Morse Code
Third Person's POVNapuno ng katok ang buong bahay sa pangalawang araw nila. Walang salita ang naririnig kung 'di mga solidong tunog ng katok na likha mula sa paglapat ng kamao, daliri, at candy sa mesa.
Si Rougue at Jenyi ay nag-aaway gamit ito. Pinag-aawayan nila ang tamang code para sa bawat katok na kanilang ginagawa. Magkaharap sila at ginagawa nila ang tap code sa vintage coffee table ng kanilang living room.
Si Roman, Geyl, at Standey ay pinagkwekwentuhan ang nangyari sa pagso-solve nila ng passcode. Ginamit nila ang pagta-tap ng mga daliri sa lamesa na nasa kusina.
Totoong nagtagumpay ang mga babae sa passcode na ginamit nila upang mailabas ang mga lalaki sa kwarto at bilang kapalit noon ay may sopresang nag-intay sa secret room.
Ang sopresa nilang 'yon ay ang paggamit ng morse code ng apat na oras. Dalawang oras para magsaulo ng dot and dashes at dalawang oras para gamitin ito gamit lamang ang ano mang bagay na meron sa bahay.
Kapag hindi nila nagawa ang task na 'yon ay hindi makakausap nila Hzanny at Rougue ang kanilang pamilya ngayong linggo.
Ang paraan naman ni Hzanny ay ang pagsulat ang code gamit ang candies niya. Dot para sa candy at dashes para sa lollipop.
"Seekers . . . the four hours task is now completed. Congratulations! You can now speak," tugon ng boses na nanggagaling sa screen ng pintuan. Nawala ang screen at naging doorknob muli ito.
Naglabas ng buntonghininga ang ilan. Nagtungo si Roman sa sink para mag-toothbrush. Apat na oras din silang hindi nagsalita. Ilang minuto lang ay bawat isa na sa kanila ay nagsipilyo.
"Wala bang magtuturo sa atin ngayon?" tanong ni Jenyi. Nakaupo 'to sa sala na tila inip na inip.
"Nag-iingat sila. Kung pupunta dito ang mga agents araw-araw ay baka matunton tayo," Standey uttered.
"Mula tayo sa mabigat na training kahapon, tapos nakatambay lang tayo ngayon--- ewan ko lang ha, baka mabigla tayo sa susunod na training," sambit ni Rougue.
"Rougue, 'yong ginawa natin kanina kasama 'yon sa training. Hindi lang naman 'to puro banatan ng katawan," asik ni Jenyi.
"Kasama sa training ang pagbaho ng hininga?" tanong pa ni Rougue.
"Codes 'yon--- "
"Oh, guys . . . alam n'yo imbis na nag-aaway kayo ay alamin na lang natin 'yong ibig-sabihin ng kristal sa loob ng kahon," pagyaya ni Geyl sa dalawa.
"I'll go with you," ani Jenyi.
Nilagay nila ang code sa hagdan at bumukas ang sementadong ilalim nito. Bumaba silang dalawa sa secret room.
"Ba't puro na lang codes?" bulong ni Rougue na nakatingin sa pagbaba ng dalawang kasamahang babae.
"Alam mo ba Kuya Rougue sa mga nababasa kong libro . . . kapag mamatay na 'yong tao ay nag-iiwan sila ng clue gamit ang dugo. Sinusulat nila kung sino ang pumatay sa kanila," pagkwekwento ng pinakabatang si Hzanny.
Napatingin naman si Roman na nasa kusina, si Standey naman ay nasa tapat ng sink at naghuhugas ng plato. Katatapos lang nilang kumain.
"Mamatay na't lahat clue pa rin?" tanong ni Rougue.
"Mystery o thriller kasi ang genre n'on. Ginagawa nila 'yon kung sakaling bumalik ang salirin ay hindi na nito aabalahin ang sariling burahin ang clues dahil... hindi naman nito alam kung anong natatagong ibig sabihin n'yon. Bukod sa astig ang mga clues at code---"Naputol ang sinasabi ni Hzanny ng singitan siya ni Rougue.

BINABASA MO ANG
It Started With The Test Paper
Mystery / ThrillerTagLish ---- On 23rd day of October the CA Organization put code at the last page of the test paper. Students who are into codes deciphered it and became part of the Seekers. In the midst of training for the mission, the conflict from t...