Kakarating lang nila ayah at bullet sa apartment na tutuloyan nilang dalawa sa korea at agad na humiga si ayah sa kanyang kama pagkababa nya sa kanyang mga dalang gamit. Nahihilo na sya at nagsimula ng sumama ang pakiramdam nya, gusto na lamang nyang matulog at magpahinga.
Agad namang pumasok si bullet sa kwarto ng dalaga dala ang malamig na tubig.
'Uminom ka muna'
Sabi nito kaya agad na napabangon si ayah at kinuha sa kamay ni bullet ang isang basong tubig.'Salamat'
Mahina nyang sabi at agad nya nilapag sa side tabe ang baso pagkatapos nyang uminom.'Masama ba pakiramdam mo?'
Nagaalalang tanong ni bullet at agad na umupo sa tabi ng dalaga bago nilapat ang likod ng kanyang palad sa noo at leeg nito.'Nahihilo at inaantok lang'
Walang ganang sagot ni ayah at agad na niyakap ang binata, nanlaki naman ang mata ni bullet dahil sa ginawa nito. Araw araw ginagawa ng dalaga yun pero pakiramdam nya ay ito ang first time. Hinagod naman nito ang likod ng dalaga dahil yun ang gusto nito.'Sorry'
Halos bulong na sabi ni bullet at hinalikan ang tuktok ng ulo ni ayah.'Hmmm'
'Dinala pa kita dito'
'It's okay inaantok lang talaga ako don't worry Im fine ganito lang talaga pag nagdadalang tao'
Bahagya nyang inangat ang kanyang ulo at nginitian ang binata bago binaon ulit ang mukha nya sa dibdib ng binata.Napabuntong hininga na lamang si bullet habang patuloy na hinahagod ang likod ng dalaga at unti unti namang lumalalim ang paghinga ni ayah kaya dahan dahan nyang binuhat ang dalaga at maingat na inihiga ito sa kama. Inayos nya muna ang kumot nito bago pinalakasan ang AC at binigyan nya ng halik sa noo ang dalaga bago lumabas sa kwarto nito.
Lagi na nyang ginagawa yun kaya sanay na sya pero hindi nya alam kung alam ng dalagang si ayah.
Agad na hinubad ng binata ang kanyang pangitaas at lumantad ang perpekto nitong katawan, nagtungo sya sa kusina upang kumuha ng in can beer at umupo agad sya sa couch.
Bukas ng umaga ang lipad nya patungong hongkong for business meeting at napagdisesyonan nyang hindi e sama ang dalaga dahil baka ay mas lalong sumama ang pakiramdam nya. Madali lang ang flight dahil may private plane naman si bullet.
Nasagi sa utak ni bullet si drace at na alala nyang dito sa korea naninirahan sila drace at nandito sya ngayon.
Nagdadalawang isip si bullet na tawagan ang binata dahil baka may ginagawa ito pero disperado na sya dahil walang makakasama ang dalaga sa apartment kaya agad nyang denial ang number ni drace at makailang ring lang ito ay agad naman din sinagot.
'Napatawag ka?'
Bungad ni drace at sa boses pa lang nito ay bagong gising lang ang binata.'Nagising ba kita?'
'No, Im already awake Im just lying in the bed'
'Okay, may gagawin ka ba bukas?'
'Hmmm, wala naman may family dinner lang kami bukas why?'
'Im here at korea with ayah, may business meeting ako bukas ng umaga sa hongkong at hindi ko sya pwedeng e sama baka mas sumama pa ang pakiramdam nya kaya pwede bang samahan mo muna sya?'
'Sure, text me kung saan kayo tumutuloy didiritso na ako bukas dyan'
'Thankyou'
Agad na binaba ni bullet ang kanyang telepono at bago kinalikot ang kanyang laptop, marami pa syang gagawin at may oras pa para taposin nya ang lahat bago mag gabi dahil magluluto pa sya ng dinnier nila ayah.

BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND'S LOVER
Romance[TAGALOG STORY] I have a boyfriend and we've been for 2year's. sabi nga nila perfect boyfriend sya dahil nasa kanya na ang lahat, wealth, beauty, charm, sweet and caring perfect package eka nga nila. Mahal ko sya, subra. pero.... may tinatago sya sa...