Jenyi | 31: Romulus White

318 30 0
                                    

(content warning: blood and altercation, violence)

Romulus White
Jenyi's POV




Maayos ang start ng week ko. Monday, kalmado pero n'ong Tuesday, I didn't expect that it will happen.

True shit!

" O 'di ba sabi ko sa 'yo mahangin dito?" sambit ni Cherry. May one hour vacant ako at sa kanya naman ay magsisimula pa lang. "Sige, may klase pa ako. Libre ulit kitang lunch para makaipon ka sa cellphone mo." Kumindat pa s'ya.

Ang bitch n'ya but fortunately immune na ako sa inis na dulot niya.

She's right. Mahangin sa bench area. Tanaw pa ang mga building ng University.

Nilabas ko na lang ang mga gawain ko sa Marketing at nagbasa pa tungkol sa Distribution Management. 

The wind comforted me that much at hindi ko namalayan na nakatulog ako. Nagising na lang sa presensya ng tao sa tabi ko.

Pagmulat ko ng mga mata ay nakita ko kaagad ang mukha nang nakangising si Jay  sa taong nakakwelyo sa kanya. Ilang segundo pa n'on ay isang suntok ang kaniyang tinamo.

"Jay!"

Humarap ako sa nanuntok at hindi ko inaakalang mukha ni Rougue ang mababalingan ko. Galit siya kay Jay.
Ang nakakatusok niyang tingin at mabibigat na paghinga ang naging basehan ko. Nakatuon lang ang atensyon niya sa nakangising si Jay.

Para silang naglalaban sa mata. Kitang-kita ko ang pagkuyom ng kamao ni Rougue at ang panginginig ng labi nito. Gusto pa niyang sugudin pero na sa gitna ako't nakaharang kay Jay.

"Anong nangyayari!?" sigaw ko.

Humarap ako kay Jay na pinupunasan ang dugo sa labi. Humarap ulit ako kay Rougue na niligpit na ang gamit niya sa mesa, mga papel ito't libro. Naiiling na lang itong umalis.

"Cena!" pagtawag ko.

Shit. Mag-isa lang naman akong natulog pagkagising ko ay may katabi na ako. Napapatanong na rin ako kung bakit parang nakisalo sa 'kin sa bench si Rougue. Hindi niya ako ginising.

Hinarap ko si Jay. "Okay ka lang? Please lang, kung ano man 'yon, itigil n'yo na. Hi-hindi s'ya magandang kalaban."

Malakas sumuntok si Rougue, underground fighter siya eh. He is trained tapos manununtok ng kung sino lang? Sira ba s'ya? Paano kung ma-comatose si Jay?

"Bakit?" tanong nito.

"Ba-basta."

Umalis na siya  pero tanaw ko pa rin ang malaking ngisi. Galit na galit si Rougue sumuntok tapos hindi ko man lang nakita sa kanya ang pagngiwi o ni kahit narinig na dumaing. Maaring kayang umaarte lang siya na okay lang ang kaniyang mukha kahit dumudugo na ito?

Ililigpit ko sana ang gamit ko nang biglang may sumulpot sa tabi ko. Ewan ko ba, ang naging instinct ko ay suntukin siya pero buti na lang, napigil ko kung 'di baka may pasa na sa mukha si Cherry. Shit that training, its making me wild.

"Girl! O my gosh, you are so sadists," aniya at ibinaba ang dalawang kamay na napataas dahil sa gulat ng amba ko. "Wala kaming teacher. Look at there---" Tinuro niyang ang ikatlong palapag ng pinakamalapit na building sa pwesto namin. "Nanduduon ako. Nakita ko lahat, s'yempre, I was worried ng makita kang nakatulog. Baka may work ka sa gabi so kaya ka inaantok, I try to watch you hangga't wala pa'ng teacher and announcement na wala talagang class, then may boy na lumapit sa bench mo, just place his things on your bench. I think he's watching you sleeping or guiding, I don't know. Then minutes later, may isa pang boy na lumapit sa'yo, I mean closely to you. They started talking. Talked and talked then boom! Kwelyo and punch."

It Started With The Test PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon