CHAPTER 10

1.1K 19 0
                                    


Huling araw na ni saint at ayah sa isla, gusto man nilang manatili pa ng ilang araw ay hindi pwede dahil may mga trabaho pa ang dalawa na naghihintay sa kanila.

Kasalukuyang hinahalungkat ni ayah ang malaking walking closet sa kanilang kwarto at may nakita sya duon na dalawang makakapal na kumot at limang kurtina na hindi na ginagamit kaya kinuha nya yun at nilapag sa kama, sakto naman lumabas ang binatang si saint sa banyo habang nakatapis lang 'to nang tuwalya at kitang kita ang napaka perpekto nitong katawan.

"anong gagawin mo dyan?"

Tanong nito habang kumukuha nang isusuot nito, simpleng black tshirt at white jogging pants lang ang kinuha nito bago lumapit sa dalaga.

"ibibigay ko sana kina lola maria, hindi naman 'to ginagamit at papalitan ko na lang promise"

Bigla naman syang hinalikan ni saint sa kanyang pisnge bago 'to nginitian.

"it's okay, sasamahan na kita papunta dun, wait me here"

Tango lang ang sinagot ni ayah at agad na pumasok ang binata sa banyo, kinuha naman agad ni ayah ang kanyang wallet at dinukot duon ang tatlong libo bago ito ibinulsa.

Napaka gaan ng kanyang loob para sa dalawang matanda at nitong nakaraang tatlong araw ay lagi silang pumupunta duon para bisitahin ang mga 'to, lagi din naman silang pinapasyal ni manong ekoy at mas nagingmasaya ang kanilang pananatili sa islang pagmamayari nila saint.

"let's go?"
Napatingin naman ang dalaga sa kanyang kasintahan na kakalabas lang sa banyo at agad na naglakad sa kanyang pwesto, nilagay naman ni ayah ang kanilang ibibigay sa malaking paper bag bago lumabas sa kwarto.

Maglalakad lang sila papunta sa bahay ng magasawang matanda at aabotin sila ng trenta minutos upang makarating duon pero ayos lang sa kanila dahil ehersesyo na din nilang dalawa, maaga pa at napakalamig pa kaya hindi na nagjacket si ayah at nagsuot na lang 'to nang sando at black jeans.

Habang tahimik nilang nilalakbay ang mahabang daan ay panay ang pagtingin ni saint sa kanyang telepono dahil magiisang araw nang hindi sya nakakatanggap ng text message o'di kaya ay tawag galing sa binatang si drace kaya subrang inis ang kanyang nararamdaman dito pero hindi nya pinapahalata sa dalaga dahil ayaw nitong maghinala.

"Gusto ko pagkinasal tayo ay dito tayo mag h-honeymoon"

Nakangiting sabi ni ayah habang nakakawit ang kanyang kamay sa braso ni saint, hindi naman mapigilang mapangiti ang binata dito.

"Of course"
Sagot na lang nito kahit labas sa kanyang tenga ang sinabi ng dalaga dahil hindi nya talaga maisip na aabot sila sa ganung sitwasyon, oo may nararamdaman sya sa dalaga at mas lalong umusbong 'to dahil magkasama sila sa loob ng apat na araw pero talagang ang binatang si drace lang talaga ang gusto nyang makasama sa panghabang buhay.

Hindi nagtagal ay nakarating na din sila at nakita nila ang magasawa na nakahiga sa kanilang ginawang duyan sa ilalim ng punong mangga at napangiti naman ang dalaga.

"lola, lolo!"

Tawag ni ayah at biglang naagaw nila ang atensyon nang dalawang matanda at kita sa kanilang mukha na masaya ang mga 'to.

Agad na hinila ni ayah ang kamay nang binatang si saint papunta sa kinaruruonan ng dalawang matanda.

"akala namin ay umalis na kayo"
Bungad ni maria sa magkasintahan nang makarating na ang mga 'to sa tinatambayan ng dalawa.

"Paalis na din po kami lola nandito kami para ibigay 'to sa inyo"

Agad na inabot ni saint ang malaking paper bag at bigla namang lumiwanag ang mukha ni maria dahil sa laman ng paper bag na 'yo.

MY BOYFRIEND'S LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon