CHAPTER 40

826 15 0
                                    


Habang prenteng nakaupo ang isang may kaedarang lalaki bigla namang tumunog ang kanyang telepono kaya agad nya yung kinuha at walang pagaalinlangang sinagot.

'Boss, bad news base sa nakoha kong impormasyon nagdadalang tao ang dating kasintahan ni saint'

'Hindi, hindi pwedeng magkaruon ng tagapagmana ang matandang yun, hindi ako papayag. Hindi pwede'

Bulong nito sa kanyang sarili at parang napantig naman ang kanyang tenga sa balitang sinabi nito at bahagyang napatayo. Kinuyom naman nya ang kanyang kamao dahil sa galit.

'Asan ka ngayon?'
Maydiin nitong tanong sa kausap nito sa kabilang linya.

'Nasa harap ng companya ng matanda. Teka boss nakita ko ang dalaga papasok sa gusali'

Dahil sa sinabi nito bigla namang pumasok sa kanyang isipan ang isang magandang plano.

'Good, gawin mo na ang unang plano gawin mong tatlo upang wala ng makaligtas pa sa kanilang dalawa'
May malademonyong ngiti ang sumilay sa kanyang labi habang nakatingin sa picture frame ng kanyang pamilya. Ang pamilyang unti unti ng nawawala.

'Masusunod boss'

Agad nyang binaba ang kanyang telepono habang hindi mawala wala sa kanyang labi ang malademonyo nitong ngiti at agad na sinalinan ng alak ang goblet nito bago uminom.

'Akalain mo yun sa dinami daming paraan na ginawa mo may mas madali naman palang paraan. Pero hindi ka parin magtatagumpay, hinding hindi'

Tinungga nya lahat ng alak na laman ng kanyang goblet.

....

Hindi maiwasan ni ayah ang makaramdam ng kaba sa kanyang dibdib habang hinihintay nitong tumigil ang elevator sa last floor kung saan nandun ang opisina ni Mr. Eric.

Wala na syang ibang naisip na paraan upang maka tumulong kundi ang ipaalam dito na magkakaruon na sya ng apo at nagbabaka sakali si ayah na itigil na ng matanda ang ginagawa nito dahil naaawa na sya para sa kanyang mga kaibigan at dahil mahal nya ang binatang si bullet.

Bumukas na ang elevator kaya agad syang lumabas at nagtungo sa malaking pintuan. Bumuntong hininga muna sya bago yun binuksan. Agad naman nyang nakita si Mr. Eric na abala sa mga papeles na hawak nya pero agad na nabaling sa kanya ang atensyon nito.

'Oh eha anong ginagawa mo dito?'
Nakangiti nitong bungad at agad na naglakad papunta sa dalaga.

'May kailangan akong sabihin sayo'
Diretso nitong sabi at hindi na nagulat ang matanda kung tungkol nanaman ito sa ginagawa nya.

'Oh sege maupo muna tayo'
Pagaalok nito at agad na silang umupo sa magkabilang upuan.

'Hindi na ako magpaligoy ligoy pa gusto kong ibalik mo kay saint at drace ang lahat lahat'
Napangisi naman ang matanda dahil sa sinabi ng dalaga at hindi sya nagkamali sa kanyang hula kanina.

'Nako eha hindi ko kasalanan yun, kasalanan nila dahil matagal ko na silang binalaan pero hindi sila nakikinig'
Mahinahong sagot ng matanda at sumandal sa kinauupuan nito.

'Bakit hindi mo na lang tanggapin kung ano talaga ang anak mo at ano ang gusto nya? Ganun ba ka hirap sayo para tanggapin sya?'
Nagsimula ng mainis ang dalaga sa matanda.

'Hindi lang ito tungkol sa pagiging bakla nya'

'So tungkol saan pa? Alam mo nung una kitang makita subrang gaan ng luob ko dahil naramdaman ko si dad sayo pero nagkakamali ako dahil napakalayo mo sa kanya. Ang akala ko mabait ka'

Para namang tinusok ng karayom ang dibdib ni Mr. Eric dahil sa sinabi nya at nawala ang ngiting gumuhit sa kanyang labi kanina.

'Seguro nga hindi ako kasing buti ng ama mo pero ginagawa ko ang lahat para sa mga anak ko, na hindi mo maiintindihan'

MY BOYFRIEND'S LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon