Madaling araw na nang magising si ayah at agad nyang kinuha ang kanyang telepono upang tawagan si lexy dahil hindi nya nasagot ang tawag nito kanina. Hindi sya segurado kung gising pa ang kaibigan nya pero nagbabakasakali lang ito.
Maka ilang tawag na sya pero wala paring sumasagot kaya ni lapag na lang nya sa kanyang telepono sa side table nito bago tumayo at lumabas sa terrace ng kwarto nya.
Bumungad sa kanya ang malamig at preskong hangin kaya bahagya syang napayakap sa kanyang sarili bago umupo sa isang upuan at napatingin sa pulang puno na mas lalong gumanda dahil sa ilaw na nakatapat dito.
Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi dahil na alala nanaman nito ang lalaking una nyang minahal ang lalaking nangako na sya lang ang mamahalin nito at ang lalaking ibinigay nya ang lahat lahat pero isang iglap lang nawala na ang lahat.
'pagkinasal tayo gusto ko iyong simply lang kahit sa harden lang ayos na sa akin'
Nakangiting sabi ni ayah at bigla nyang naramdaman ang isang mainit na mga palad na pumalibot sa kanyang bewang mula sa kanyang likod at bahagyang napangiti.
'Ayaw mo ba ng magarbo? Once in a life time ka lang ikakasal kaya dapat magarbo'
Sagot naman ng binatang si saint at niyakap ng napakahigpit ang nobyo bago siniksik ang mukha sa leeg ng dalaga.
'Napaka hasle nun ang importante nandun ang pamilya natin'
Napatango na lamang ang binata at binigyan ng halik ang leeg ni ayah bago humiwalay dito at pumunta sa harapan ng dalaga.
'Ito ang tatandaan mo love ikaw lang ang babaeng papakasalan ko at babaeng mamahalin ko hanggang dulo'
Isang matamis na ngiti ang binigay ni saint sa dalaga habang hawak ang malalambot nitong mga kamay.
Hindi naman mapigilang kiligin ang dalaga at isang totoong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.
'Ikaw at ikaw lang din ang lalaking gusto kong makasama hanggang tumanda'
'I love you soon to be Mrs. Bramer'
'I love you to Mr'
Agad na hinalikan ni saint ang dalaga, isang halik na nakakapagsabi kung gaano nila ka mahal ang isa't isa, ang halik na pumupuno sa mga kulang nila sa mga araw na hindi sila magkasama.
Hindi namalayan ni ayah ang mga luhang kumawala sa kanyang mga mata dahil sa alaalang bumabalik sa kanya, ang mga alaalang masaya pa silang dalawa.
Isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi at agad na pinunasan ang basa nyang pisnge at napatingin na lamang sa maliwanag na kalangitan.
Gusto nyang kalimotan ang mga nangyari at isiping maayos din ang lahat pero hindi e... Hindi nya magagawa dahil sa tuwing sinusubokan nyang hindi isipin ang binatang si saint at ang ginawa nito ay dun lumalabas sa kanyang alaala ang mga masasaya nilang alala ni saint. Tulad ngayon.
'Napaka hina mo talaga... Lagi ka na lang ba iiyak ha ayah? Walang magagawa ang mga luhang 'yan. Ang mabuti pa pilitin mong kalimotan sya'
Pagkukumbinsi nito sa sarili at sa huling pagkakataon pinunasan nya ang luhang kumawala nanaman sa kanyang mga mata at bumuntong hininga.
Tumayo na sya at agad na lumabas ng kwarto upang pumunta sa kusina. Napag disesyonan nyang magtimpla ng kape dahil hindi na sya makakabalik pa sa pagtulog at mamaya ay magluluto na sya ng pagkain para sa kanilang dalawa ni bullet.
Seryosong nakatingin lamang si roxy sa hawak nitong litrato habang nakaupo sa kanyang swivel chair.
Ilang oras pa ay agad na bumukas ang pintuan ng kanyang office at bumungad duon ang kanyang kasintahan na may matamis na ngiti sa kanyang labi habang nakatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND'S LOVER
Любовные романы[TAGALOG STORY] I have a boyfriend and we've been for 2year's. sabi nga nila perfect boyfriend sya dahil nasa kanya na ang lahat, wealth, beauty, charm, sweet and caring perfect package eka nga nila. Mahal ko sya, subra. pero.... may tinatago sya sa...