3rd Person's | 18: Punishment

427 31 1
                                        

Punishment
Third Person's POV



Natapos ang linggo at madaming pawis ang nalaan nila dito. Kahapon lamang ay halos lahat ng pinag-aralan nila na mga techniques ay nagamit sa activity na kanilang ginawa—kung saan ay hinanap nila ang pink na tubigan ni Hzanny. Itinago 'yon nang  kanilang bagong mentor at bilang task ay kailangan nilang hanapin gamit ang bigay na clue. Hindi ito naging madali sa anim na kabataan.

Si Roman ang nanguna sa anim. Hindi lang basta hanapan ng nawawalang tubigan  dahil may mga putok ng itim na tinta silang na hahagilap. Nakasuot pa sila n'on nang puting T-shirt at puting pants. Lahat ng tama nila ay daplis lang kaya't silang anim ay hindi pa nauubos o nababawasan man lang.

Ang clue'ng meron sila ay, K - k + g . Kaya nagtungo sila sa ilog. D'on nila nahanap ang tubigan. Halos dalawang oras ang naging pakikipagsapalaran nila bago ito mahanap . Sa pag-iwas palang ng putok ng baril ay para na nilang ginapang ang daan papuntang ilog.

Doon nila natanggap ang prize nila at 'yon ay ang  bareta, planggana, pamukpok, brush, at tabo.

"Maglalaba na talaga tayo," ani ni Hzanny. "Old way." May panlulumo sa tono ng boses niya. "Isang linggo tayong naging sundalo. Nagsuot pa tayo ng puting mga damit na parang umeskapo sa mental  tapos maglalaba tayo ng ating pinagpawisan!?" angal niya.

Natapos ang lahat sa hindi matapos-tapos na angal ni Hzanny.  Bumalik sila sa bahay at nagpahinga. Natulog  sila para makapag-ipon ng enerhiya na paghahanda sa nakaabang na parusa.

Ngayong araw ay ang panahon na ibinigay sa kanila para maglaba. Si Rougue ang naglaba ng lahat nang damit ng mga lalaki. Gulat pa sina Geyl at Hzanny na maobserbahan na  sanay na sanay maglaba ang UG- fighter na si Rougue.

"Hindi ako makapaniwala," usal ni Jenyi. Dahil sa paglabag nila sa binigay na radius ay kasama siya sa pinarusahan.

"Oo nga eh, mas magaling  pa s'yang maglaba kaysa sa akin. Nakakahiya!" banggit ni Hzanny.

"Hindi ako makapaniwala na nadamay ako sa kagaguhan ni Cena!" Madiin ang bawat kusot ni Jenyi.

"Ba't maalam s'yang maglaba? I mean, he looks so cool. He can do what he want and I expect it's all about manly matters.  Si Standey at Roman nga hindi maalam maglaba katulad ng gan'yan! Wala ba siyang nakwento sa 'yo tungkol sa buhay niya?" Nginuso ni Geyl ang abala sa paglalabang si Rougue na nasa kalayuan. Nakataas ang pants nito para hindi mabasa ng tubig.

"Ba't naman s'ya magkwekwento sa 'kin?" tanong ni Jenyi, na nagsimula ng magpukpok ng damit.

"Oh? Close kaya kayo, kahapon nga nag-one on one tayo. Ang kalaban na natin ay kapwa Seekers. Kayo ang nagkatapat 'di ba? Ang galing mo pa nga!"

Nasagi naman sa isipan ni Jenyi ang nangyari. Nakaupo sila at magkaharapan ni Rougue. May mga piyesa sa harap nila na kailangan nilang buoin. Nagsimula ng humuni ang pipit tanda na kailangan nang magsimula ang laban kahit nangangatal ang kamay niya. Hindi pa niya nailalagay ang magasin nang may tumutok na sa ulo niya na baril.

Ginawa niya kay Rougue ang technique na hindi niya nagawa kay Mentor Rodriguez.

Tumingin siya sa mata ni Rougue, sinubukan niya lahat at hindi naman siya nabigong ilabas ang mumunting luha sa mata.  Nakita niya doon ang pagkawasak ng matapang na emosyon ni Rougue. Hindi siya nito pinaputukan ng baril. Akala nila magagalit si Mentor Rodriguez pero nasalita na lang siya ng, "You can manipulate your oponent by the heart. Not by blood but by tears. Sometimes seeking for mercy is a wise act, you can manipulate the one who have heart."

"Shit? 'Yong luha kong 'yon ay galing sa mga inalala kong pasakit niya! May puso daw ang ang basagulerong 'yon, I doubt!" sigaw ni Jenyi. "Mas magaling si Roman!"

