4: Hzanny

623 54 20
                                        



Hzanny's POV


"Kuya nagugutom ako," aniko habang  may subo na green lollipop.

"Sa bahay na, stomach can wait."

"Love 'yon kuya, hindi nagkakapaghintay ang t'yan ko."

Si Kuya Vyz ang taong kilala ko na ayaw sa salitang love na halos isumpa na ang salitang 'yon.

"Sa bahay na," aniya pa.

"Sunog naman lagi ang luto ni Daddy."

Bumuntonghininga muna siya bago inihinto ang sasakyan. Nasa parking lot kami ng isang kainan.  "Go home, early," aniya sa akin habang hindi man lang nagtatapon  ng tingin.

"Thank you. I love you!" pang-aasar ko. Bumaba ako ng kotse. Umalis na siya  pagkatapos kong magpasalamat sa kanya. Huwag daw ako gagawa ng gulo. Mabait naman ako kaya bago siya nakaalis ay inaway ko muna siya.

Napatigil na lang ako sa pag-alis ng parking nang may maalala. "Ha! Wala akong pera!"
Binaling ko ang pwetan ng kotseng niyang nakakalayo na.

Isang buntonghininga ang ginawad ko.

Ang tanga ko na!

Hinabol ko si kuya pero hindi ko na talaga naabutan dahil mabilis siyang magmaneho. Hindi ko rin nadala ang bag ko, naroroon pa naman mga candies, chocolate, and chips ko.

"Bwisit ka kuya!" sigaw ko. Napapadyak pa ako. Halos magdugsong na rin ang kilay ko sa konsumisyon.

Nilibot ko ang paningin at inalam kung saan street ako binaba ni kuya. Nainggit pa ako sa nakitang bata na may dalang strawberry ice cream.

"Hi baby, san mo 'yan binili?" tanong ko. Tinuro naman n'ya ang Caliskey Café sa 'di kalayuan.

"Samahan mo ako, come here."

"No! Stranger."

Medyo natakot ang bata at iniwasan ako. Napataas na lang ako ng kilay. "Ikaw din naman stranger ah! Magpapalibre lang, damot!"

Binelatan ko pa s'ya at nagtatakbo sa cafè. Pumasok ako at napansin kaagad ang interior design ng lugar. Halos tingalain ko lahat ng nakikita ko.

Sinulyapan ko ang menu, iniwas ang tingin sa kape at pinukol ang pansin sa sweets.

Cakes and pastries. My babies!

"Your order, Ma'am? But here, we have our new sweet."

Tinitigan ko ang  flyer habang nilalaro sa bibig  ang aking lollipop.

Binasa ko iyon nang maigi na para bang may pera ako. Ni wala nga ako kahit ano kung 'di tatlong kendi sa bulsa ko.

Ramdam ko ang tingin na dambuhalang lalaki. Manager ba s'ya o cashier?

Hinihintay n'ya ata ang o-orderin ko?

Tinitigan ko ulit ang flyer, new sweet daw. Naka-emphasis sa salitang 'new'. Nagtaka tuloy ako kung bago ba iyon. Parang normal lang na ice cream eh!

"Bagwo?" Inalis ko ang lollipop sa bibig kaya't naging malabo ang mga salita ko. Binalik ko ulit ito sa aking bibig. "Bagwo ho?" Nilaro ko  ang lollipop dahil sa takam sa ice cream. Lagkit na rin ng tingin ko sa flyer. 

Nakatingin ang dambuhala sa akin nang maigi. "Wala ho akong ano eh... " Napangiti ako ng peke dahil hindi ko masabi  na wala akong pera. Bigla naman s'yang pumindot. Isang mahinang cling ang narinig ko.

Nakatingin lang ako sa kanya nang may bigla may malambot na kamay na humigit sa akin.

"Wala po akong—" Hindi ko na tinuloy ang sinabi ko dahil binuksan niya ang pinto at kinalakad pa papunta sa pasilyo. Konting lakad pa ay may hagdan pababa kaming sinunson hanggang sa makarating sa black na pinto. Akala ko kidnapped.

It Started With The Test PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon