Pagkatapos ng dalawang oras na pag byahe nakarating na sila ayah sa isang bahay na hindi pamilyar sa kanya at lumabas na lamang sya pagkatapos syang pagbuksan ni bullet, napatingin lang sya sa bahay na medyo may kalumaan na pero makikita mo parin ang kagandahan nito lalo na ang mala paraiso nitong harden na halatang pinaglaanan ng oras at inaalagaan 'to ng mabuti.
"Asan tayo? At kaninong bahay yan?"
Tanong ni ayah sa binata at tinuro ang malaking bahay.
"Kay saint, pinamana ni dad sa kanya"
Nagulat naman si ayah dahil hindi nya alam na ganun ka laki ang bahay ni saint at wala man lang binanggit sa kanya ang binata.
Hindi naman nya mapigilan na makaramdam ng kirot sa kanyang dibdib dahil hindi man lang sya nito pinasyal dito at tanging kuya pa nito ang dala rito na dapat ay ang binatang si saint.
"Let's go"
Naglakad na si bullet at agad namang sinundan ni ayah, walang gate ang malking bahay at tanging mga magagandang bulaklak ang pumalibot sa bahay kaya napakaganda talagang pagmasdan. Paraiso 'to para kay ayah dahil mahilig sya sa mga bulaklak kaya hindi nya napigilang mapangiti. Kung magkakaruon man sya ng bahay ay ganito ang gusto nya."May nakatira ba dito?"
Pumasok na sila sa bahay at hindi nya maiwasang mamangha dahil kung sa labas ay parang may kalumaan na pero ang sa loob ay punong puno nang mamahalin at magarbong bagay. Maganda ang interior design nito at napakaaliwalas tignan.
"No, may care taker lang na pumupunta dito araw araw para maglinis, ikukuha lang kita ng inomin"
Tango lang ang sinagot ni ayah at umupo sa couch, nilibot naman ng kanyang mga mata ang buong paligid at napagtanto nyang may ika dalawang palapag pa pala ang bahay na 'to.
Dumating naman agad si bullet dala ang isang baso ng orange juice at nilapag sa mesa kaharap ni ayah bago umupo sa kaharapang upuan.
"Bakit mo'ko dinala dito?"
Agad na tanong ni ayah bago ininom ang ang dalang juice sa kanya ni bullet.
"nung panahong binigay ni dad kay saint ang bahay na 'to nangako syang isang babae lang ang dadalhin nya dito at 'yon ang babaeng makakasama nya panghabang buhay at dito sila titira"
Mahabang sagot ni bullet at bahagyang ngumiti sa kanya habang si ayah naman ay parang nahihiyang makatingin sa binata.
"Bakit hindi nya sinabi sa akin ang bagay na 'to?"
May pagtatampo sa kanyang tinig at ngayon ay nakatingin na sya sa binata.
"He wants to surprise you but now? It wasn't"
Nahihiya naman si ayah dahil nagtatampo pa 'to gayo'y suprisa pala 'to sa kanya ng binata.
"Nga pala tumawag ba si saint sayo? Hindi ko sya ma contact"
May bakas na lungkot sa tinig ni ayah at agad na tinignan ang kanyng telepono pero tulad ng inaasahan wala parin syang natatanggap na anomang text message galing sa knayng nobyo.
Napabuntong hininga na lamang si bullet at agad na tumayo, ayaw nyang manghimasok sa kanila kaya pipilitin nyan h'wag makialam dahil naniniwala sya sa kanyang kapatid na may maganda itong plano at ayaw nyang masaktan ang dalaga.
"Tara sa garden"
Pagaaya ni bullet habang naka tayo at nakapamulsa na nakatingin sa dalaga. Bumuntong hininga naman si ayah bago tumayo at sabay na silang lumabas.
Umupo silang dalawa sa gazebo at tahimik na nakatingin sa mga magagandang bulaklak sa harden.
"Akala ko kilalang kilala ko na si saint"
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND'S LOVER
Romance[TAGALOG STORY] I have a boyfriend and we've been for 2year's. sabi nga nila perfect boyfriend sya dahil nasa kanya na ang lahat, wealth, beauty, charm, sweet and caring perfect package eka nga nila. Mahal ko sya, subra. pero.... may tinatago sya sa...