J
Jenyi's POVBukas ay pupunta naulit kami sa bahay na nasa gitna ng gubat ....Malayo sa kabihasnan.
Bago ako pumunta ng school ay naririnig ko pa ang usapan nina Standey at Hzanny--- about cake ata at pagba-bake--- na madaling araw ay naki-almusal sa akin.
Hindi ako nakisali at umidlip na lang hanggang mapagdesisyonang umalis para pumasok sa school. Medyo maaga akong nagigising at nag-aayos para sa pagpasok tapos natutulog muli ako kapag may oras pa. Hindi pa naman ako na-late sa gawi kong 'yon na umidlip sandali, nang naka-uniform, bago pumunta sa school.
"Sorry, hindi kita maihahatid," ani ng driver ng boss ni mama na nasa Hongkong at working as a domestic helper daw. Naiiling na lang ako at pinatakbo sa isipan ko kung anong totoong identity ng mama ko. Siya ay nasa probinsya, namumuhay nang payapa, at konting stress na lang ay malapit nang lumala ang sakit sa dugo. Sana 'wag ako matulad sa kanya. Hope her well . . . I really need phone para makausap ko na siya.
"Ba't ka pa pumunta dito? Humopia ako," asik ko ko habang nakangiwi sa driver na si Primo.
"Sorry, I need to go." Umalis na ang itim na sasakyan niya at mamahalin 'yon. BMW.
Lagi ko s'yang pinipilit na pahiramin ako ng cellphone ngunit ayaw akong pahawakin man lang. Iyakan ko nga 'yan next time eh.
"Akala mo naman masayang pakinggan ang, Your name is Jenyi Decipida not Jennie Yira De Leon. Your mom works as domestic helper in Hongkong. Her current boss gave you scholarship and a condo. Your driver right now is a personal driver of your mom's boss. He's n-not oblige to... drive you--- everyday," I stopped.
Shit? Kaya pala. Yes, paulit-ulit 'yong audio clip na nagpla-play sa kada araw nang pagsakay ko r'on. Para raw maisa-isip namin lagi. Shit lang kasi naisa-buto ko.
"Jennie Yira?" narinig kong tawa ni Rougue. Nakita ko siya sa tapat ng kotse, nililinis niya ito. Nasa parking kami at malamang sa malamang ay nakita niya at narinig ang konbersasyon na nagsasabing walang obligadong maghatid sa akin.Well . . .
Lumapit naman ako sa sasakyan ni Rougue at tinuonan iyon ng kamay. Akala ko maiinis s'ya pero hindi. "Kotse mo?" Tiningnan ko loob ng kotse niya at mukha itong komportable. Tinuktukan ko pa ito ng kuko pero hindi niya 'yon napansin dahil nakatingin lang siya sa akin.
"Hindi kita isasakay, d'on ka kay Standey o kaya kay Roman. Nakaalis na sina Geyl."
"Ganyan ka? Magtea-teacher ka?" bulyaw ko.
"And?"
Naiinis akong lumayo sa kanya. Imbis na sumakay sa kotse ng isa sa mga lalaki ay naghanap na lang ako ng taxi.
Inip akong nag-iintay sa ilalim ng araw habang hinahanap ko ang gamot ko. Nagtaka ako nang may kotse na tumigil sa harap ko.
"Oh pasok, walang magdudumi ha. Malinis 'yan at kapag may makeup na dumampi diyan. Ibaba kita sa daan," seryosong saad ni Rougue.
"Napakabait na titser," usal ko.
Kanina pa akong nag-aantay ng taxi kaya naman pinagpawisan ako at pati ang kamay ko. Binibilang ko ang gamot at hindi ko na malayan may nahulog na ilan kaya't dinampot ko ito. Nakita ko ang upuang may kaunting pula mula sa gamot na dinampot ko.
"Shit~" Napakanta na lang ako dahil kapag nilaksan ko ang pagmumura, katulad noong isang araw, ay baka mademonyo ang kamay niya. Katulad n'ong . . . first day namin sa Luvriana. Tinulak n'ya 'yong babae nang makita ako at narinig na magmura. Akala n'ya ata magagalit ako. Hindi naman ako si Geyl at hindi ko sigurado sa hula ko pero . . .

BINABASA MO ANG
It Started With The Test Paper
Mystery / ThrillerTagLish ---- On 23rd day of October the CA Organization put code at the last page of the test paper. Students who are into codes deciphered it and became part of the Seekers. In the midst of training for the mission, the conflict from t...