinaplano mo'
Mahinahon pero may diin nitong sabi at matalim na nakatingin sa kanyang ama.'Ito nanaman tayo'
Nakangising sabi nito at agad na bumalik sa kanyang kinauupuan kanina at nilaro laro ang lapis sa kanyang kamay.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND'S LOVER
Romance[TAGALOG STORY] I have a boyfriend and we've been for 2year's. sabi nga nila perfect boyfriend sya dahil nasa kanya na ang lahat, wealth, beauty, charm, sweet and caring perfect package eka nga nila. Mahal ko sya, subra. pero.... may tinatago sya sa...