Maaga nagising si ayah at agad na nagimpake dahil ngayon ang alis nila ng binatang si saint papunta sa isla, pagkatapos nya sa kanyang ginagawa agad syang pumasok sa banyo upang maligo.Sinabi na sa kanya ni saint na magbabakasyon muna sila duon ng apat na araw, pumayag na ang kanyang ate at si nana, pinagkatiwala naman ni ayah ang flower shop kay lexy.
Kalahating oras ay tapos na ang dalaga sa pagligo at nakabihis na din 'to excited sya dahil makakasama nya ang kanyang kasintahan ng apat na araw na walang makaistorbo sa kanila.
Agad na syang bumaba sa sala dala ang kanyang maleta at nakita nya ang kanyang ate na prenteng nakaupo sa single sofa at may kinakalikot 'to sa kanyang laptop na agad naman din lumapit si nana sa kanya mula sa kusina.
Nandyan naba ang lahat ng kailangan mo?'
Opo nana'
Hayst magiingat kayo dun ah, tawagan mo'ko pag nakarating na kayo dun'
Opo nana h'wag na kayong magaalala'
Agad nyang niyakap ang matanda at mahigpit naman sya nitong niyakap pabalik at agad din naman naghiwalay.Ayah yung paalala ko sayo h'wag na h'wag mong isusuko kundi kukurotin kita sa singit'
Asik ni roxy at sinamaan nang tingin ang kanyang nakakabatang kapatid.Ano ba yang sinasabi mo ha? Alam ko ang tama at mali duh'
Pagtataray din nya at agad na inirapan ang kanyang ate.Tumigil na kayong dalawa at ikaw roxy tama ang kapatid mo alam nya na ang mali sa tama'
Oo na nana pinagtatanggol mo nanaman sya'
Nakangusong sabi ni roxy.Ikaw bata ka nag sasabi lang ako ng totoo'
Joke lang nana HAHAHAHAHA'
Napairap na lang si ayah dahil sa kabaliwan ng kanyang nakakatandang kapatid, pero kahit ilang araw lang syang mawawala ay mamimiss nya ang kanyang ate dahil simula pa man bata sila ay hindi na sila mapahiwalay sa isa't isa kahit lagi silang nagaaway.Bigla naman silang napatingin sa pintuan nang bumukas ito at niluwa ang lalaking tinitibok ng puso ni ayah, simpleng blue polo, jeans at converse shoes lang 'to pero modelong modelo parin ang dating.
Goodmorning'
Bati nya sa lahat at naglakad 'to papunta sa kinaruruonan nila.Ang gwapo mo parin eho hindi nakakapagtakang modelo ka nga'
Ngiti lang naman ang sinagot ng binata at nag beso sa matanda ganun din ang ginawa nya kay roxy.Huy saint kung sa akala mo ay ayos na tayo nagkakamali ka, ingatan mo kapatid ko kundi babalatan kita nang buhay at liligoan ng alcohol!'
Asik ni roxy at matalim na tinignan si saint tanging ngisi lang naman ang sinagot nang binata dahil sa kabaliwan nito.Ate tumigil ka nya'
Agad syang hinalikan ng binata sa noo at kinulong ang dalaga sa bisig nito habang nakapulopot ang braso sa baywang nito.Nakakatakot ha'
Pangaasar ng binata at tanging irap lang ang sinagot ni roxy dito.Oh sya umalis na kayo para hindi kayo gabihin, mag ingat kayo mga anak'
Paalala ng matanda.Opo, aalis na kami nana'
Paalam ni saint at kinuha ang maleta ni ayah.Ingat kayo'
Seryosong sabi ni roxy at niyakap ang kanyang kapatid ganun din si saint, bipolar ang dalagang si roxy kaya hindi na sila nagtaka pa.Agad na silang lumabas nang bahay at pinagbuksan naman ni saint ang dalaga ng pintuan nang makarating sila sa sasakyan nito, bago nilagay ang maleta sa trunk.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND'S LOVER
Roman d'amour[TAGALOG STORY] I have a boyfriend and we've been for 2year's. sabi nga nila perfect boyfriend sya dahil nasa kanya na ang lahat, wealth, beauty, charm, sweet and caring perfect package eka nga nila. Mahal ko sya, subra. pero.... may tinatago sya sa...