Rougue | 40: Mine

329 27 0
                                        


trigger warning: male character might display inappropriate actions.



Mine
Rougue's POV

Nasa parking ako ng school at may sinusubaybayan makauwi. "'Wag mo siyang intayin. Nahatid ko na siya kaninang tanghali," usal ng boses sa likod ko.

Hinarap ko siya at bahagyang napatango. Hahakbang na sana paalis, natigil nang magtanong pa ako. "Primo," tawag ko. "Anong nangyari?" tanong ko kung bakit hinatid agad niya si Jenyi pauwi.

"Nahimatay," sagot niya. " School clinic contacted me. She's okay, I think?" Nakaharap na siya sa akin at nakangisi. Nakatingin lamang ako sa kanya at prinoproseso sa utak ang sinabi. Akmang aalis na ulit sana pero nagsalita pa muli ako.

"Sorry sa suntok. I didn't know..."

"It's okay. Inalagaan ako nang maayos ng girlfriend ko nang makita 'yon. Good thing though."

Tumango-tango ako. May girlfriend pala 'to. Tsk.

"May kailangan ka pa? Aalis na ako. Naparito lang ako para sabihan ka, baka kasi hintayin mo pa si Jenyi hanggang gabi."

"Thanks." Iyon ang huling sinabi ko sa kanya bago siya tuluyang umalis.

Nakasakay na rin ako ng kotse ko nang makita ang pamilyar na mukha. "Damn, Chul!" sigaw ko. Bumaba ako ng kotse at hinabol siya.

Sa parking ay maraming sasakyan kaya't ganoon na lamang siya kabilis na nawala.


***


"Usap tayo, Ong."

"Sundan mo baka magpatayan," ani Jenyi. Nagsisimula na kaming kumain nang nagsimula ring magkainitan sina Geyl at Standey.  D'on sa usaping kasintahan tsaka biglang bumigat ang hangin sa paligid. Seryosong niyaya ni Standey si Roman na mag-usap nang masinsinan. Totoong kakaiba iyon at sa tingin namin ay hindi maganda. Siniko pa ako nang malakas ni Jenyi para sundan ang dalawa.

Hangal.

May utak naman 'yong dalawa, ang bobo nila para magpatayan kung p'ede namang pag-usapan.



"Plano pa kasi, ano?" bulyaw ko sa dalawa. Kasalukuyan kaming nasa unit ni Standey.

"Just to make it clear, I have no feelings for Geyl," mahinahong paliwanag ni Roman.

"Linawin mo rin kung totoong may gusto siya sa 'yo," inis na saad ni Standey.

"Are you mad? This is your plan, isn't it?" tanong ni Roman.

Napangisi na lang ako sa usapan ngayon.

Si Standey mismo ang nasasaktan sa larong ginawa niya. "Just tell her the reason ...tell us!" sigaw ni Roman.

Only Standey know kung bakit niya ginagawa 'to. I have no rights to ask but he . . . he's hiding something for the three years of their friendship.

"Then organization can now allow inside personnel to have romantic relationship. You know that. You can't say that former professional code of ethics is the reason why you dumped Geyl. Stand, even me, I was on pain when you dumped her. Geyl talked to me asking for help because she wanted to keep acquainted with you without malice. Before I gave her my words I consulted you! All I adviced her was in your favor. For you to know... You should trust me too!"

Napahalukipkip naman ako. That damn advice was Standey's plan together with Roman. Kawawa si Geyl, she thought na hawak niya ang laro kay Standey. She has no idea that it was all Standey's plan together with Roman. Geyl only know that she's having a payback, little did she know it was all planned by the man she has hatred on.

It Started With The Test PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon