trigger warning: profanities
Start
Geyl's POV"Grabe, hinabol ba naman ako nang ilang minuto tapos pagpapaliwanagin lang pala ko. Nahulog tuloy kami sa hagdan." Kwento sa akin ni Jullion. Pumasok kasi siya na may benda sa kamay at bukol sa ulo. Sa kabila ng bali ay hindi man lang nabawasan ang kaniyang kadaldalan.
O' father forgive me! Bakit kasi hindi na lang sa bibig siya nabangasan? Kahit kaunti?
Nasa unang subject kami ng klase at wala pang teacher.
"Paggising ko nga sa clinic, puta." Napatingin naman ako nang masama dahil sa pagmumura niya. "Pusa! Halos makapatay na si R. Tapos nakita ko iyong babae niya. Pusa! Aatakihin ako sa puso. "
"Ano ba kasing ginawa mo?" walang gana kong tanong. Halos tingnan ko ang kuko ko dahil mas magandang tanawin iyon kaysa sa mukha niya.
"May dinala kasi si R na babae, medyo nabastos ko, basta para akong mamatay n'on."
"R? Warm bodies?"
"R Wainwright."
Mukhang foreigner ang kaibigan niya at may girlfriend na binastos. Chul was confessing his dark side on me! With no second thought.
"Tara, inom tayo?" tanong niya.
Hinabol pa niya ang mukha ko nang umub-ob ako at maging siya ay tumungo rin para i-level ang tingin sa akin.
"Kasama ka? Nambastos ka nga ng babae, Jullion," paalala ko.
"Call me Chul!"
"Whatever."
"Please. Magce-celebrate ako dahil na-raid na 'yong---" Napatigil siya at napatingin sa akin. Mukhang nag-aalangan pa siya sa sasabihin. "Basta na-raid na 'yong tinutuluyan ko dati. Mga kilala ko 'yong mga lalaki d'on pero masaya ako dahil sinama sila sa organisasyon for rehab ata. Nasa mabuting kamay na sila."
****
Saktong celebration iyon ng pagsasama at paghihiwalay nina Jenyi at Rougue. Iyak nang iyak si Jenyi dahil sinaktan daw siya. First heartbreak.
"Inom tayo? Niyaya ako ni Chul, I mean, Jullion pala." There's no way na nahahawa na ako sa kakulitan ni Jullion. First name basis is for his closest lang dapat.
"Tanga, manyak 'yon. Dadalhin ka lang n'on d'on sa kinuwento kong bahay na puro lalaki."
Nabigla ako sa sinabi n'ya kaya wala sa sariling nasabunutan ko siya. Kaya pala pamilyar 'yong kwento niya.
R Wainwright? Rougue Wainwright.
"Hindi ako tanga, ulaga ka," banggit ko na lang.
"May nagyaya sa akin mag-bar, sasama ako," wika ni Jenyi na naging hudyat sa akin na mag-inom din. Chul's invitation is kinda suspicious.
I found myself joining since I am to weary about what happening. Being with Standey is not a good idea like what I presume at the first place.
Ang pagpunta ko sa bar ay isang pahinga. O' yes! Hindi ito isang pagwa-walwal kung 'di pahinga--- pahinga sa nakakapagod na pakikisalamuha kay Standey, isama pa si Roman na...
"Cheers!" sigaw naming apat na nakapalibot sa round table.
Halos magda-dalawang oras na rin kaming umiinom sa bar at himalang hindi pa nakakasunod ang boys.
Ininom ko ang alak sa baso. Dahil sa init na dala ng paligid at inumin ay tinanggal ko na ang poncho. Sa kalasingan at tugtog ay napapasayaw ako.
Nakapikit ako habang sumasayaw. Nakakahilo ang bawat galaw ng tao kaya napili kong gumilid. Naramdaman kong may humawak sa bandang baywang ko at walang pag-aaksaya ng oras na sinuntok ito.

BINABASA MO ANG
It Started With The Test Paper
Mystery / ThrillerTagLish ---- On 23rd day of October the CA Organization put code at the last page of the test paper. Students who are into codes deciphered it and became part of the Seekers. In the midst of training for the mission, the conflict from t...