CHAPTER 29

892 20 0
                                    

Nakabusangot si lexy habang nakaupo sa couch at nakatingin sa kanyang telepono. Gusto nyang sumama kay roxy at kier pero hindi pwede dahil may usapan sila ng daddy nya na aalis sila ngayon at hindi pwedeng hindi sya sasama dahil paniguradong magaaway nanaman sila at 'yon ang iniiwasan ni lexy lalo na't may kasalanan ito sa kanyang ama.

'Hey princess'

Nabalik sya sa reyalidad nang marinig nya ang boses ng kanyang ama at nakita nya itong papalapit sa kanyang habang may ngiti sa labi nito.

Naka formal ang kanyang ama kaya naka dress sya pero hindi nya alam kung bakit ganun ka pormal ang kanilang suot kung gayoy kakain lamang sila sa labas.

'Dad san ba kasi talaga tayo pupunta?'

Bagot na bagot na si lexy at wala syang ganang umalis ngayon dahil pakiramdam nya may hindi magandang mangyayari.

'Its a secret princess, so let's go?'

Ngiti nitong tanong. Wala namang nagawa si lexy kundi sumunod sa kanyang ama at kinawit nya ang kanyang kamay sa braso ng kanyang ama bago sila naglakad palabas ng bahay.

Nakasimangot na pumasok si lexy sa sasakyan at agad naman pinaandar ng kanyang ama ang engine bago pinaharurot ng mabilis ang sasakyan.

Nakasandal lamang si lexy sa upuan habang nakatingin sa labas ng bintana at simula kaninang umaga hindi na nito nagawang ngumiti pa dahil hindi nya makikita ang kanyang kaibigan at hindi pa nito alam kung nasaan talaga si ayah at bullet.

Napakunot naman ang kanyang noo nang maalala nya ang dalawang binata. Si saint at drace, ilang linggo nya na itong hindi nakikita at kahit balita man lang sa kanila ay wala syang natatanggap. Galit sya sa dalawa pero hindi ibig sabihin nun nawalan na sya ng pakialam sa dalawa dahil kaibigan nya parin ang mga ito, walang dahilan para maputol ang kanilang pagkakaibigan kahit ganito ang kanilang sitwasyon.

Dalawang araw na ang nakalipas simula nang mailabas ang tungkol kay saint at sa statement ng ama nitong si Mr. Eric. Dalawang araw na din nakalipas nung pinuntahan nila ang dalawang binata pero hindi nila ito naabotan sa condo unit ni drace at wala silang alam kung nasan ang dalawa kaya hindi nila ito nakausap.

Hanggang ngayon viral parin si saint sa social media. Marami ang sumuporta sa binata pero hindi mawawala ang mga  hindi magandang komento dito. Marami ang nagalit sa binata dahil pakiramdam ng iba ay naloko sila sa pagpapanggap ng binata.

Kinuha ni lexy ang kanyang telepono at hinanap sa contact nya ang pangalan ni saint at ilang minuto nya 'yong tinitigan dahil nagtatalo ang kanyang utak kung tatawagan nya ba ito o hindi. Napagdisesyonan nyang hindi na lang ito tawagan ata agad na tinago sa kanyang sling bag ang kanyang telepono.

Ilang minuto pa ang lumipas at agad na hininto ng kanyang ama ang sasakyan sa isang parking lot. Hindi alam ni lexy kung nasaan sila dahil buong byahe wala ito sa kanyang sarili.

'Dad san tayo?'

Takang tanong ni lexy at agad naman syang pinagbuksan ng kanyang ama kaya agad syang lumabas habang nakahawak sa kamay ng kanyang ama bago sinara ang pinto ng sasakyan.

'No more question'

Seryosong sagot ng kanyang ama sa kanya kaya hindi na lang sya umimik at nagsimula na silang maglakad papalabas sa parking lot at papunta sa restaurant.

'Goodafternoon ma'am sir'

Bati ng manager sa kanila habang may malapad na ngiti sa kanyang labi.

Napatingin naman si lexy sa kabuohan ng restaurant at napaismid na lamang sya dahil napapaligiran ng mayayamang tao ang lugar na ito at pakiramdam nya ay hindi sya bagay dito.

MY BOYFRIEND'S LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon