Nakabantay lamang ang dalagang si roxy sa kanyang nakakabatang kapatid habang mahimbing na natutulog sa kanyang hospital bed. Wala si nana dahil maraming aasikasohin sa bahay nila kaya't si roxy na lamang ang nagbantay kay ayah.
Napatingin si roxy sa pintuang kakabukas lang at iniluwa duon si lexy na walang emosyon ang mga mata habang nakatitig kay ayah na naka higa .
"Ate roxy anong nangyari sa kanya?"
Agad na tanong nya at nakipag beso kay roxy bago umupo sa isang upuan. Napatingin sya sa mga kamay ni ayah na ngayo'y may benda.
"Sinaktan nya ang kanyang sarili, 'yon ang ginagawa nya sa tuwing nasasaktan sya. Last time na nakita ko syang ganito ay nung namatay si mama't papa, akala ko hindi na ulit mangyayari ang ganito"
Mapait na napangiti si roxy habang nakatitig lang sa mukha ng kanyang kapatid. Naalala nanaman nya ang sinapit ni ayah nung nawala ang kanilang mga magulang at simula nun nangako sya na hindi na ulit masasaktan ang kanyang kapatid pero mukhang hindi nya nagawa dahil hindi nya namamalayang mangyayari ulit 'to.
"Kasalanan ko 'to kung sana ay sinabi ko sa kanya ng maaga"
Puno ng pagsisisi ang boses ni lexy kaya't napayuko na lamang sya. Para namang na pintig ang tenga ni roxy sa sinabi ng dalaga kaya napatingin 'to sa kanya.
"What do you mean?"
Napaangat naman agad ang tingin ni lexy at mapait na napangiti habang nakatingin sa mga mata no roxy na ngayon ay walang emosyon.
"Tatlong linggo na ang lumipas simula nung malaman ko ang totoo na si saint at drace ay may relasyon, ayokong manghimasok at naniniwala parin ako sa kanila na naghihintay lang sila ng tamang oras pero hindi ko alam na tataggal pala 'yon at kahapon ay nakipag kita ako kay ayah para sabihin sa kanya ang totoo pero napaka mapaglaro ng tadhana dahil 'to na ang gumawa ng paraan para malaman ni ayah"
Gumuhit naman ang galit sa puso ni roxy dahil sa kanyang narinig. Malaki ang tiwala nya sa binata at talagang gusto nya 'to para sa kanyang kapatid dahil nakikita nya sa mukha ni ayah na masaya 'to sa piling ni saint pero ang saktan nito si ayah ay ibang usapan na dahil hindi nya papalagpasin ang ginawa nito.
Kahit sinong panganay ay magagalit sa tuwing nakikitang nasasaktan ang kanilang kapatid.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"
Nakakunot ang noo ni roxy habang nakatingin kay lexy na hindi makatingin sa kanya.
"Dahil ayokong makialam at alam kong ayaw mo ding makialam kaya tinago ko muna"
Tama ang sinabi nito kaya hindi na lang sumagot si roxy at agad na nagtimpla ng juice para sa kanya at sa dalagang si lexy.
Habang naka titig lang si roxy sa mukha ni ayah bigla naman nabaling ang kanilang atensyon sa pintuang kakabukas lang at biglang iniluwa doon si saint, ang lalaking may gawa kung bakit nasa hospital si ayah at ang galit na naramdaman ni roxy kanina ay mas lalo lang sumidhi. Walang pag alinlangang ni lakad ni roxy ang pagitan nila ng binata na ngayon ay tuluyan ng nakapasok sa loob at walang emosyong nakatingin lamang sa kanila.
*PAAAAAK!!!!*
Isang malakas na sampal ang bumati kay saint na bumalot din sa apat na sulok ng kwarto. Naramdaman ni saint ang pagputok ng labi nya at seguradong magkakapasa ang kanyang pisnge kinabukasan pero wala syang karapatang umangal o magalit dahil deserve nya 'yon at inaasahan na nya na mangyayari 'to.
"Ano masaya kana?! Masaya na kayo na nasaktan nyo ang kapatid ko ha?!! Alam mo saint! Alam mo kung gaano ka pinagkakatiwalaan ng kapatid ko at lalo na kaming nasa paligid nyo at ako naman itong si tanga naniniwala na agad sayo na hindi mo sya sasaktan!!!"
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND'S LOVER
Romance[TAGALOG STORY] I have a boyfriend and we've been for 2year's. sabi nga nila perfect boyfriend sya dahil nasa kanya na ang lahat, wealth, beauty, charm, sweet and caring perfect package eka nga nila. Mahal ko sya, subra. pero.... may tinatago sya sa...