Tahimik naman na sumilip si Rougue sa gawi ng mga babae. Naririnig niyang pinag-uusapan nila ang nangyaring tapatan kahapon. Bumalik na lang siya sa pagkukusot ng damit ng dalawang lalaking kasamahan niya. Napangisi muna nang maisip na  puot na puot na ang nararamdaman sa kanya ni Jenyi.

"Akala ko talaga hindi ka n'ya papaputukan!" sigaw ni Jenyi. Napayuko na lamang si Geyl at mapait na ngumiti. Alam n'yang wala s'yang laban kay Roman pero ginawa niya ang lahat nang kan'yang makakaya para talunin siya. Nakita niyang hindi nakatutok ang baril ni Roman kaya't ang hawak niyang baril na naayos na ay kan'yang ibinababa din. Inaakala niyang hindi siya lalabanan ng itinuturing niyang kaibigan . . . pero nagulat siya dahil sa ilalim ng lamesa s'ya binaril. Napintahan n'on ang kanyang puting pants.

"Si Kuya Standey ang katapat ko.  Isang candy ang nasayang," nakangusong wika ni Hzanny.

Ang labanang Standey at Hzanny naman ----hindi na sinubukang lumaban ni Hzanny pero pinayuhan siya ng Mentor nila na kailangan niyang lumaban kahit impossible. "‘Wag mo itataas ang puting bandila kung hindi ka pa nagtataas ng pula. Laban lang," sambit noon ni Mentor Rodriguez.

Kalmado si Hzanny at si Standey naman ay mabilis na naayos ang bawat piyesa ng  baril. Narinig ang kasa nito't naitutok niya ang baril  sa katunggali. Mabilis naman si Hzanny--- hindi sa pag-aayos ng piyesa kung 'di sa pagtaas ng candy sa kanyang ulo at doon pinatamaan ni Standey ang tinta ng baril.

"Sumalangit nawa ang kanyang asukal," nanghihinayang saad ni Hzanny. Nawalan daw siya ng isang candy.

"Oh right! Halos matapos na tayo sa labahin. Tulungan na natin si Rougue?" tanong naman ni Geyl.

"Naiisip ko lang . . . may brief kaya d'on? Kasi tayo ang naglalaba ng sarili nating damit tapos si Kuya Rougue ay mga damit n'ong dalawang kuya. Pinalabhan kaya nina Kuya ang mga brief nila?"

"Hush you, Hzanny!" saway ni Geyl.

"Englishera ka na ngayon Ate Manghuhula."

"Alam mo kasi Hzanny, 'yong Geyl na manghuhula sa plasa na 'yon ay halos mawala na ngayon. Simula nang pumasok ako sa organisasyon ay halos makalimutan ko na ang daan sa Lionelle plasa. Nami-miss ko tuloy si Manong Kero."

Nagpatuloy naman ang dalawa sa pag-uusap.  Si Jenyi naman ay palihim na tumingin kay Rougue sa 'di kalayuan.

"Na-miss ko na rin pamilya ko," usal ni Hzanny.

"Kamusta pala dad mo? Nag-iiwan pa rin ng wallet sa fridge? " pabirong tanong ni Geyl.

"Hindi na . . . sa sapatos na. Nag-iingat kay Mom."

Ang pinag-uusapan nila ay ang panahong nagpahula si Hzanny kay Geyl, hindi naman maka-relate si Jenyi sa pinag-uusapan. Piniga na lang niya nang maigi ang mga damit na nilabhan.

Natapos sila sa labahin nang bandang tanghali. Lahat sila ay nag-aabang ng tanghalian na niluto ni Standey at Roman.

Nagulat na lamang ang lahat sa tunog na kanilang naririnig. Ito ay  tunog na maiihalintulad sa  kuryenteng dumadaloy. Ang palagitik ng tunog ay pamilyar kay na Rougue  at Hzanny kaya't nagkaripas sila  ng takbo palabas ng bahay.

"Hey! Where are you going? What's that noise!?" histerikal na tanong ni Roman.

Sinundan nila ang dalawa sa labas at nakita nilang sumakay ang dalawa sa van na mabilis ding umalis.

"Shit? K-in-idnap ba sila o nagpa-kidnap sila?" inosenteng tanong ni Jenyi.

Pagkatapos na nakakabinging tunog ng paglagitik ng kuryente... ay ang speaker naman ang narinig ng apat. Pinakinggan nila ang boses ng babae.

"Seekers, go to the Foxtrot. There's one phone. You can call your family and friends. Tell them what you missed to say. Don't try to mention anything about the mission. Understood?"

Walang sumagot sa apat at natahimik lang.

"I'll take that as a yes. We can monitor you, all of you. The two Seekers will just shoot their family with EMG. After the calls . . . there's a van that will appear and will take all of you to the city."


___

It Started With The Test PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon