Geyl | 46: EMG

287 26 0
                                        


___

EMG
Geyl's POV


"Papasok kami," ang sambulat namin kay na Standey at Rougue.

"Akala ko ba ay hindi ka papasok?" tanong ni Rougue. Nakakunot ang noo nito kay Jenyi.

"Napapadalas na ang pagha-half day ko. Babawi ako ngayon na may event," pagdadahilan ni Jenyi.

"Sinong maghahatid sa inyo? At bakit bigla-bigla kayong nagdedesisyon?" Mariin kaming tinitigan ni Stanley. Mababatid rin ka-strict-uhan sa kanyang mukha.

"Magta-taxi kami."

"Hindi na," biglang usal niya at tumalikod. "Ihahatid kayo ni Rougue."

Napaharap si Rougue sa gawi nito at hindi kaagad umimik. Gulantang man ay napabuntonghinininga siya't wari na walang magagawa para pigilan kami.




"Back seat kayo. Sige ha, dumihan n'yo nang kung ano-anong kulay 'yan," asik ni Rougue. Nasa tapat na kami ng saksakyan. Nakasuot siya ng cap at shades na di-in-sguise ni Standey. O' well, that's all he can do in terms of disguising. He should learn more in Deceiving Class in the CAA organization, I thought of. 

Iyon  pa lang ang unang beses na mangyayari na kaming tatlo lang ang magkakasama. Aside na nagmumukha akong third wheel ay mahirap rin dahil eventually ay magkukunwari rin kaming 'di magkakilala. Mukhang magpapakilala muna kami sa isa't-isa bago mag-usap.

Tiningnan ako ni Jenyi. Ako mismo ramdam ang pagkabahala dahil nga naiba ang plano namin na pumunta sa Lionelle City, sa pwesto ni Manong Kero.

"Akala ko ba rest day mo ngayon dahil sa nangyari kagabi sa bar? Taxi na lang kami," maingat na saad ni Jenyi. She was leaning in front para mas makalapit kay Rougue at makausap ito nang masinsinan. May binulong ito sa kaniya at tulalang napabalik sa pagkakasandal si Jenyi sa tabi ko.

Agad kong tinanong kung anong sinabi sa kanya ni Rougue pero nginitian lang ako ng gaga.

Nagpatuloy ang biyahe tungo sa school. Napuno ng magkakahulugang titig ang pagitan namin ni Jenyi.



"Papasok ka? Naka-civillian ka ah," pigil ni Jenyi. Nakarating kami sa school at pawang susundan pa kami ni Rougue hanggang sa makaupo kami sa aming class seats.

"Ang dami n'yong tanong. Papasok lang naman kayo ah?"

Napakagat ako ng labi at nanalangin na sana 'wag makahalata 'tong jowa ni Jenyi---ex pala.

Break time ng ilang class. Huli kami ng halos tatlong oras sa pagpasok. Hindi naman talaga naming gustong pumasok. I just want to be free from this city, from this mission. I wanted to go to my own city.

"Ako ulit ang susundo sa inyo sa hapon," wika ni Rougue bago umalis.

Nagkatingina kami ni Jenyi.  "Tuloy pa ba tayo?" may tonong nababahalang saad niya.

"Gusto ko talaga eh."

"Kausapin mo na lang si Standey, baka magawan niya ng paraan."

Nakunot ang noo ko sa sinabi niya. Lumapit ako, "Paano?" tanong ko na halos malukot ang mukha sa kalituhan nang sinabi niya.

Awkward siyang ngumiti. "Gamitan niya ng law. Basahan niya ng Human Rights 'yong head ng Califan Agents."

"Iba ang batas sa ilalim kay sa dito sa ibabaw," wika ko.

Nginiwian niya ako at nagkibitbalikat bago magpaalam. I assumed na nagpunta siya sa kanilang department dahil may event at maraming booths ang makikita roon. Those booths showed some products and bake goods for food expo. Some were having talks and showing what they'd prepare for that event.

It Started With The Test PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon