Kinakabahan at hindi mapakali silang lahat habang nakaupo sa couch at nakatingin kay bullet na kanina pa tinatawagan ang dalagang si ayah pero hindi ito sumasagot at mahinding kaba na ang kanilang nararamdaman dahil hindi nila alam kung saan pumunta ang dalaga.
'Asan na ba kasi ang babaeng yun may kasalanan pa sya sa akin e'
Nagaalalang sabi ni lexy habang nakahawak sa kamay ni nana na katabi nya lang.'Wala bang sinabi sa inyo si ayah?'
Tanong ni kier na katabi ang kanyang kasintahan.'Wala ang sabi nya matutulog muna sya kaya iniwan ko sya sa kanyang kwarto'
Sagot ni drace na nakasandal sa pader habang nakaharap sa kaniali.'Baka may pinuntahan lang at umupo ka muna bullet nahihilo ako sayo e'
Pagpapagaan ni roxy sa paligid kaya agad naman umupo si bullet pero panay parin itong tinatawagan ang dalaga.'Seguro nga mga anak ilang oras pa lang naman syang wala dito e'
Pagsasangayon ni nana kahit subrang kaba na ang nararamdaman nya.Tumayo na si saint upang kunin ang kanyang telepono nang masagi nya ang picture frame na agad namang nabasag at nagbigay ng ingay sa paligid. Napatingin naman ang lahat dito at agad yung pinulot ni saint. Bigla namang kumabog ang dibdib ng binata nang makita kung kanino yun.
'Ayah'
Sabi nito at narinig naman ng lahat kaya mas lalong lumalas ang kabang kanilang nararamdaman kanina at hindi na sila mapakali na nakaupo lamang sila.Nabigla naman ang lahat nang biglang tumunog ang telepono ni lexy kaya agad nya itong kinuha at napakunot ang noo na nakatingin sa screen ng kanyang telepono.
Sinagot nya na lang ito at nilagay sa loud speak. Nakaabang naman ang lahat sa sasabihin ng kabilang linya kaya napatahimik ang mga ito.
'Goodevening maam ikaw po ba si lexy?'
Tanong ng taong nasa kabilang linya at base sa naririnig nilang background mukhang pulis ang tumawag sa kanya at bahagya naman napakunot ang kanyang noo.'Opo bakit po?'
'ikaw po ang huling tinawagan ng biktima at nandito po sya sa morgue puntahan nyo na lang po'
Para namang nabingi ang lahat sa huling sinabi ng tumawag. Nabitawan ni lexy ang kanyang telepono dahil sa narinig at nangingilid ang mga luha nya dahil sa halo halong emosyong nararamdaman nya. Ganun din ang mga taong nasa paligid nya.
'H-hindi a-ayah'
Umiiyak na sabi ni roxy habang hindi makapaniwala sa kanyang narinig dahil alam nya kung sino ang tinutukoy ng lalaking tumawag sa kanila. Hindi na napigolan ng lahat ang kanilang mga luha na agad na pumatak sa kanilang mga pisngi.'Ang anak ko'
Umiiyak na din si nana at agad na niyakap si lexy na katabi lang nito.Nakayuko lang naman si saint at drace habang hindi mapigilan ang mga luhang papatak sa kanilang mga mata. Habang si bullet ay hindi naniniwala at matigas na nakatayo lamang habang nakatitig sa kisame. Nakayakap naman si kier sa kanyang nobya dahil panay iyak na ito at nasasaktan sya para dito.
Hindi na nagsayang pa ng oras si bullet at agad na syang tumakbo palabas at agad na pumasok sa kanyang sasakyan bago nya pinaandar ang makina at pinaharurot ng mabilis ang kanyang sasakyan. Kahit subrang kaba ang nararamdaman nya hindi sya naniniwala na ang dalagang mahal nya ang tinutukoy ng lalaking tumawag sa kanya.
Kahit umiiyak agad na lumabas si lexy sa bahay at nagtungo sa sasakyan nya, sumunod naman sa kanya si saint at drace. Habang si kier, nana at roxy naman ay sa kabilang sasakyan dahil walang magagawa ang kanilang pagiyak at may part sa kanila na hindi naniniwala sa sinabi ng lalaking tumawag dahil hinfi pa nila naseseguradong si ayah talaga ang tinutukoy nito.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND'S LOVER
Romantik[TAGALOG STORY] I have a boyfriend and we've been for 2year's. sabi nga nila perfect boyfriend sya dahil nasa kanya na ang lahat, wealth, beauty, charm, sweet and caring perfect package eka nga nila. Mahal ko sya, subra. pero.... may tinatago sya sa...