Hzanny | 8. Pink Bottle

534 49 7
                                        


Hzanny's PoV



Tatlumpong minuto ang binigay na oras sa 'ming tumakbo pero sa pakiramdam ko ay parang kalahating araw na.

Naramdaman ko ang hapo kaya't tumitigil ako sa pagtakbo. Sa sobra ko atang pagkain ng matamis ay bumabara 'yong plema sa dibdib ko. Kadiri.

"Wait!" Panay ang paghingi ko ng hintay sa kanila dahil ayaw kong maiwan. Nakakatakot kasi ang gubat. Madaming matatas na puno at sobrang tahimik ng lugar.

"Baka mawala ako!"

"What's wrong? Paikot-ikot lang naman tayo ah? Abot tanaw pa rin ang bahay!" sigaw ni Jenyi.

Batay sa pawis at bigat ng paghinga nila ay alam kong pagod na rin sila.

Ako lang 'tong may kapal na tumitigil para uminom ng tubig. Sa tunay nga ay sagabal lang ang pink water bottle ko. May pink lace iyon kaya't  nakasabit ang tubigan sa aking leeg, nagiging hara at bigat iyon sa aking pagtakbo.

"Ate, gusto mo uminom?" tanong ko kay Ate Geyl. Umiling naman siya.

Hindi ko na kayang dalhin ang tubigan ko.  Nakailang sumpa na rin ako. Gusto kong ipadala sa mga kasamahan ko. Ang liit kong tao para parusahan gamit ang physical activity.

"Ate Jenyi, sa'yo muna!" Inabot ko 'yon sa kanya ngunit tinitigan n'ya lang.

"Kay Rougue," sambit niya.

Huminga ako nang malalim at tumakbo kay Kuya Rougue na nasa pinakaunahan. Nangunguna talaga ang taong itim sa pagtakbo. Alam kong peyborit ni kuya ang itim pero sa init ng panahon mapapakwestiyon talaga ang kahit sino sa suot niya.  Nakasuot  siya ng itim na sando at sweat pants.

"Kuya, d-dalhin mo r-raw sabi ni A-ate Jenyi!" hingal na usal ko.

"Ayaw ko," seryosong usal niya.

"Magluluto daw s'ya ng healthy para sa'yo." Iyon ang naging huling alas ko.

"Akin na!"

Matapos iyon, lahat na kami ay tumatakbo nang mas maayos. Kahit nahuhuli ako sa pagtakbo, okay lang. Pinagtatawanan ko na lang ang kapansin-pansin na pink bottle na nakasabit sa leeg ni Kuya Rougue. Cutie-cute!

"Thirty minutes done! Take a break for five minutes. We have next activity!" wika ni Agent Dion.

Noong sinabi n'yang break ay humiga na lamang ako sa lupa. Hindi ko na alam ang ginawa ng iba. Naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin na parang sako ng bigas at inupo sa isang kahoy na upuan. Binigay n'ya rin ang water bottle ko. 

"Five minutes break? Pagtae ko lang 'yon eh!" sigaw ko.

Lahat ay natahimik, nakatingin sila sa likuran ko.  Amoy na amoy ko ang matapang na pabango ni Agent Dion.

"Five sit-ups,  Seeker Number Six"

"What number six!?" irit ko. Mainit ang buong mukha ko, pakiramdam ko'y ang damit ko ay gawa sa pawis. "Panghuli ako sa lahat?" tanong ko, kunot noo.

"Ten sit-ups."

Magrereklamo pa sana ako pero alam kong madadagdagan pa 'yon nang madadagdagan sa bawat pagtaliwas ko. Naisip ko na lang na kumuha ng chocolate bar sa bag ko.

Hindi ko kayo bibigyan!

Inipit ko sa tuhod ang chocolate bar at sinubukan ang sit-up. Kalkulado ko na ang paghinga ko at sa bawat upo ko ay kumakagat ako ng  chocolate.

It Started With The Test PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon