CHAPTER 34

812 15 0
                                    


Gabi na at hanggang ngayon hindi parin umuuwi si bullet kaya nagaalala na si ayah pero hindi talaga sya makatayo para tawagan ang binata dahil subrang sama ng pakiramdam nya at pakiramdam nya sa tuwing tatayo umiikot ang kanyang paligid.

Naaalala nanaman nya si bullet at gusto nya itong makita, hindi nya alam kung bakit pero bigla na lamang syang umiyak habang nakahiga sa kanyang kama.

'B-bullet'

Umiiyak nitong sabi habang nakayakap sa kanyang unan.

Ilang minuto pa ang lumipas at patuloy paring umiiyak hanggang sa tumunog ang kanyang telepono at kahit masama ang pakiramdam nya ay pinilit nyang tumayo. Dahan dahan syang naglakad hanggang sa makuha nito ang kanyang telepono at agad nya itong sinagot.

'H-hellow?'

Bungad nya habang umiiyak parin dahil hindi talaga tumitigil ang kanyang mga luha sa pagpatak.

'sh*t umiiyak ka ba? Anong nangyare sayo?!'

Rinig nya ang sa kabilang linya ang boses ng binatang gustong gusto nyang makita at mas lalo naman itong umiyak.

'B-bullet asan ka na ba, umuwi kana please'

Pagmamakaawa nito at bahagyang napapikit dahil umiikot nanaman ang paningin nya.

'F*ck wait for me, Im coming okay? Wag kang aalis dyan'

Pagaalalang sagot nito at agad na naputol ang tawag. Napaupo naman si ayah sa sahig at niyakap ang kanyang tuhod dahil mas lalong sumasama ang kanyang pakiramdam sa tuwing tatayo ito.

Patuloy lamang sa pagiyak ang dalaga hanggang sa unti unti ng bumibigat ang talilukap ng mata nya at hinihila na sya ng kadiliman hanggang sa nakatulog na ito habang naka sandal sa pader.

...

Halos paliparin naman ni bullet ang kanyang sasakyan dahil subrang kaba at pagaalala ang nararamdaman nya dahil baka napano na ang dalaga at hindi nya mapapatawad ang kanyang sarili kung may nangyareng masama dito dahil iniwan nya itong may sakit.

Bigla namang tumunog ang kanyang telepono at agad yun sinagot habang patuloy parin sa pagmamaneho.

'Bullet eho anong nangyare kay ayah? Hindi ko sya matawagan' Pagaalalang tanong ni nana.

'Hindi ko po alam nana pero malapit na ako sa bahay tatawagan na lang po kita'

'Cge anak tawagan mo agad ako ha'

Agad na naputol ang tawag at mas lalong binilisan ni bullet ang pagpapatakbo sa kanyang sasakyan at ilang minuto pa ang lumipas ay agad syang nakarating sa mansyon.

Dali dali syang bumaba sa kanyang sasakyan at agad na pumasok sa loob bago tinungo ang kwarto ng dalaga. Bumungad sa kanya ang napakalamig na hangin at hinanap ng kanyang dalawang mata ang dalaga.

Nakita nya itong nakasandal sa pader habang natutulog kaya agad nya itong binuhat bago pinahiga sa kama.

'Sh*t ano ba nangyayare sayo'

Inayos nito ang buhok ng dalaga at napansin nyang namumutla ito, kaya nyang nilapat ang likod ng kanyang palad sa noo at leeg ng dalaga at duon nya napagtantong nilalagnat pala ito kaya dali dali syang kumuha ng bempo at baldeng may tubig bago umupo sa tabi ng dalaga.

Unang beses nyang magalaga ng babaeng may sakit kaya hindi nya alam ang kanyang gagawin at subrang kaba ang nararamdaman nya.

Pagkatapos nyang punasan ang kamay at mukha ng dalaga ay agad nyang nilagay ang basang bempo sa noo nito bago tumayo at agad na tinawagan ang kilala nyang doctor.

MY BOYFRIEND'S LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon