Nakatayo lamang si ayah habang nakatingin kay saint at bullet na naguusap mula sa malayo. Tapos na ang lamay at inaayos na lang ng mga tagapagsilbi ang sala. Dalawang araw na ang nakalipas at dito na rin natutulog sila ayah upang samahan sila bullet at makailang subok na si ayah na kausapin si saint pero hindi tuma timing sa kanila ang pagkakataon.
'Sis kumain kana dito anong oras na oh!' Pasigaw ni roxy mula sa kusina pero hindi nya lang ito pinansin at umupo na lamang sa couch habang sinandal ang kanyang ulo at pumikit. Inaantok nanaman ito tulad ng laging nangyayare sa kanya at bahagyang hinihimas ang kanyang medyo umbok na tyan.
Suot nanaman nito ang tshirt ng binatang si saint na may amoy nito dahil yun na lamang ang nakakapagpagaan sa kanyang pakiramdam at nakakatulog sya sa tuwing naaamoy nya ito.
'Hey'
Bigla namang napamulat si ayah nang marinig nya ang tinig ng binatang si saint kaya napatingin sya dito at umayos sa pagkaupo ganun ang ang kanyang tshirt dahil nakatingin duon ang binata.
'Can we talk?'
Tanong nito habang nakatayo parin sa harapan ng dalaga at napatango na lamang ito bago tumayo at sabay na silang naglakad paalis. Tahimik lang silang nagtungo sa harden kung saan nandun ang gazebo na pwede nilang tambayan upang makapagusap.Umupo na silang dalawa at bumalot ulit ang katahimikan habang si saint ay nakatingin lamang sa dalaga dahil parang maynagbago dito pero hindi nya matukoy kung ano ito.
'How are you?'
Panimula ni saint at napabuntong hininga na lamang si ayah bago napatingin sa binata.'Im fine at sana ikaw din'
Bahagya namang napangiti si saint sa sinabi nito.
'Its almost a month mula nung huli tayong nagusap at gusto kong ayosin na ang problemang pumapagitna sa atin'
'Thats what I want too kaya inayos ko na ang sa amin ni drace at gusto ko lang sabihin sayo na okay na tayo, wag kang magtaka o magisip ng kung ano ano dahil talagang okay na sa akin ang lahat dahil alam ko na ang totoo at napapatawad na kita'
Nakangiting sabi nito at para namang na bunot ang tinik sa dibdib ni saint dahil sa sinabi ng dalaga at sa totoong ngiti nito.'Salamat at napatawad mo na kami, hindi ko naman talagang intensyon na saktan ka ayah e sorry'
'Hyst kalimutan mo na yun mas importante kayo sa akin kesa kahit ano man at hindi ko itatapon ang maganda nating samahan dati'
'You're such an angel ayah, thankyou hindi ko aakalain na ganito kabilis mo kaming mapapatawad'
Masayang sabi ng binata at binigyan ng isang ngiti ang dalaga.'Mas importante kasi ang mga pinagsamahan nating tatlo kesa sa kahit gaano pa ka sakit na karanasan dahil lilipas din yun at ang pagkakaibigan will stay forever'
'Can I hug you?'
Tanong nito at agad na tumayo, tumango naman si ayah at agad ding niyakap ang binata. Napatakip naman ng ilong si ayah dahil sa amoy nito kaya agad nyang tinulak si saint.'Are you okay?'
Nagaalalang tanong ng binata at lumapit sa dalaga habang nakayuko at parang naduduwal. Hinarang naman ni ayah ang kanyang kamay upang patigilin ang binata kaya napakunot ang noo ni saint.'A-ang baho mo'
Naduduwal nitong sabi kaya mas lalong napakunot ang noo ni saint dahil sa pagkakaalam nya wala syang ginamit na pabango kaya inamoy nya ang kanyang sarili at hindi naman sya amoy araw.'Himdi naman ah'
Nakanguso nitong sagot pero hindi sya pinansin ng dalaga dahil nakapikit ito habang nakasandal sa pader.Tinitigan naman ni bullet ang kabuohan ng dalaga, mula ulo hanggang paa at napansin nyang, medyo tumaba ang hita nito ganun din ang dibdib ng dalaga at napakunot ang kanyang noo nang mapagtanto nyang tshirt ni bullet ang suot nito.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND'S LOVER
Romance[TAGALOG STORY] I have a boyfriend and we've been for 2year's. sabi nga nila perfect boyfriend sya dahil nasa kanya na ang lahat, wealth, beauty, charm, sweet and caring perfect package eka nga nila. Mahal ko sya, subra. pero.... may tinatago sya sa...