!!!!!!- Trigger Warning. Chapters involves sexual content that may set you off. The story and this chapter do not promote nor support any sexual exploitation. Moreover, this is a work of fiction.
Rougue's POV
What or who is your collateral?
"My twin...next question!" sigaw ko.
"You are lying. You have no communication with your twin. Please answer," tugon ng hangal na tao sa likod ng boses na nagmumula sa speaker.
"My mom," sagot ko kasabay ng buntonghininga, "my foster mother, okay?"
Everytime they asked me who's my weakness. I always tell them that it's my twin. If they used it against at me. I don't care. Torture him. Kill him. You got the wrong person.
My twin as my collateral is trully a lie.
***
Naalarma ako nang may humila kay Jenyi mula sa isang gilid na natatakpan ng puting sasakyan. Napasigaw pa siya sa gulat.
Mula sa palihim na pagsunod sa kanya ay napatakbo na lang ako para tingnan ang nangyari. Agad ko siyang hinawakan sa kamay pero mas mahigpit kong hinawakan ang braso ng lalaking humablot sa kanya.
"Hey," malamig na tugon ko sa lalaki. Nakita ko ang pamilyar na mukha nito ngunit sa kabila ng gulat ay nanatili akong kalmado at hindi pinahalata ang panggigil. Ang maamo mukha nang lalaki ay hindi talagang aakalain na may kadilimang tinatago.
"Jay?" Narinig ko ang boses ni Jenyi na nakaharap sa hangal na lalaki. Tinawag niya ito sa isang pangalan na malayo sa Reious. "Jay!" sigaw muli ni Yenji na parang gusto pa yakapin pero hawak ko nang maigi ang kamay niya. I can't still understand kung bakit ko siya kayang hawakan kung naiilang ako sa bawat haplos ng tao. Is it because my grip on her is for her sake? That could be!
Huminga ako nang malalim at nag-obserba sa kung anong nangyayari.
Reious and Jenyi, are on relationship? Iyon ang unang pumasok sa isip ko.
Tumighim muna ako para makuha ang atensiyon niya at ipakilala ito sa akin. Well, I don't have that much rights na ipakilala ni Jenyi ang kaibigan niya. But I took the chance. Jenyi and I we are Seekers and we're living in the same house, ano ba naman iyong ipakilala niya sa akin ang kaibigan niya? Lalo na't mukhang gago.
"Ah! Oo nga. Rougue, ito si Jay," aniya. "Jay, si Rougue pala."
Jay? Ang panget ng pangalan. Nakakasama lang ng loob, hindi ko alam kung anong plano ng lalaking iyon. Duda talaga ako eh.
"Hi, Rougue. I'm the boyfriend!"
Halos maitaas ko ang kilay ko sa narinig. Mabuti na lang ay hinampas ito ni Jenyi, pahiwatig na iyon ay isang biro lang.
Natapatanong tuloy ako. Of all people bakit siya?
***
"Sige, isawalat mo pa," ani Jenyi.
"'Yong kumot sa clinic 'yon ang gagamitin ni Rougue tapos 'yong kumot na nilabahan niya ay sa 'yo ipapahiram, tapos ang alcohol ay para kay Hzanny kasi—"
Kasi nag-CR si Hzanny.
Nang mabasa ang t-in-ap na code, I stopped eating.
It indeed, lessen the awkwardness.
But I sincerely did it for Jenyi. Na-guilty ako, nalaman kong kumot pala 'yon ni Jenyi tapos binalandra ko sa usok na puro pala chemicals (sabi ni Roman). Ayaw ko naman siyang walang magamit na kumot dahil malamig sa gitna ng gubat. P'ede niyang gamitin ang nasa clinic pero mas kumportable ang kumot ko kaya nilabhan ko 'yon pagkatapos ay sinugo ko kay Standey ang kumot sa Foxtrot.

BINABASA MO ANG
It Started With The Test Paper
Mystery / ThrillerTagLish ---- On 23rd day of October the CA Organization put code at the last page of the test paper. Students who are into codes deciphered it and became part of the Seekers. In the midst of training for the mission, the conflict from t...