CHAPTER 26

977 23 0
                                        

Maaga nagising si bullet upang maghanda ng almusal kaya agad syang pumasok sa banyo upang gawing ang every routine nya. Pagkatapos ay agad syang lumabas sa kanyang kwarto at pumunta sa kwarto ni ayah, nakita nya itong mahimbing paring natutulog pero biglang napakunot ang noo nya nang may mahagip ang kanyang mga mata na isang bagay sa ilalim ng kama ni ayah.

Bahagya syang lumohod upang makuha ang bagay na nasa ilalim ng kama nito at napagtanto nyang lighter pala iyon. Agad syang tumayo at gumuhit sa kanyang mukha ang pagkainis dahil ang akala nya ay itinigil na ng dalaga ang pag
y-yosi kahit sabihing minsan lang sya gumagamit ay hindi parin tama dahil bukod sa kababaeng tao nito masama rin ito sa kalusugan.

Ibinulsa na lamang nya ang bagay na iyon at agad na tinignan ang puson ng dalaga dahil iyon ang bilin sa kanya ni nana. Na laging e check ang puson nito dahil gawain nitong magpigil ng ihi kahit naiihi na ito kaya laging lumulubo ang pantog ng dalag, minsan na din itong na hospital dahil sa UTI at ulcer.

Nang matapos nyang e check ang dalaga ay agad na syang naglakad paalis sa kwarto ni ayah upang pumunta sa kusina at magluto ng agahan nilang dalawa.

Naninibago si bullet dahil unang beses nyang may makasamang babae sa isang bahay at hindi sya sanay na ipagluto ang kung sino pero pagdating sa dalaga ay parang kinukontra na sya ng sarili nya at sinasabing kailangan gawin ang hindi nya nakasanayan.

Agad nyang kinuha ang kanyang kakailanganin para sa una nyang lulutuin which is pinakbet, hinugasan nya agad ang mga gulay upang maumpisahan na nyang hiwain ang mga ito.

Pagkatapos nya sa kanyang ginagawa ay sinimulan na nya ang kanyang pagluluto.

Sanay magluto ang binata dahil sya lang mag isa sa kanyang condo unit sa ibang bansa at wala syang ibang mauutusan kaya nagaral itong magluto at hindi kalaonan ay natoto na ito.

Pinapakuluan na nya ang kanyang niluluto kaya iniwan nya muna ito at kumuha ng itlog, sausage, ham at tusino na agad din nyang niluto.

Ilang minuto pa ang ang lumipas ay agad syang natapos sa kanyang niluluto at agad iyong inihanda sa mesa bago sya kumuha ng prutas.

Dahil tapos na ang binata at hindi pa bumaba ang dalaga napag disesyonan nyang buksan ang tv at napakunot ang kanyang noo dahil sa balitang bumungad sa kanay.

' kaninang madaling araw lang ay may isang balita ang lumabas tungkol sa isang sikat na modelong si saint bramer, kilala din ito sa business world dahil sa kanyang amang si Mr. Eric Bramer at sa kanyang nakakatandang kapatid na si Mr. Bullet bramer na may ari ng iilang companya hindi lang dito sa pilipinas kundi pati sa ibang bansa kaya ang balitang lumabas ay agad na kumalat at naging viral online, 'di umano ang modelong ito ay may kalantaring iba na alam naman ng lahat na may kasintahan ito kaya agad itong humakot ing iba't ibang reaksyon ng mga netizens, may ilang nagalit, nagtataka at halos ay hindi naniniwala sa kumalat na balitang ito, sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang manager nito gayon din si Mr. Eric sa balitang ito kaya hindi pa alam kung ito ba ay totoo o gawa gawa lamang-'

Agad na pinatay ni bullet ang tv dahil narinig nya ang  pag bukas ng pintuan sa itaas, alam nyang ang dalaga na 'yon kaya pumunta na lamang sya sa loob ng kusina.

'Goodmorning'

Narinig nya ang boses ng dalaga sa kanyang likoran kaya agad nya itong hinarap at nakita nya ang mukha ng dalaga na nakapagpangiti sa kanya.

'woah! Ikaw nag luto nitong lahat?'

May pagkagulat sa mukha ng dalaga habang pinagmamasdan ang mga pagkaing nakahain sa mesa.

'Yeah, umupo kana'

Agad na silang umupo sa magkabilang upuan pero ang binatang si bullet ay hindi maalis ang kanyang mga mata sa dalaga na nakatuon lamang sa mga pagkain.

MY BOYFRIEND'S LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon