'Wala akong nakikitang sakit sa kanya pero mabilis ang heart rate nya at kung maaari dalhin mo sya sa ob-'
Biglang napatigin ang doctor sa kanyang sasabihin dahil biglang tumunog ang kanyang telepono.
'Excuse me'
Lumabas muna ang doctor upang sagotin ang tawag. Umupo naman si bullet sa tabi ng kama ni ayah at tinignan ang dalaga na mahimbing na natutulong. Inayos nito ang iilang hibla ng buhok ni ayah na nakaharang sa mukha nito at inipit 'yun sa tenga ng dalaga.
'Ano ba kasing nangyayare sayong babae ka'
Bulong ni bullet at marahang hinaplos ang malambot na pisngi ng dalaga at tinitigan ang mukha nito na parang inaalam ang bawat ditalye ng mukha nito.
Bigla namang bumukas ang pintuan kaya napaupo ito ng maayos at hinarap ang doctor.
'Kailangan ko na pong umalis sir pasensya na may kailangan pa po akong operahan na pasyente'
'Okay salamat, magiingat kayo'
Yumuko lamang ang doctor bago umalis kaya napatingin ulit ang binata sa natutulog na dalaga.
Ilang sandali lang ay biglang tumunog ang kanyang telepono, alas singko na ng umaga at wala syang inaasahang tatawag ng ganitong oras kaya agad nyang kinuha ang kanyang telepono at sinagot ito.
'Hello? Bullet?'
Bungad ni lexy sa kabilang linya. Hindi sya sumagot at hinihintay lang ang sasabihin ng dalaga.
'Andyan ba si ayah? Kung kasama mo sya pwedeng lumayo ka muna?'
Napakunot noo naman si bullet at tinignan si ayah.
'Natutulog sya ano bang sasabihin mo?'
'Okay hyst hindi ko alam kung pano ko sisimulan basta kailangan mong bumalik dito kung pwede ngayon na please'
Tuloy tuloy nitong sabi.
'Why?'
Tanong nito at may narinig syang kaluskos sa kabilang linya.
'Basta dito ko na sasabihin, andito ako sa coffe shop malapit sa flower shop nila ayah pumunta kana agad, ayaw ko pang ikasal BILIS!!'
Sigaw nito at bahagyang nilayo ni bullet ang telepono sa kanyang tenga dahil sa pagsigaw ng dalaga at agad nyang pinatay ang tawag.
Hindi alam ni bullet kung ano ang ibig sabihin ng dalaga pero may namumuong idea sa kanyang utak kaya agad syang tumayo at kumuha ng sticky note sa drawer ng dalaga at ballpen. Bago sinulatan ito at idinikit nya sa lamp shade na nasa tabing kama ng dalaga.
Umupo muna sya upang magkapantay ang kanilang mukha ng dalaga at marahan nanaman nyang hinimas ang pisngi nito.
'Babalik ako agad'
Bulong nito at hinalikan ang noo ng dalaga bago tumayo at lumabas ng kwarto upang magbihis at makaalis agad dahil isa't kalahating oras ang byahe mula sa kinaruruonan nila papunta sa manila.
...
Makalipas ang isa't kalahating oras agad na nakarating si bullet sa coffe shop na tenext ng dalagang si lexybsa kanya at agad naman syang pumasok bago hinanap ng kanyang mga mata ang dalaga.
'Dito!'
Sigaw ni lexy kaya agad na dumako ang tingin ni bulletbsa kanya at dali daling pinuntahan ang dalaga bago umupo.
'Seguradohin mong importante yan'
Banta nito sa dalaga at imbes matakot ay isang mapang asar na ngiti ang kanyang sinukli sa binata.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND'S LOVER
Romance[TAGALOG STORY] I have a boyfriend and we've been for 2year's. sabi nga nila perfect boyfriend sya dahil nasa kanya na ang lahat, wealth, beauty, charm, sweet and caring perfect package eka nga nila. Mahal ko sya, subra. pero.... may tinatago sya sa...